I was taken aback with his words. And I knew that I'm in a great danger. Everything about Jonas del Vera screams danger and I must be aware of his shadow. Pinikit ko nang mariin yung mata ko dahil sa matinding hilo na nararamdaman ko. Naramdaman ko na inaalalayan niya ako pahiga sa malambot na kama. Nakatagilid ang ulo niya habang pinagmamasdan niya ako. Inaasahan ko na mangyayari ito. Dala-dala ko yung bracelet na inimbento ko kapag nasa peligro na ako. Alam ko na lalabas sa computer ni Lourd yung signal. Dahil nung isang beses kaming nag-usap ay napag-usapan namin na sa computer niya nalang ilagay yung signal. Pasimple ko pinindot yung bracelet. Huminga ako ng malalim. Sa gilid ko ay naramdaman ko na bumigat at dumapo nanaman yung kamay ni Jonas sa binti ko. "You don't have to do this

