"Napaka-ganda mo Miss Sandy, kaya hindi na ako magtataka na sapilitan ang kasal ninyo. Saka kailangan na po nating lumabas dahil naghihintay na si Sir Troy at ang magkakasal sa inyo," saad ng babae. Lumabas kami at pumunta sa garden, nakita kong maraming bulaklak ang nakalagay sa daraanan ko, siguro kong mahal ko si Troy, kikiligin ako sa ganda nang ayos ng paligid. Pero hindi ko mahal si Troy. Saka papaano kay ako makakatakas dito. Hindi pwedeng maikasal kami. "Miss Sandy, lumakad ka na naghihintay na si Sir Troy," wika ng babaeng nag-ayos sa akin. Pumatak ang mga luha ko habang naglalakad, ang saklap ng kapalaran ko, hindi ako basta makakatakas dito, dahil sa dami ng mga tauhan nito sa paligid. Nasa kalagitnaan na ako sa aking paglalakad papalapit kay Troy nang marinig ko ang pagsa

