Sapilitan akong hinila ni Dark papasok sa loob ng gate. Pero ramdam ko ang galit nito. Para sa aking ay wala akong pakialam doon ang gusto ko lamang ay makalayo sa lalaki. Bitiwan mo ako Dark! Aalis na ako!" Sigaw ko na umiiyak. Ngunit wala akong narinig na salita nito, mahigpit lamang ang pagkakahawak nito sa akin. Agad kaming pumasok sa kabahayan nakita kong nakatingin lang samin ang mga tauhan nito, ganoon din si Angel. Pansin ko ring umiiling si Apple nang dumaan kami sa harap nito Pumasok kami sa kuwarto at dinala ako sa cr. "Maligo ka na Sandy!"utos nito sa akin. At pagkatapis ay lumabas ito ng CR, nagmadali akong naligo. Lumabas ako ng banyo at nagmadaling nagbihis, nagsusuklay na ako ng buhok nang pumasok si Dark, hindi pa rin ito nagpapalit ng damit. Dumaan ito sa harapan ko

