Tumingin ako sa mga kalaban na papasok sa loob ng kagubatan at nakita ko na lamang na isa-isang bumagsak sa lupa ang limang tao. Ano'ng nangyari? Bakit wala akong narinig na putok na baril. Tumingin ako kay Dark at nakita kong kinalabit na naman nito ang baril niyang hawak. Ngunit wala akong narinig na tulog doon mula sa hawak nitong baril. Padilim na ng padilim ng buong paligid. At sure akong mahirap nang maglakad sa gitna ng kagubatan mamaya. Meron ka pa bang kalaban, Dark?" tanong ko. "Yes," tumingin ito sa akin. "Humawak ka nang maayos Candy at baka mahulog ka. Saka maalapit na sila, kaya lumapit ka na sa akin at yumakap," utos nito. "Ha! Bakit?" tanong ko, huwag ka nang magtanong, bilisan mo, Candy." Lumapit ako rito ng walang imik at agad na yumapos sa beywang nito, nagulat

