Kiara Pink Rose Castle "Sis! Congratulations!" Masayang yumakap kay Kitkat si Dominique. Siya naman ay lutang na ngumiti kay sa matalik niyang kaibigan. "Sis, totoo ba 'to?" nasambit niya. "Oo, Sis! Look at your bonggang engagement ring!" Kinikilig na sabi ni Dominique. "It's so gorgeous, diba Tita?" Sabi ni Dominique sa kaniyang ina ka-holding hands niya. Hindi nga niya namalayan na ka-holding hands na niya ang kaniyang ina, ngunit batid niyang kailangan niya iyon dahil nanlalambot ang kaniyang mga tuhod sa sobrang emosyon, "I'm engaged, Mom." Baling niya sa kaniyang ina. "Yes, anak. You're engaged to your K-pop idol GP of Infin8." Kinikilig na sambit ng kaniyang ina sa kaniya , habang ang mga kalalakihan naman ay nasa dulo ng lamesa at nagkukuwentuhan. Inilabas ng kaniyang ama ang

