Eleven

4883 Words
Gabriel After spending the night at their family's Malibu rest house, Gab and Kitkat went back to her apartment via helicopter to get her passport and a few clothes, but Kitkat forgot her mobile phone in a hurry as they were trying to catch their flight, and as they needed to escape from the hawk-eyed paparazzi. Gab thought leaving Kitkat's phone was for the better since he learned from Kitkat that her mobile phone had a tracker installed for her by her parents. Natuklasan niya kay Kitkat na pinalagay ng magulang nito ang tracker, dahil kung saan-saan ito nakakarating para sa mga Infin8's soldiers' gathering. Higit sa lahat, ang pinaka hindi nagustuhan ng magulang ni Kitkat ay nang pumunta ito sa hotel niya noon upang makita lamang siya. "Ba't mo kasi ginawa yun?" taka niyang tanong. "Tinatanong pa ba yan?" sagot ni Kitkat. "Kapag fan ka, syempre gagawa ka ng paraan para makita mo yung idol mo..." paliwanag ni Kitkat na tila nagsisi din na nagpaliwanag pa ito sa kaniya dahil siya ang idol nito. Pinagmasdan niya ang ka-aya ayang mukha ni Kitkat at napaisip sa laki ng pagmamahal ni Kitkat para sa idol nito. At siya iyon, si GP of Infin8. I, GP of Infin8, am the luckiest member because of Kitkat. He thought. Napangiti siya dito. "Salamat sa'yo Kitkat at sa mga Infin8 soldiers. Thank you for doing all those efforts for Infin8." Aniya. Kitkat looked at him with obvious lovey-dovey eyes. "And for you..." she whispered, but swiftly got a hold of herself. Agad itong tumalikod sa kaniya at inabala ang sarili sa paga-ayos ng mga damit at paglagay ng mga gamit nito sa cabinet. *** Gab observed Kitkat as she occupied a small space of his walk-in closet in the condo with the few clothes, she was able to bring with her from the US, and she occupied a small space in the bathroom cabinet for her toiletries. He pleasantly welcomed the idea of sharing his home with her. More than that, he was even thankful and in awe that he was able to convince Kitkat to come home with him and stay in the Philippines, but he had a fear that this may be short-lived. He pushed the negative thoughts away and focused on his current feeling. He felt happy. The feeling was like when he was a kid and his parents brought him a pup husky. He was excited to come home from school and take care of his husky because that husky was his pet. It wasn't any of his siblings' pet, but his alone. Thinking about Kitkat as a husky made him smile. He thought Kitkat would surely be mad at him for comparing her to a husky. He was in a remote location at Quezon for the shooting. Mahirap ang signal pero tinityaga niyang umakyat ng bundok upang makakuha ng signal para matawagan si Kitkat. Walang minuto na hindi kasi niya naiisip si Kitkat habang nasa shooting siya. Gab wondered what she was doing, if she was bored, or had she been eating well since she was alone in his condo unit. He couldn't wait till the taping would pack up, and so he could return home and be with her. While waiting for the shooting to be over, he just recalled how much fun he had with her before he left his condo a few days ago. Napapangiti pa din siya sa tuwing maaalala ang mga reaksyon ni Kitkat dahil naninibago ito sa sitwasyon nilang dalawa. Kinikilig siya kapag naiisip niyang magkatabi na sila matulog at malaya niya itong nayayakap. They share an intimacy that he found so sacred for him. And he was thankful to Kitkat because she was so generous to respond to his intimate needs and wants. In return, he wanted to please her too and had been missing her already. Kapag naiisip niya si Kitkat at ang pamumula ng mukha nito at hindi makatingin sa kaniya ay naku-kyutan siya dito. Hindi nga lang niya mawari kung dahil ba naii-starstruck pa din ito sa kaniya, o dahil hindi ito sanay na may lalaking kasama. Naalala niya nung ipinag-shopping niya si Kitkat. "Gab," ani ni KitKat habang nagbabayad siya ng mga pinamili nilang damit nito na pantulog, pambahay, at mga pang- casual na kasuotan. "May pupuntahan lang ako sandali." Nahihiya nitong sabi. "Samahan na kita. Babayaran ko lang ang mga ito." He offered as he pulled his credit card from his wallet indicating his real and full name, and gave it to the cashier, habang siya ay naka-disguise pa din. "Hindi na, GP... err...I mean Gab..." tarantang tanggi ni Kitkat sa kaniya. Halata sa mukha ng dalaga ang pamumutla na tila hindi ito kumportable kaya hindi na siya nagpumilit. Pumayag na rin siya at pinaalala na lang kay Kitkat na tatawagan niya ito para sunduin mamaya kung nasaan man ito nagpunta. Nagmadaling maglakad si Kat papalayo kaya naman nag-alala siya. Gusto na nga niya ito habulin at pigilan sa paglalakad ng mabilis at baka madulas ito. Nagmadali din siyang kunin ang kaniyang mga pinamili mula sa cashier station at nagpasalamat dito bago tumakbo upang mapalapit ang distansya niya kay Kitkat "Where is she even going? We've already bought the things she needs while she's staying at my condo. Saan pa kaya pupunta yun? " Inaninag niya si Kitkat. " Why isn't she telling me what else she needs, so I can buy it for her? Haist!" Pagtataka niya kaya't palihim na lang niyang sinundan ito. Dahil malayo na ito sa kaniya ay tinawagan niya ito habang inaaninag ito sa paglalakad. Tila papunta ito sa mga ladies' underwear section. Doon niya napagtantong nahihiya si Kitkat na mamili ng mga undies nito na kasama siya. This was all new to Gab, and wondered if he was supposed to feel awkward about the situation. Kung sa ibang babae siguro ay mahihiya siya, pero kay Kitkat ay hindi siya nakaramdam ng hiya. Pakiramdam pa nga niya ay nais niyang malaman ang lahat kay Kitkat simula sa kulay ng mata nito, kung ilang ang butas ng hikaw nito sa tenga na natuklasan naman niyang dalawa sa kaliwang tenga, at nunal nito sa balikat at hita, bra size, underwear size, shoe size, pabangong ginagamit, paboritong kulay, flavor ng ice cream, mga ayaw nito o kung may allergies ba ito na dapat niyang malaman. Gab wanted to know all these because he was starting to have deep feelings for Kitkat even if they only had been together for a short span of time. For him, Kitkat was no ordinary girl. She was special to him because she was his first to share this kind of experience and she was going to be the mother of his baby. Though this was something new to him, it was giving him a sense of happiness and excitement. He also felt something else- possessiveness over this woman. He thought that this was disadvantageous for him because he never felt this way before, and he was not sure he would be able to handle this in a cool manner. He wanted to be cool for Kitkat. He wanted her to like him and think of him as awesome. Napangiti siya habang pinagmamasdan si Kitkat sa may di kalayuan, habang ito ay tumitingin ng mga naka-hang na brassier at underwear. Napagdesisyunan niyang tawagan ito. "Love, nasaan ka na?" He asked. "May mga stuff lang ako kailangan bilhin..." sabi nito. From where he was standing, he could see that Kitkat was turning Red as she said those words. "Bakit kailangan mag-isa ka lang sa pinuntahan mo? Paano ka magbabayad, nasa akin yung credit card?" "Ay... oo nga no... shocks!" Napatingin si Kitkat sa mga bitbit nitong mga napili nitong mga undergarments. "Ano ba kasi yung binibili mo, ha? Bakit kailangan magkahiwalay pa tayo habang namimili ka?" "Eh kasi nahihiya ako!"Pag-amin niya. "Namimili ako ng ano..." halos pabulong nitong sinabi. "Mga bra at panty ko!" Pabulong nitong sinabi. Napangiti siya habang pinapanood si Kitkat. "Talaga? Eh anong nakakahiya don? Sama ako para mamimili din ako." "Nagsu-suot ka rin ng panty?" naiinis na tugon ni Kitkat sa kaniya. "Syempre gusto ko alam ko yan mga bagay na yan para pag kailangan mo, I can buy it for you." "Hindi ka mahihiya bumili for me?Lalo na kapag kailangan ko na ng mga underwear for pregnant women, mga bra for breastfeeding?" She asked. Pinagmasdan niya si Kitkat na parang nangingiti habang tila tinetesting siya ng mga tanong nito. Hindi niya naisip na kakailangan ni Kitkat ang mga ganung bagay, pero batid niya sa kaniyang sarili na willing siya gawin ang mga ganoong errands para kay Kitkat kapag malaki na ang tiyan nito. Just thinking of Kitkat with her big tummy due to her pregnancy still scared him as he imagined thousands of minions popping out of her tummy. But, looking at Kitkat being pregnant with his baby gave him a sense of belonging and being responsible for something special--- this pregnant woman was his, and the baby or even minions she would carry were his responsibility... and he belonged to them as much as they belonged to him... only if he chooses. And it looked to him that he has already made the choice. "Of course, Love. I would do all those." He confidently answered. Nakita niyang hinawakan ni Kitkat ang pisngi at parang umiikot ikot. Napatawa siya dahil kinikilig ito. Ngunit nag-alala din siya na baka mahilo ito. "Hey, stop doing that. Baka mahilo ka. Papunta na ako dyan." Aniya at tinapos na ang tawag kahit naririnig pa niya si Kitkat na tumututol. Mabilis niyang tinahak ang ladies' section mula sa kaniyang kinatatayuan, habang bitbit ang mga paper bags ng mga pinamili nilang damit nito. Kitkat seemed frozen from where she was standing as he approached her. "Hey, Love," aniya. "Are these the ones you chose? Are you going to fit them or are they're ok with you na?" he asked. "These are the brands naman na I really use so I don't need to fit them na..." she shyly answered. "Sayang. I would have wanted sana to check you out..." aniya sabay akbay kay Kitkat. "Anong sabi mo?" bahagya siyang hinampas ni Kitkat. "I mean I wanted to check those if they fit you well, so I know what size and buy you more if you need more. " Pagrarason niya. "Eh ikaw?Anong size ng underwear mo?" she candidly asked. Napatawa siya. "Marami pa akong underwear at saka wala dito sa mall yung mga..." hindi na tinuloy ni Gab ang sasabihin. He had the keen sense because he was uncomfortable to inform Kitkat of the luxury brands that he uses. "I get it. My gosh, underwear lang aabuti na ng malaking halaga... "napakagat labi si Kitkat. "They're just sponsored kasi we wear those during concerts..." "So... you intentionally show off those brands as you perform on stage?" "Yes," maikli niyang tugon. "Kaya syempre panay ang physical training din namin para we will look... presentable on stage." "Presentable telege..." pinaypayan ni Kitkat ang sarili na tila nagba-blush. Naalala niya yung panahon na lasing si Kitkat at sinabi nitong binilang nito ang abs niya. "Love, uwi na tayo." Aya niya. "Teka, yung mga bra and panty ko bayaran mo naman. Wala na akong masuot." Nahihiya nitong sabi. "Do you really need those especially when I'm around?" pilyo niyang tanong. Napakagat labi si Kitkat. "Eh paano kung hindi kita kasama? So okay lang ba sa'yo na lalabas ako to buy grocery na walang undergarments?" Kumunot ang noo niya. "Subukan mo!" Inis niyang sagot. "Nasaan ba dito ang mga grandma bra and underwear, yun ang bilin natin!" Aniya at mabilis na nag-scan ng mga undergarments. "Miss?" tawag pa niya sa sales lady. "Can you please help us to look for conservative undergarments?" "Huy! Nakakahiya!" Pigil nito sa kaniya. Bumigay din si Kitkat sa kakulitan niya at pumayag na magsukat ng mga brassier at underwear na gusto niya para dito. Yung mga sexy na undergarments at mga conservative na undergarments ay pareho niyang binili para kay Kitkat. "You're unbelievable!" Tinirikan siya ng mata ni Kitkat habang paalis sila sa ladies' section. He just smirked at her and put his arm around her. He guided her to go to a jewelry store. "Anong gagawin natin dito?" takang tanong ni Kitkat. "I'm just going to check something." He said and respectfully asked the sales lady for different kinds of set earrings, necklaces, bracelets, and rings. "Wow! Ang gaganda!"Kitkat said appreciating the heart-shaped diamond cut set. "Maganda ba?Tingin nga..." Gab said and placed the set jewelry himself on her ears, neck, wrist and last was the ring on her finger. Sukat na sukat kay Kitkat ang singsing. Bagay kay Kitkat at napangiti siya. "Bagay sa'yo." "Talaga?"Napangiti si Kitkat at bumaling sa sales lady. "Miss, may I know how much this is?" "Madam, this set is 1.2 Million Pesos."Sabi ng sales lady at bumaling sa kaniya. "Is this the set you will purchase for the beautiful Madam, Sir?" tanong nito sa kanya. Napakapit si Kitkat sa braso niya. "Wow! Bibilin mo ito? Para sa Mommy mo?" nagmamadaling tanggalin ni Kitkat ang alahas sa tenga nito, sa leeg, at sa braso, nang pigilan niya si Kitkat. "The beautiful Madam loves it so we will take it."He said and handed his credit card to the saleslady. "She will wear it now, too." Napanganga si Kitkat. " Sa Mommy mo ito diba?" naga-alalang tanong nito. "No, the one wearing this at this moment is the owner of this set of jewelry." Aniya saka pumirma sa credit card na binalik na ng sales lady sa kaniya, kasama ang empty na box at paper bag para sa mga alahas na binili nila. "Let's go." Inaya na niya lumabas si Kitkat jewelry store. Tila naistatwa ito sa kinatatayuan nito kaya sinundo pa niya ito at inakbayan para maglakad na sila papalabas ng jewelry store. "Tara na. Nagugutom ako. Ikaw at si baby nagugutom na ba?" Tanong niya. "Why are you splurging on me, Gab?" tila nakasimangot ito. Napatigil sila sa paglalakad. "I'm not splurging, Love. I have been working so hard, and I think okay lang naman siguro na gamitin ko ang perang pinagsikapan ko..." sagot niya. "But you should spend it on you..., not me." She answered. "Pag-usapan natin yan after natin kumain. Baka uminit ang ulo ng buntis pag mali ang sagot ko." Pabiro niyang aya dito. Gab reached out to her and held her hand, as they walked towards his favorite restaurant in the mall. He pulled a seat for her to assist her as she sat, and he placed all their shopping bags underneath the table. The waiter gave them the menu. He scanned the menu as he quietly hummed the song that he was listening to which was played in the restaurant. Hindi niya kaagad napansin na pinagmamasdan siya ni Kitkat. He was having an inkling that Kitkat did not want to move on from discussing about his spending habit. "Kain muna tayo..." he winked at her. Bumuntong hininga si Kitkat at tumingin na rin sa menu. Kahit nakikinig siya sa background music ay narinig niya ang pagkulo ng tiyan ni Kitkat. Hindi tumingin si Kitkat sa kaniya pero itinaas nito ang menu para takpan ang mukha nito. "Nagrereklamo na si baby kaya nagpaparinig na siya. Let's order our food na." He encouraged. Malapit lang sa kanila ang waiter kaya agad itong lumapit sa kanila ng akmang hahanapin na niya ito. They ordered their food, and it was promptly served. They said a quick prayer to bless the food, before they started eating. Tahimik silang kumain. He has observed this with Kitkat ever since. Kapag kakain ay tahimik ito at hindi nakikipagkuwentuhan. It was something that Gab was not used to. Noong nasa tour siya ay nakikipag kuwentuhan siya sa mga Infin8 members at production team. Sa mismong bahay nila sa Tagaytay ay nagkukuwentuhan din sila ng kaniyang pamilya, lalo na kapag may gatherings ang mga matatalik na kaibigan ng kaniyang magulang at mga anak nito. "May I ask you something?" paalam niya. Pinanood niya si Kitkat na itinabi ang knife at fork nito sa gilid ng plato. Mahinhin nitong dinampi ang napkin sa bibig nito at tiniklop ang napkin saka inilagay sa gilid ng plato. Though he did not know how Kitkat was raised or if she belonged to the upper-class society, but it was obvious with her manners that she was taught or raised well in the etiquette department. "Sure." Tipid na sagot nito. "Kapag ba kumakain kayo ng sabay sabay ng family mo, tahimik ba kayo?" tanong niya. Napatawa si Kitkat. "Hindi. Nagkukuwentuhan naman kami. Pero mas madalas ang nagkukuwento eh yung mga kapatid ko. Hindi ako makasingit, saka mas gusto ko lang makinig sa mga adventures nila. I'm comfortable that way na rin. Saka wala din naman akong ibang ikukuwento sa kanila kungdi ikaw... I mean yung Infin8. And, they're sort of nasusuya kasi hindi sila... fan." "They don't like Infin8?" Nagulat siya dahil sa pagkaka-alam niya, yung popularity nila ay pang-global na, which also meant they are well-liked. "Hindi naman... uhm... may particular lang silang hindi gusto kasi nga... hindi ko ma-contain yung pagkabaliw ko don..." nahihiya nitong amin. Agad niyang naintindihan na ang tinutukoy nitong hindi gusto ng pamilya ay siya. "Sorry," nahihiya nitong sambit. "So, anyway, that's the reason why I just keep quiet na lang, and I guess I got used to eating alone because my family is in Italy. So, ako lang mag-isa ang kumakain." Napa-isip siya sa sinabi ni Kitkat na hindi daw siya gusto ng pamilya nito. It looks like mahihirapan pala ako kung sakaling mamanhikan ako sa kanila...he thought. Napaisip pati siya sa sitwasyon ni Kitkat sa pamilya nila. Dahil sa pagkagusto ni Kitkat sa kaniya ay mas pinipili na lang nitong tumahimik sa mga kuwentuhan dahil siya ang parating bukang bibig nito. Kung siya man ang magulang ni Kitkat, siguro ay magseselos din siya kung ibang lalaki ang parating sinasambit ni Kitkat dahil die-hard fan ito. He felt he and the Infin8 owe a lot to Kitkat and the soldiers for their love and loyalty to them. Pinagmasdan niya ang magandang mukha ng dalaga na walang kamalay malay na mas lalong nahuhulog ang loob niya dito. "Well, this time, as much as possible, hindi ka na mag-isa kakain. I'm here now." He said. Napakagt labi si Kitkat at namula sa sinabi niya, ngunit wala itong sinabi. She reached for her water goblet and finished the water instead. The ring on her finger sparkled and he smiled. "Bagay sa'yo." Agad na ibinaba ni Kitkat ang kamay nito at nilapag sa gilid ng plato upang kunin ng knife at fork. "Shouldn't I put this back in the box?" She asked without looking at him. He reached out for her hand wearing the ring. "This ring is my promise ring to you. Pag inalis mo yan, masasaktan ako." Nanlaki ang mga mata ni Kitkat at napalunok. "Promise ring for what? At saka bakit ka naman masasaktan?" "It's my promise ring that I will take care of your needs and our baby's." Aniya. Napatulala si Kitkat sa kaniya. Tila marami itong agam-agam. "Take care of our needs..." she nodded her head. It seemed she was trying to analyze what he said. "Is there something wrong with what I said, Love?" "Love." She uttered. "That's what I was trying to figure out with what you said..." she shyly explained. "Kasama ba sa promise ang love? Kaya ka ba masasaktan kasi may love ka na nararadaman sa akin?" "Love for you and our baby?" napalunok siya at patuloy lang sila nagkatitigan ni Kitkat. Napaisip din kasi siya sa antas ng pagmamahal na nararamdaman niya para kay Kitkat at sa magiging baby nila. Humugot ng hininga si Kitkat. "You know what, Love, forget what I said. Sorry," anito at malungkot na pinagtuunan na lang ang pagkain. He reached out for her hand again. "Love, I will be honest with you. We may be in the early stage of this journey of being young parents... and we are just getting to know each other this time, but it is not impossible for a deeper love to exist between us. I just believe that love is not just a feeling but an action. Yung pagmamahal ko para sa'yo bago pa lang, pero kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, ipapakita ko iyon sa gawa." He sincerely said. Napangiti na si Kitkat. "Thank you, Gab." She blushed. "I think sa tagal ko ng nagmamahal sa'yo as a fan, obvious naman na gusto kita. Alam ko na may mga bagay na maari tayong makita na flaws ng isa't isa along the way...pero sure ako, mahal kita, and I will try my best to look past your flaws or mistakes... if ever you have one... which I am not sure because para sa akin, perfect ka." Napakagat labi si Kitkat. "And I will stop blubbering now because I talk too much..." she busied herself with cutting the meat on her plate with her knife and fork. Napatawa si Gab. "At pag may nakita akong flaws mo..." Napatigil si Kitkat sa ginagawa nito at tumingin kay Gab na may pag-aalala sa mga mata nito. "K-kapag may nakita kang hindi mo gusto..." patanong na sambit ni Kitkat. "Love is an action word." Tugon niya. *** Kiara Kitkat hurried to open the door. May bahagya pa siyang alinlangan dahil kakakilala lamang niya sa Daddy ni Gab. Hindi siya sigurado kung safe ba siya dito lalo na mag-isa lamang siya sa floor na ito. Nevertheless, she banked on the thought that her mother used to be head-over-heels in love with Gab's dad despite him being married already back then. He must be someone special and good. "Come in, Sir. May I offer you coffee?" Tarantang niyang tanong habang pinatuloy niya ang Daddy ni Gab. Saglit siyang napatigil at tumalikod. Napakagat labi siya dahil nagi-english siya sa harap ng Daddy ni Gab. "No, thanks." Ardy Ponce replied. "What's your name nga pala iha saka ilang taon ka na?" "Kitkat po, Sir. And I'm 20 years old po." Nataranta niyang sagot. "Ah! Kitkat... you know you look familiar." Anito. "I'm glad you're 20 years old, because you look so young, and minors are not allowed to work yet." "Ah, yes, Sir. You're right po. Thank you for the compliment po about my age... that I look young... hehe... " she panicked at the thought of her conversing with Gab's father in English when she claimed that she's Gab's maid. But, hey, helpers now are fluent in English, especially when they work abroad. So, calm down Kitkat. Just refrain from conversing in English or he might notice your twang. At baka madulas ka pa at mag-French at Italian dyan! Kalma, gorl! "Upo po kayo, Sir." Kinakabahan niyang sabi. "Ikukuha ko na lang po kayo ng tubig." Agad siyang lumakad papalayo sa sala at patungo sa kusina upang i-compose ang sarili niya. Pagkakuha niya ng baso ng tubig at tray ay muli siyang lumapit sa sala. Rinig sa pagkalansing ng baso ng tubig at tray ang panginginig ng kaniyang kamay. Napatingin sa kaniya si Ardy Ponce at tumayo ito para lumapit sa kaniya upang akmang alalayan siya. "Ako na po, Sir. "Aniya at inalok ang baso ng tubig sa Daddy ni Gab. Nginitian siya nito at tinanggap ang baso ng tubig. "Salamat, iha." Anito at nanatiling nakatayo. Siya naman ay nanatiling nakatayo din lamang sa harap ni Ardy habang yakap niya ang kaniyang hawak na tray. Hindi niya napansin nakatitig pala siya kay Ardy Ponce. Sa isip niya, napaka-guwapo pala ng ama ni Gab. Mas naiintindihan niya ngayon kung bakit nahumaling ang kaniyang Mommy noon kay Ardy Ponce. Pero syempre bias ako sa Tatay ko. Guwapo din kaya Tatay ko, matang pusa pa na namana naman ng mga kapatid kong lalake. Napatitig pa din siya at napangiti sa mukha ng Daddy ni Gab. Ewan ba niya pero parang naga-gravitate siya dito. Shocks! Naglilihi na ba ako? Ang guwapo kasi ng tatay ni Gab kahit 20 years plus pa ang tanda niya sa akin! "Would you know when Gab's coming back?" tanong nito. "He said he'll return next week, Sir." Sagot niya. Huli na ng mapagtanto niyang nakapag- english na naman siya. Napangiti si Ardy sa kaniya. "Are you stay-in helper here?" tanong nito. Naging mas maingat na siya ng pagsagot ngayon. "Uhm... opo." Tugon niya sa kaharap na tila tahimik na nago-obserba sa kaniya. " Kapag po padating na po siya, saka po ako umaalis po... para sa privacy po niya." Pagsisinungaling niya. Ardy Ponce nodded his head and smiled at her. He must be used to people looking at him. "Kailan kaya ang balik niya, iha?Naga-alala na kasi ang Mommy niya dahil halos dalawang linggo na siyang hindi umuuwi at hindi rin ma-contact." Habang nagsasalita ang Daddy ni Gab ay tumunog ang mobile phone niya. Boses pa ni Gab ang ring tone niya na kumakanta ng isa sa mga Infin8 songs. Pinamulahan siya ng mukha at agad niyang in-end and tawag. Ngunit, tumunog na naman ang kaniyang phone. Muli niya itong inend at mabilis na tumugon na lamang sa nabinbin na tanong ng Daddy ni Gab. "Next week pa po babalik si Gab... Sir Gab, dadating, Sir... sa susunod na linggo po..." nakakalito niyang paliwanag sa sobrang kaba at takot. Ayaw niyang mabuko sila ni Gab na nagsasama na sila. Kinakabahan siya sa posibleng mangyari. Muling napangiti ang Daddy ni Gab sa kaniya. "Fan ka din ng Infin8?" "O-opo, Sir." Nahihiya niyang pag-amin. "Alam mo... you look familiar..." napatingala si Ardy at tila may ina-alala. "You look like a friend of mine... her name is Katniss..." "Ako po?" Agad niyang pinutol ang sinasabi ni Ardy Ponce. " Wala po akong kilalang Katniss..." pagsisinungaling niya. nang tumunog na naman ang kaniyang mobile phone. Sinilip niya kung sino ang tumatawag at ang nakalagay na caller ay GP. Napatingin siya sa Daddy ni Gab. "Si Gab ba yung tumatawag sa'yo?" Tanong nito. "Yes po. Excuse me po, Sir. Sagutin ko lang po yung tawag ni Sir Gab." Sagot niya. "Go ahead. And after you, can I speak to him, too?" "Okay po." Tugon niya at kabadong sinagot ang mobile phone. Namali tuloy siya ng pindot at na-loud speaker niya ito. "Love? Are you okay? Why aren't you answering? Did something happen to you? I'm on my way back." Narinig lahat iyon ng Daddy in Gab at nanlamig siya. Nanigas tuloy ang tiyan niya sa tensyon. "Hello? Wrong number po ito. Wala pong Love dito." She tried to make up an excuse. "What are you talking about? Is this Kitkat? Love? Don't joke with me. I'm already f*ck*ng worried, I left the shooting and I'm driving back home as fast as I can." Tila na-stress siya lalo at napahawak na sa tiyan niya. "Gab... Sir Gab your father is here at home po." Pinilit pa din niyang i-compose ang sarili niya. "What? Why? Now I'm more worried! And, you haven't answered if you're ok. Are you ok?" sunod-sunod na tanong ni Gab sa kaniya na rinig na rinig naman ni Ardy Ponce. Rinig din sa kabilang linya na tila nagpapatakbo ito ng sasakyan ng mabilis. "May I?" paalam ng Daddy ni Gab sa kaniya upang makausap si Gab sa kaniyang mobile phone. Nagaalangan man ay ibinigay niya ang mobile phone sa Daddy ni Ardy. "Son, Kitkat might need to go to the hospital. She's bleeding." "Ako po?" lalo siyang nanlamig at napatingin pababa. Napansin niyang may pulang dagta na ang kaniyang suot na leggings. "Dad, please help her! She's pregnant, Dad." Pakiusap ni Gab. Rinig na rinig lahat iyon ni Kitkat at lalo siyang na-stress. "Okay, son. Calm down and don't rush. Mag-ingat ka sa pagda-drive. I will bring her to Makati Med. We'll see you there, okay?" Ardy Ponce suggested for her to sit down for a while, as he called his driver to get ready at the basement. He then asked permission to carry her, so she wouldn't have to walk. Kahit hiyang hiya ay pumayag na rin siya sa takot niya dahil nakakita siya ng dugo sa kaniyang leggings. She was amazed by Ardy Ponce's strength as he carried her to the elevator, and until they entered the lift going down to the basement, where his van was waiting. Nakita niyanf may mga lalaking naka-barong na nakatayo din sa tabi ng van. Baka ito ang mga bodyguards ng Dad ni Gab, sa isip niya at bahagyang tinago ang kaniyang mukha dahil nahihiya siya sa sitwasyon. Mabilis silang nakarating sa Makati Med at agad siyang sinuri ng doctor. Pina-fill out siya ng form kaya sinagutan niya iyon. Sa form ay may nakasulat kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya at hindi niya sinagutan iyon. Hiningi din sa form kung sino ang dapat tawagan kapay may emergency at ang nilagay niya ay ang pangalan nila Gab at ng best friend niyang si Dominique. Muli siyang sinuri ng duktor Habang kausap siya ng nito ay napansin niyang hiniram ng Daddy ni Gab mula sa nurse ang form na sinagutan niya at may tinawagan ito. Mas lalo tuloy siyang kinabahan. "Love, please come quickly." She. whispered as she felt so overwhelmed and nervous about what might happen today.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD