Eight

4304 Words
Gabriel "Uncle Matteo, I need your help." Bungad ni Gab nang sumagot na ang kaniyang Uncle sa kaniyang phone call. "Everything okay, Gab? Where are you? Your Mom informed me you're here in the US. Nakita niya online na niligtas mo ang daughter nina Utt at Katniss sa aksidente. And, Dom is with you, too? What's up, son? Your Mom says her mother instincts is saying you're in trouble." Napapatawang sabi nito. Agad siyang kinabahan at napa-buntong hininga. "Uncle," mabilis niyang sambit at nag-isip ng alibi. "It does not mean that if I went here in the US -" "Out of the blue? With your busy schedule? Yes, it's weird. It is suspicious. You like her. Be sure to finish school. Understood?" Mabilis na sabat ni Uncle Matteo. Napakunot noo siya. "I still have to finish my contracts, Uncle. Otherwise, they're going to sue me." "Yes, contracts are legally binding, so be a good boy, okay? If the contract stipulates, you can't get married yet, have a family... have children yet...well, that's show business for you, son. So, if you are planning to elope with her, you came to the right man. Now, what's the name of that unlucky lady?" Interesadong tanong nito. "Si Uncle talaga! Pinakaba mo ako don!" Halos manghina siya sa nerbyos. "Hindi po kami magtatanan, Uncle." Paliwanag niya. "What the... then why are you there?" Usisa ng kaniyang Uncle Matteo. "Did you knock her up?" Napalunok siya. "Yes." He admitted. "I was just joking! I was just assuming... you didn't have to answer me..." natatawang sabi nito. "I may have forgotten to tell you that you're on speakerphone and your Aunt Tanya is listening." Napasapo siya sa ulo. "You listen here, young man!" Narinig niya ang boses ng kaniyang Auntie Tanya. "Wag na wag kong maririnig sa'yo na wala kang plano panagutan yan porke't may iniingatan kang career!" Sermon nito. "Alam na ba ng mga magulang niyo yan?" "Not yet, Auntie." Nanlulumo niyang sagot at napasandal sa pader malapit sa kusina. "I can't make a move yet. If I tell my parents about this, for sure they will do what's right. They will speak with Kitkat's parents. But my problem is Kitkat. She doesn't want her parents to know about her condition. I offered her to come home and stay with me while we figure things out, but she doesn't want to. She said she wants to stay here in the US, enroll this school semester and doesn't want anything to do with me. But, Auntie, she's having a hard time. She's working as a waitress to fund herself and her needs for her pregnancy." "Well, she sounds to me that she's not an opportunist. She must be a fine lady, son!" He heard his uncle say. "How did you know her? How long have you known this young lady?" His Aunt Tanya interrogated. "How do I say this?" He felt embarrassed and whispered because Dominique was listening from the living room. "I met her through Dom. They're best of friends. We had a couple of drinks and we ended up sleeping together... next thing I know, she's pregnant and doesn't want to let me be involved in this...to protect me." "Wag ka papayag! I'm telling you! She's a good catch! Be the man and take responsibility, Gab, or you'll regret it for the rest of your life!" Payo ng kaniyang Uncle Matteo. Napaisip siya at napa-buntong hininga. Sang-ayon siya sa kanila. He couldn't just let her and their child slip away. He must figure out a way. "I will try to figure things out. I just need time to talk to Kitkat." He was in deep thought. " But first, Uncle, may I ask a favor, please? " "Yes, of course." "I need a helicopter to be on standby after I talk to Kitkat. There are reporters and fans at the lobby of Kitkat's building. They won't leave unless I leave, but I can't escape them if I exit at the lobby or by land to bring me to the airport tomorrow. "Yes, Gab." Si Aunt Tanya ang sumagot. "Just give us the time and place. How about Dom? Is she staying there with Kitkat, too?" "I figured Dom can change clothes so the fans and reporters can't easily identify her. She can go back to Ritz Hotel tonight and prepare our stuff...check out and meet me at the airport tomorrow." "Okay. Just send me the details- time, place, Dom's number, and I will send her the plate number of the car that will pick her up tonight." Ani ng kaniyang Auntie. "One last favor, please? I need to buy a giant bear..." "What's the giant bear for?" takang tanong ng kaniyang Auntie. "It's called courtship, my love." Narinig niyang sumagot ang kaniyang Uncle. Habang kumakain sila ng pina-deliver na dinner ni Gab ay panay ang palihim niyang panood kay Kitkat. Tila gutom na gutom ito, at nang matapos ito ay napadighay pa ng malakas, dahilan upang matawa ng walang patid ang best friend nitong si Dominique. Si Kitkat naman ay humingi ng dispensa habang napapatawa at namumula sa kahihiyan. Samantala, si Gab naman ay naaliw sa tawanan ng mag-best friend na nasa kaniyang harapan. Pinanood niya ang pagbungisngis ni Kitkat at naaliw sa dalaga. Gumaganda ito lalo kapag naka-ngiti. Naalala niya tuloy ang ngiti na sumilay sa mukha ni Kitkat kanina nang tanggapin nito ang giant teddy bear. Matapos kumain ay tumulong siya maglinis ng hapag kainan. He washed the used utensils and plates, while Dominique changed into her fan disguise with the clothes Kitkat was going to provide. Pag labas nila Dominique at Kitkat sa kuwarto ay naka- p Pink cap na si Dominique na may logo ng Infin8 at naka-fan shirt na may nakasulat na "Marry me, GP!" Napatawa siya kay Dominique na nag-model pa sa harap niya. "It's flattering, but it's incest." Aniya kay Dominique. "Kaya nga ito ang napili ko. Pag baba ko mamaya sa lobby, those people will think I'm not related to you, diba?" Proud pang sabi ni Dominique, bago bumaling kay Kitkat. "Promise. Ibabalik ko sa'yo ito, Sis." Biro pa nito. Napatingin siya kay Kitkat na hiyang hiya at hindi makatingin sa kaniya. "Nagamit mo na ba ito dati?" he asked without emotion. Hindi sumagot si Kitkat. Sumabat naman si Dominique. "Hay, just look for her sss account. Nandoon lahat ng mga faney moments ni sis." "Yunna Dominique!" Sita ni Kitkat. "Talaga?" He said interested and immediately took his phone out of his pocket to go to his f*******: account. "Anong account?" "Kiara Romualdez," Mabilis na sagot ni Dominique at nakitingin pa sa phone niya. She guided him which one was Kitkat's account. It was not easy to identify because Kitkat's profile photo was his face, just like other fans' profiles with his photos or Infin8's. He saw the 'add friend' button option in Kitkat's account and immediately clicked it. Tumunog ang phone ni Kitkat na tila na-statwa na malapit sa kanila. She slowly opened her phone, and he went close to her to check if there was a notification from f*******:. It said that 'GP' has a friend request for her. "What are you waiting for?" malambing na tanong niya kay Kitkat. Kitkat looked at him with big eyes. "Click confirm." He excitedly instructed. Umiling si Kitkat na namumula sa kahihiyan. Nainis siya. "Bakit ayaw mo ako i-add?" Simangot niya at kinuha ang phone ni Kitkat. He added himself and smiled with satisfaction, much to Kitkat's annoyance. "There." He said and held Kitkat's hand to return her phone. "Guys, I have to go." Paalam ni Dominique sa kanila. Humawak ng mahigpit si Kitkat sa kamay ni Dominique. "Hindi ka puwede umalis! Pagkatapos mo ako ilaglag dito!" Pigil ni Kitkat kay Dominique. Napatawa si Dominique. "Kaya mo yan! Sige na. Naghihintay yung sundo ko sa baba!" Bungisngis ni Dominique. Humalik ito sa pisngi ni Kitkat at sa pisngi niya. "Byeeee!" She said running out of the door. "Ingat!" Sabay pa nilang nasabi ni Kitkat. Nagkatinginan sila, ngunit mas naunang umiwas ng tingin si Kitkat at paalis na sa kinatatayuan nito. He gently pulled her to follow him and sit on the sofa where the giant bear was also seated. Pinagitnaan nila ng teddy bear si Kitkat. He made her sit beside him as he browsed through Kitkat's photos in f*******:, and while he felt her glaring at him. He ignored the laserbeam glares she was throwing at him as he enjoyed looking at Kitkat's pictures. Nakakataba ng puso na malaman ang effort na ginawa ni Kitkat bilang supporta para sa kaniya at sa kaniyang mga ka-grupo sa Infin8. He looked at her and kissed her on top of her head. Nanlaki ang mga mata ni Kitkat. "Sorry." Pa-cute niyang ngiti. "My bad! Magpapaalam nga pala muna ako bago ki-kiss." Aniya at kunwaring nag-scan ng phone. "Gusto ko lang mag-thank you for the support you have been showing Infin8 from the start." He shyly said without looking at her. Napatingin sa kaniya si Kitkat, at tila na-touch ito. May sasabihin pa sana ito sa kaniya ngunit tumunog ang mobile phone nito ng pitong beses. Nagtaka sila pareho at nakisilip na din siya sa mga notification sa f*******:. Ang notification ay galing sa ilang tao na gusto daw i-add si Kitkat as friend. Mas lalo siyang na- curious at naki-usisa. Gusto niyang makisigurado na hindi lalaki ang gusto mag-add kay Kitkat. Pagsilip niya ay nakita niya ang mga pamilyar na pangalan ng mga kasama niya sa Infin8. "Oh my gosh!" Kinilig na sambit ni Kitkat at napatingin sa kaniya. "The Infin8 members want to add me as their friend, love!" Wala sa isip na nabanggit ni Kitkat ang nakasanayan nitong term of endearment sa kaniya. Bahagya siyang napangiti ngunit naiinis pa din siya dahil sa ginawa ng mga "Kuyas" niya at sa pagkakilig ni Kitkat dahil doon. Alam niya ang intention ng mga Kuyas niya sa Infin8. Gusto nilang i-check out si Kitkat. At dahil kabisado din siya ng mga ito, alam nilang kaya niya ina-add ang dalaga ay may gusto siya dito. "Arrrgh!" Inis niyang sabi na parang mangka-karate habang naka-upo. "Hala, nababaliw ka na ba?" Umusod si Kitkat palayo sa kaniya at hinila ang malaking braso ng teddy bear para panangga laban sa kaniya. Binalingan niya yung teddy bear at dinuro. "Bantayan mo 'tong chic ko ah! Harangan mo yung pinto at wag kang magpapapasok ng kahit sino sa mga kuya sa Infin8!" Gigil niyang sabi. "Excuse me! I'm not anyone's chic!" Pagtama ni Kitkat at bumaling sa phone nito. Isa isa nitong pinindot ang confirm button, na ikinasakit ng puso niya. "Yeah...whatever...you're my sisiw..." mahina niyang sambit na nakasimangot pa din. *** Kiara "Hay! Tigilan mo na nga yang pag-view mo sa mga yan. Andito naman ako. Si GP!" Gab mumbled like a jealous boyfriend. Napakagat labi si Kitkat at tumingin kay Gab na nanadyang ipakita sa kaniya na inis ito dahil interesado siyang mag-scan sa mga private photos ng mga 'friends' lang ng bawat miyembro ng Infin8 ang nakakakita. She was not as interested of the members of Infin8 as she was of their specific member who was GP. But, since she was just beside GP, she could not freely browse his f*******: account. Gustong gusto pa naman sana niya tingnan ang photos ni GP at malaman kung may mga naka-set ba na 'only friends' na photos nito with any female specie. Matitiyak niya kasi kung may mga photos ba ito na hindi pa niya ever nakita dahil panay ang browse niya doon. Ako pa! Bordering stalker na nga ako ni GP. Napakagat labi siya dahil naaatat na siya at gusto na makita ang mga photos ni GP. Pero nasa tabi lamang niya Si Gab. Nahihiya siya. Kaya para maaliw ay profiles na lang muna nila Vinci na crush ni Dominique ang kanyang bina-browse. "Do you like Vinci?" inis na tanong ni Gab. "Hindi mo ba alam na gustong gusto yan ng best friend mo?" Tila galit ito habang pinapaalala sa kaniya kung sino si Vinci sa best friend niya. Bahagyang napatirik ang kaniyang mata at napatingin kay Gab dahil pakiramdam niya ay naiinis ito sa kaniya, at siya naman ay bahagyang napipikon din dito. "Alam ko po." Mahinahon niyang sagot, ngunit hindi niya maintindihan kung bakit habang nakatingin siya sa nakasimangot na lalaki ay naku-kyutan siya dito. "Hindi ko po type si Vinci, ok? Iba type ko..." aniya. Tumitig si Gab sa kaniya. Pakiramdam niya ay namula siya sa tingin na iyon ni Gab, at napalunok. "So, sino type mo?" tanong ni Gab. Napatingin siya sa tiyan niya at bumaling kay Gab. "Sasagutin ko ba talaga yan?" bahagya niyang inirapan si Gab. Sa di niya malaman pagkakataon, bumaling ulit siya ng tingin sa lalaki at nakita niyang nakangiti na ito. Pati naman siya ay napapangiti na rin, ngunit nakaramdam siya na gusto niya itong inisin. "Si Oliver." Sabi niya at pinakita ang profile ni Oliver na miyembro din ng Infin8. "Top 2 crushy ko." Muling sumama ang mukha ni Gab. Pinakatitigan siya nito at tila nanlalaki ang butas ng ilong habang tahimik na nakatingin sa kanyang mobile phone. "Mas pogi ako dyan at mas talented ako!" Aniya ni Gab na halatang galit. Gab even mumbled something only he could understand. Then, he heaved a sigh before he spoke again. "I don't have the whole night to talk. I have a flight tomorrow. Can we already discuss the plan? " "Okay," mahinahon niyang ibinaba ang mobile phone at ipinatong sa upuan at bahagya siyang humarap kay Gab na mabilis namang humarap din sa kaniya at ngumiti. Alam niyang nagsisimula na siyang mamula. Umiwas siya ng tingin, at napatawa si Gab. Kitkat knew her blushing face was a give-away so she turned her back and touched her face. She knew it was foolish of her to do, but she couldn't help it. Kinikilig siya. "Mag-usap naman tayo." He gently requested and reached out for her hand. "Nagu-usap na tayo." Nakatalikod niyang tugon. Nagkunwari siyang may inaayos sa kanyang kinauupuan. "Hindi ka nakaharap sa akin. May nagu-usap ba na ganito?" malambing na sabi ni Gab. "Okay, fine." Aniya. Hinarap niya si Gab at dahan dahan inangat ang mata upang tumingin dito. Kitkat tried to look straight at Gab and forgot to blink. Napangiti na naman si Gab sa kaniya. "Kung hindi ka lang cute, iisipin ko vampire ka. Your face is not moving and you're staring at me like I'm going to be your meal for the day. Puwedeng kumurap, Love?" Napahiya siya at kumurap. "OA ka!" Sabi na lang niya. Ngunit ang totoo ay nababaliw na siya sa kilig at lahat na ng SPG, XXX, at mahahalay na puwede niyang isipin ay naisip na niya habang kaharap niya si GP. Palalagpasin ko pa ba ang pagkakataon eh humaling na humaling naman ako talaga sa kaniya? Kungdi ko lang naiisip ang magulang ko... Nahihiya ako mapunta sa ganitong sitwasyon dahil kahihiyan din ng magulang ko ang nakasalalay dito. My parents were known by Gab's family to have had deep feelings for Gab's parents! Si Dada sa mom ni Gab na si Tita Shayla. Si Mom naman sa dad ni Gab na si Tito Ardy. It was a thing of the past. Past is past ika nga. Pero ayoko ma-judge ang magulang ko o maungkat ang past nila nang dahil sa aksidente akong nabuntis ni Gab. Kaya dapat umayos ako. Nagkamali man ako minsan, puwede pa ako bumangon. Puwede ko pa ibangon ang bandera ko. Ipakita ko naman kay Gab na matino akong pinalaki ng magulang kahit pa may naganap sa amin ng famous na si GP of Infin8. "T-Thank you ulit sa teddy bear. " Pagputol ni Kitkat sa katahimikan. "I'm glad you liked it." Anito. I was thinking na since mas gusto mo mag-stay dito sa US, at least may teddy bear kang companion dito." Pabiro nitong sabi na may himig pagtatampo. "Sorry talaga, Gab, if I don't want to go back to the Philippines. I really feel that this is the right thing to do... ayokong magulo yung life mo because of me and my baby." "Our baby, Kitkat." Malumanay na pagtama sa kaniya ni Gab. "This situation will complicate your life." Kitkat wanted to make him realize her point. "And this has complicated yours already, love." He cited. "Hindi ako papayag na hindi kita dadamayan dito." "Gab, hindi mo naiintindihan. Baka makasira ito sa career mo." "Alam ko, Kitkat. Pero ikakasira naman ng ulo ko kung papabayaan kita at yung baby ko na malayo sa akin." "Hay! Hindi ko na alam kung paano ako magpapaliwanag..." nai-istress na siya kay Gab. "I was thinking of what to tell you that would entice you to come home with me." Umpisa ni Gab. "And I could not think of anything." Pagtatapat nito at napahilamos ng mukha. "I mean, naisip kong ipangako na I will take care of you, pero naisip ko din na sa klase ng trabaho ko, maiiwan kita mag-isa sa condo natin." Malungkot nitong sabi habang malalim ang iniisip. " I can hire a helper and driver for you, while I'm away on shooting days, but I will still not be there most of the time. But still, you can get your Masters in open universities while you're with me in the condo. Or if safe for the baby, you can join me in my travels. There, that's one salient point. I think. Uhm... I understand that you will still be confined in our condo... but the most important part is that we could be together until the baby arrives.We can get to know each other better, be closer, and I am sure that your parents would want me na panagutan ko ang baby natin... na maging isang buong pamilya tayo para sa baby natin..." "Natatakot ako, Gab."Pinutol niya ang sinasabi ng binata. "What you're telling me sounds enticing, and exciting and promises positive possibilities. But they're all possibilities." She closed her hands into fists as she felt so nervous to express herself with all honesty to Gab. Si Gab ay si GP of Infin8 at alam niyang kabaliwan na tumanggi sa ino-offer ni Gab sa kaniya. "P-pero...iba kasi yung universe mo eh... Pakiramdam ko, ang ending pa din luhaan ako." Sa pagsabi niya non ay napaluha na siya. Napatingin siya sa kaninang excited na mga mata ni Gab at biglang napalitan ito ng lungkot. She knew she was rejecting Gab for the second time, and she found herself stupid for doing that. What made her feel worse is that she is hurting Gab, who has been nothing but patient and understanding to her. It churned something inside of her that he even caressed her face and wiped her tear away, which made her feel more stupid for rejecting him. "Alam mo ba na after kong malaman that we shared that super wonderful night together, I waited and hoped for you to remember to call me. But you didn't." Napatitig si Gab sa kaniya. Tila nagulat ito sa nalaman. "I was hoping kasi na maalala mo ako... I was hoping special din sa'yo yung night na yon... Shet talaga, feeling ko pa nga non na tinawag mo akong 'love' eh! Feelingerang frog, diba?" Nagtuloy tuloy ang agos ng luha niya. She tried to compose herself. "Pero Gab naintindihan ko kung bakit hindi ka tumawag o nangamusta man lang. Kasi nga one-night stand lang yun. Ang dami dami dyan na for sure nakaka-one night stand mo din kaya it's nothing to you. Asumera lang talaga ako. Saka you're a big celebrity. Worldwide! You're super famous and you're in-demand all over the world. I truly understand the demands that you have to meet. So, sa situation na ito, naisip ko parang mas mabuti na yung wala akong babaguhin sa life natin. Haharapin ko na yung hirap ng adjustment ngayon sa buhay ko. At ang maganda pa dito, hindi ako magiging sagabal sa'yo. Kasi fan mo ako eh! Kung may mga obsessed na fans...merun din mga fans na love ka, Gab. Isa ako don. And I have my mind and heart in the right place. I know our circumstances should not force you to have to like me or have feelings for me, too. Alam mo yon? It should come naturally? Kaya I think this is the right thing to do, Gab. You will move on with your life, and I will move on with mine. On the baby, hindi ko naman ipagkakait sa'yo yung baby. I will also humbly accept the financial support for the baby kasi it's his or her right from his or her father. Yon. Ganun. But other than that, I don't have any demands or want you to feel obliged." She tried to say it casually, but she was still crying. "Gosh! Hormones. Sorry!" Even if it was ripping her heart apart to say those words, she felt proud of herself for not giving in to what she dearly wanted to happen. She wanted to take the road less travelled. Malungkot na nakatitig si Gab sa kaniya. In an instant, nakaramdam siya ng awa at parang gusto na niyang bawiin ang lahat ng mga pinagsasabi niya. Dahil sa puppy eyes ng binata, sa isang iglap gusto na niyang sabihin 'sige na nga!' Kahit pa takot na takot siya. Ang gaga mo talaga, Kitkat! Naisip niya. "Sa lahat ng mga sinabi mo, love, I just want to tell you that I respect you, and all the more that it makes me interested to know you. And I've got this gut feeling I'd be so stupid if I let you go." Laglag panty, Kitkat! Nu ka ba? Shunga! Pero nasabi mo na. Panindigan mo na yung mga pinagsasabi mo. Tama yung sinabi mo, gorl! Go! Girl power ito. Independent woman! Pero... shet.... GP yan eh! Waaaah! Bawiin mo ghorl! Ibubuka na niya ang bibig niya nang biglang tumunog ang telepono. Gusto na sana niyang huwag pansinin ito, ngunit si Gab ang tumayo at sinagot ang telepono. "Hello..." anito at nakinig sa kausap. Ilang saglit lang ay binaba na nito ang phone at napatingin sa ceiling at bumuntong hininga. Siya naman ay tumayo na sa sofa ngunit nanatili lang siya sa kaniyang puwesto sa sobrang hiya kay Gab. "Si-sinong tumawag?" nahihiya niyang tanong. Bumuntong hininga si Gab at napahilamos ng mukha bago bumaling sa kaniya. "The receptionist called. Nagkagulo sa lobby at nakapasok sa elevator ang mga reporters at fans. Paakyat na sila dito. " "Ha? Hindi ka nila puwede maabutan dito." Nataranta niyang sabi at lumapit sa kaniya. At that moment, all she could think about was Gab's welfare. Isinantabi niya ang kaniyang nararamdaman. "You have to leave, Gab." Alala niyang tanong. "I'm not leaving without you, Kitkat." Anito. "Gab, ano ka ba? Umalis ka na." "No." He said, even if she tried to push him but to no avail. Hindi siya fit katulad ni Gab at kahit i-sumo wrestling ito ay hindi ito mabubuwal. "Gab, please." Pakiusap niya. "No. I'm not going anywhere without you!" Matigas na boses na sabi nito. "Fine!" Bumigay na siya. Dali-dali siyang hinawakan ni Gab sa kamay at lumabas sila sa condo unit ni Kitkat. Hinanap ni Gab ang fire exit stairs at doon nagsimula silang umakyat. Naka-tatlong palapag na sila at kailangan pa nilang akyatin ang apat na palapag bago makarating sa rooftop ng 34/F. Nakaramdam siya ng pagkirot sa bandang puson. "Gab, sumasakit ang puson ko." Napatigil siya sa pag-akyat. Nakita niya sa maamong mukha ni Gab ang paga-alala at ang pagiisip nito. "Iwan mo na ako dito." Namimilipit niyang sabi. "No." He adamantly said, and quickly thought of a way to carry her. Pinasakay siya ni Gab sa likod nito. "Mabigat ako, Gab!" Pagkontra niya at dahil sa nahihiya din siya sa lalaki. "Kaya kita. Sayang naman ang pag-weight training ko kung di ko mapapakinabangan." Anito at mabilis silang naka-akyat sa 34/F roof top kung nasaan ang helipad. Agad silang napansin ng pilot na paparating na at nagmadali na itong sumakay sa helicopter upang paandarin ito. Ang kasama naman nitong co-pilot ang umalalay sa kanila na pumasok sa helicopter. "Gab!" Ninenerbyos niyang sambit at kumapit sa braso ng lalaki. "We're going to be fine. Just relax, love." Gab comforted her. He placed his arm around her and placed his palm on her stomach. It sent a warm, comforting feeling inside, which relaxed her. Gab even guided her head to rest on his shoulder. "Please drop us to the nearest hospital to the Ponce family beach house." Narinig niyang instruction ni Gab sa co-pilot. Huminga siya ng malalim at nagdasal dahil sa ngayon ay takot ang nararamdaman niya sa mga pagbabagong maaring mangyayari. At dahil ito kay Gab. Ngayon lang niya naalala na si Gab pala ay dinescribe ng mga kapwa miyembro nito sa Infin8 bilang headstrong. Akala niya dahil bunso ito sa pamilya at ito ay lumaki na may 7 na Kuya sa Infin8 ay madali itong papayagin sa gusto ng iba-- ngunit natandaan niya na sinabi ng mga ito na kapag may nagustuhan na gawin si GP, sinisigurado nitong nakukuha nito ang gusto nito at ginagawa nito ang lahat para ma-achieve ang isang bagay. Napatitig siya kay Gab na malamlam na ngumiti sa kaniya. "Totoo ba talagang paakyat na ang mga reporters at fans mo sa floor ng condo ko?" tanong niya. Gab looked at her intently for a second and made a gesture that he could not hear what she was saying because they were already flying. Napasimangot siya. Si Gab naman ay ngumiti ng pagka-pogi pogi at pinahilig na naman siya nito sa may bandang balikat saka tumingin sa bintana upang pagmasdan ang magandang tanawin mula sa lumilipad na helicopter. Kahit ayaw man niyang aminin, tila nakuha nga ni GP ang gusto nito... na sumama siya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD