Kiara Pink Castle Tamad na tamad pa si Kitkat nang siya ay maligo. Mabigat ang kaniyang mga paa nang ilakad niya ang mga ito papalabas ng banyo, upang pumunta sa walk-in closet kung saan may duvan na nakatapat sa isang life size mirror. Naupo siya doon habang suot pa din ang kaniyang pink plain bathrobe at pinagmasdan ang kaniyang sarili. Kungdi nga lamang siya pinilit ni Gab na tumayo ng kama ay hihilata siya buong araw matapos niya kumain ng pancake kanina. Ngunit nangulit si Gab at nilambing siya upang tumayo na ng kama, maligo, at maghanda dahil pinatawag na nito ang kaniyang ob-gynecologist na si Dr. Rossi upang pumunta sa kanilang tirahan para sa kaniyang check up. Sinabi din ni Gab na magpapaturo ito sa kaniya sa mga research at report na kailangan nitong tapusin dahil dalawa

