Gabriel Nagabayan ni Kitkat si Gab kung kanino dapat ipaalam ang sitwasyon na kinakasangkutan ng kaniyang dating mobile number at ang panlilinlang kay Liz. Sa tulong ni Kitkat ay nakausap niya ang mga magulang nito na may contact sa kinauukulan dito sa Italy. It wasn't surprising that Utt Romualdez has contacts here in Italy. He has already established himself as a shipping tycoon in this country and had been recognized by the local government for his contributions, as well. Marahil, kahit hindi nga magtrabaho si Kitkat ay kayang-kaya itong buhayin ng pamilya nito, at kayang- kayang paaralin ang magiging anak nila hanggang mag-Masters ito. Kaya naman naiintindihan din niya kung sinusukat siya ng ama ni Kitkat. Kahit man siya, gugustuhin niya ang the best para sa magiging anak nilang b

