ISANG BUWAN ang matuling lumipas na puro pagliliwaliw ang ginawa nilang magkakaibigan. Roaming around the city, bar hoping, shopping, at napuntahan na din nila halos lahat ng mga tourist spots. Minsan sumasama sa kanila sina Dion at Nike kaya masyadong napalapit na ang loob niya sa binata. Gayunpaman, dahil parati nilang kasama ang mga ito palagi rin niyang naaalala si Johann. Kahit noon na hindi pa niya nakita ang dalawa ay walang araw na hindi niya naiisip si Johann. Pero nitong nakalipas na isang buwan ay mas lalong nag-uumigting ang pagnanais niyang makita na ito.
Nasa Café silang magkakaibigan kasama sina Dion at Nike. Katatapos palang nilang mag salon at mag shopping nang makasalubong nila ang dalawa sa mall.
"Iimbitahan sana namin kayo ni Nike. Sailing and snorkeling in Hilutungan." maya maya ay sabi ni Dion
"We will be sailing to Hilutungan, Nalusuan and Caohagan. Tapos mag o overnight tayo sa Caohagan Island, iyon ay kung papayag kayo." sabat naman ni Nike
"That would be exciting!" si Megan
"Ano? Sama tayo?"
"Sure.. Sulitin na natin ang bakasyon natin bago tayo bumalik ng Manila."
"Olivs sama tayo?"
"Sure." nginitian niya si Macon sabay tango. Mas mabuting mag enjoy muna sila ngayon dahil pagbalik nila ng Manila haharapin na nila ang mga responsibilidad na naka atang sa mga balikat nila ni Megan
"Kailan tayo mag e-snorkeling?"
"Five days from now so may time pa kayo Para mag prepare."
"Okay. Etxt mo sa'kin ang mga kakailanganin naming dalhin."
"Sure. Mamaya etxt ko nalang." nag usap pa sila nang kung ano-ano ang mga gagawin nila pagpunta sa isla. As usual magkatabi na naman sila ni Nike ng upuan. Nagkamustahan lang sila at wala naman masyadong nangyari kaya hindi na sila gaanong nag-usap pa ng binata.
"Anyways, I have a bad news for you guys." ani Dion na sa kanya nakatingin
"What is it?" tiningnan muna siya ni Dion bago nagsalita
"It's about Johann." bigla siyang kinabahan pagkarinig sa pangalan ng lalaki
"What about him?" sabi ni Macon
"We had a common friend at nagkita kami kahapon sa bahay ng Tita ko. He mentioned about Johann getting married soon."
"He's engaged to be married. Sa long time girlfriend niya sa US." si Nike
Para siyang na estatwa sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman sa sandaling iyon. Sari saring emosyon ang nananahan sa dibdib niya. May girlfriend na pala siya, long time girlfriend. Gaano kaya kahaba ang 'long time' na iyon?
"Sino daw ba yung mapapangasawa niya?"
"Hindi na nasabi ang pangalan. Basta ang sabi lang sa girlfriend daw niya."
Halos hindi na niya narinig ang pag-uusap ng mga kaibigan niya. Tanging ang nalamang ikakasal na ang lalaking matagal na niyang pinapangarap ang gumugulo sa isip niya.
Hindi niya namalayang nasa kotse na pala sila at binabagtas ang daan pauwi sa bahay ng Lola Rosario niya. Doon na sila tumutuloy na magkakaibigan kasama si Macon. Hindi nagsasalita ang dalawa habang nasa biyahe at nagpapasalamat siya dahil nirerespeto nang mga ito ang katahimikan niya. Para siyang pinaglaruan ng tadhana. Di yata't katulad niya ay ikakasal na rin pala ang lalaking bumihag ng puso niya sa unang kita pa lang niya dito.
And sadly she now believed that the feeling was not mutual.. will never be. And that makes her heart ache more than ever.
"Okay.. that's enough." sabi ni Megan na hindi na nakatiis. "Tama na yang pag-iisip mo nang kung ano-ano."
"You're torturing yourself over something or someone na hindi naman pala deserved."
"We know you're hurting inside but we want you to realize that now is really the time to move on. Forget that Johann and live your life with no reservations and uncertainties."
"Just be happy friend because we want you to be. Don't live from the past, you have to move forward."
"And moving forward doesn't mean forgetting about your past or what happened in your past. Treasure what you felt before and make that the basis of what will you feel in the future."
Tuluyan nang nalaglag ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Nag-uunahan sa paglandas sa kanyang mga pisngi kasabay nang pagbagsak ng pag-asa niyang magkaroon nang katuparan ang mga minimithi. Ang makita, makapiling at mahalin nang lalaking matagal na niyang itinatangi. Nasasaktan siya dahil totoo lahat ang sinabi nang mga kaibigan niya pero hindi niya magawang tanggapin na hanggang dito nalang ang kinahantungan nang una niyang pag-ibig. She wants to believe that it's not yet too late.
"I want to see him. And I want him to see me.. I want him to remember me." garalgal ang boses niyang sabi sa mga kaibigan
"Then what? Anong gusto mong mangyari pagkatapos?"
"You've heard them, right? He is getting married as well as you Olivia." ani Megan
"Ikaw lang ang gumagawa nang paraan para magkita kayo. Siya ba.. hindi nga siya nag-abalang hanapin ka."
"Kung hinanap ka niya sana'y nagkita na kayo ngayon."
"But that's not what happened. He has a long time girlfriend while you had none after you saw that man. Hindi ka na nag e entertain nang mga manliligaw."
"It's very clear that that man's not into you. Hayaan mo na siya at huwag ka nang mag abalang hanapin pa uli siya dahil wala namang mangyayari kung magkikita pa kayo."
"Mas lalo mo lang pahihirapan ang sarili mo Olivia." nahihimigan niya na nasasaktan din ang mga ito para sa kanya
Hindi na niya nagawang magsalita dahil naguguluhan siya. Naninikip ang dibdib niya sa katotohanang ngayon lang niya lubos na nauunawaan.
Inihimpil ni Megan ang sasakyan sa garahe nang Lola Rosario ni Olivia. Hinarap ng mga ito si Olivia at kahit nahihirapan ay niyakap nila ang huli.
"Look, you're beautiful.. beyond beautiful friend. Maraming nagkakandarapa diyan sa ganda mo." sabi ni Macon sa kaniya
"Huwag mong hayaang makulong ka sa alaala nang nakaraan."
"Naks naman Megan! Parang narinig ko na yan ah!" natatawang sambit ni Macon
"Para na kaming mga love guru nito. Ni sa hinagap hindi ko naiisip na masasabi ko yung mga sinabi ko sa iyo." tawang tawa namang saad ni Megan
"But that was all true. Hindi yun joke joke lang ha friend. Pag isipan mong mabuti nang sa gayon eh maka move on ka na."
"Why don't you consider looking at Nike." kinindatan siya ni Macon pagkatapos
"Yes. Napansin namin na he's into you. Palaging nagpapapansin sa iyo yun."
"At kung makatingin sa iyo akala mo naman wala kami sa harap niya." ngising ngisi naman si Macon
"Nakalimutan nyo na ba. Ikakasal na rin ako."
"At hindi rin namin nakakalimutan na ayaw mong magpakasal sa kung sinong poncio pilato. Di ba yun ang sabi mo?" ani Megan
"Noon yun.." nanikip ulit ang dibdib niya nang maalala ang rason kung bakit ayaw niyang makasal sa kahit na sino
"So.. does that mean?" puno nang pag-asa ang mukha ng mga kaibigan niya
"Oo.. Naisip ko rin naman ang mga pinagsasabi niyo. Loading pa nga lang masyado.. Dito at dito." turo niya sa isip at sa puso niya pagkatapos
"At least napasok na namin sa kukute at sa puso mo ang mga bagay na dapat ay noon mo pa ginawa."
"O Tara na at kanina pa tayo hinhintay ni Lola." sabay sabay silang bumaba ng sasakyan ni Macon
"What do you think about Nike." inakbayan siya ni Megan habang naglalakad silang tatlo papasok sa bahay nang Lola niya.
"Ewan ko.. Hindi ko siya napapansin." natawa nalang siya bigla dito
"Ay tange talaga!"
"Waley." naghagikhikan naman si Megan at Macon
DINNER TIME. Nasa hapag sila at naghahapunan na magkakaibigan kasama ang Lola niya.
"Hindi pa rin nagbabago ang luto ni Manang Cora anoh?" ani Megan
"Paborito ko talaga ang chicken curry niya."
"Mas masarap ang laing niya friend."
"Nabanggit nyo kamu kanina na magse sail kayo hindi ba mga apo?"
"Opo Lola." magkanabay na sabi ni Megan at Macon
"Pwede kayong magpaluto kay Cora nang dadalhin ninyo sa isla."
"Ay gusto namin yan Lola. Hindi po ba nakakahiya kay Manang Cora." nahiya pa ang isang 'to
"Jusme mga batang ito! Ngayon pa talaga kayo nahiya." nakikinig lamang siya sa usapan ng tatlo
"Kailan nga ulit ang alis ninyo?"
"Sa Wednesday po Lola."
"Siya sige at nang mapaghandaan ni Cora ang mga lulutuin niya. Masyadong nakakapagod ang maglibot sa mga isla at mag snorkeling mas mabuting marami kayong baon na mga pagkain."
"Maraming salamat po Lola." napapalakpak pa si Macon
Pagkatapos nilang maghapunan ay nagyaya ang Lola niya na magkape sa paborito nitong parte nang bahay, sa lawn. Nagpatuloy sila sa pag-uusap at minsan nakikisali rin siya. Sumasagot siya sa tanong ng Lola at mga kaibigan niya. Maya maya ay nagpaalam na ang dalawa niyang kaibigan na mauna nang umakyat dahil may tatawagan pa daw ang mga ito. Naiwan sila nang Lola niya.
"Tumatawag dito ang Papa mo at nagtatanong kung kailan ka daw ba ba balik ng Manila apo."
"Sa susunod na buwan na Lola. Gusto ko sanang makapag pahinga muna."
"Mabuti nga ang ganoon. Kung ako ang masusunod gusto kong dumito ka nalang sana."
"Gustuhin ko rin naman po Lola pero hindi pwede eh. Alam niyo naman na pinupursige na ako ni Papa na tumulong sa pamamalakad nang negosyo niya."
"Nandito naman ang Auntie mo at mga anak niya pero iba pa rin kung nandito rin kayo. Masyado akong nalungkot nang magpaalam ang mga magulang mo na doon na tumira."
"Pwede naman kayong sumama sa akin Lola. Pagbalik ko sa Manila isasama na po kita." aniya
"Malulungkot din ako doon kasi mamimiss ko ang Auntie mo. Ayaw din pumayag noon." Kaya nagpabalik balik ang Lola niya dito sa Cebu at Manila dahil maiiwan daw ang Auntie Maricel niya at ang mga anak nito. Mas malapit ang loob ng Lola niya sa Auntie niya dahil bukod sa babae na masyado pang maalaga ang Auntie niya kaya hinayaan nalang nang Papa niya na ang Auntie niya ang mag alaga sa Lola niya.
"Hayaan mo Lola, dadalasan namin ang pagbisita namin sa inyo dito. Sasabihan ko sina Mama at Papa."
"Salamat apo, aasahan ko iyan. Maiba nga pala ako, may problema ka ba ha?" bigla siyang natigilan sa sinabi ng Lola niya
"W-wala po Lola.." alam niyang hindi ito maniniwala. Kilalang kilala siya ng Lola niya. Simula pagkabata palagi nang ang Lola niya ang nag-aalaga sa kanilang magkakapatid dahil busy pareho ang mga magulang nila. Alam nito kung kailan siya nagsasabi ng totoo at kung may problema siya o wala.
"Magmula noong bumalik tayo dito galing kina Nene may nag iba na sa iyo." si Nay Nene ang Mama ni Macon. Papanong naalala pa ng Lola niya eh ang tagal na noon.
"Hindi ka na ang dating masayahin at palabiro kong apo. Tumatawa ka nga pero hindi ko naman maramdaman na lubos kang nasisiyahan. At ngayon palagay ko mas lalong nadagdagan ang pasanin mo sa mundo." napayuko siya sa tinuran ng Lola niya
"Tungkol ba ito sa pagpapakasal ng Papa mo sa anak ng kaibigan niya?" agad siyang napabaling sa Lola niya
"Alan nyo ho ang tungkol doon Lola?"
"Bago niya iparating sayo ay sinabi muna niya sa akin." nakangiti na ang Lola niya
"Hindi po kayo nagalit Lola?"
"At bakit naman ako magagalit? Masuwerte ka apo at ikaw ang napili nilang maging asawa nang unico hijo nila. Mula sa mabubuting angkan ang mapapangasawa mo. Mababait sila kahit na mayayaman."
"Hindi ko po sila kilala Lola."
"Hindi pa pala kayo nagkita?" nahiya siya bigla sa Lola niya. Ano nalang ang sasabihin niya? Na nagpakalasing siya dahil tutol na tutol siya sa lalaking napupusuan ng mga ito? Nakakahiya!
"A-ahh.. Ka-kasi Lola.." napakamot siya sa noo niya
"Di bale magkikita at magkikita rin kayo nang batang iyon. Kaibigan ko rin ang Lola ng batang mapapangasawa mo. At noon pa ma'y hindi na ako tutol sa pag-iisang dibdib ninyo."
Kung ganitong hindi tutol ang Lola niya ay hindi na siya mag-aalinlangan pa. Kanina pa rin niya iniisip ang mga iminungkahi ng mga kaibigan niya.
Labag man sa loob niya pero sadyang hindi siguro sila ng Johann na iyon. Hindi siguro sila para sa isa't isa. Kung sila man ang itinadhana pagtatagpuin sila nito kahit saang lupalop man sila naroroon. And she do believe in destiny. And maybe he's not the one who destined to be her better half.
TIME FOR SAILING AND SNORKELING. Ocampo's yacht is as grandiose as their mansion. Kahit hindi gaanong kalakihan hindi naman pahuhuli ang loob sa mga engrandeng kagamitan. Kompleto din sa amenities mula TV, sala set, may dalawang bedrooms at bawat room ay may sarili nang CR. Puno rin ang malaking cooler ng yacht. Bukod sa pagkaing ipinabaon sa kanila ng Lola niya ay bumili din pala ng maraming pagkain sina Dion at Nike. They sail across the waters of Cebu and discover its vibrant marine life. Thier first destination, Hilutungan Island Marine Sanctuary. Nakapunta na sila dito noong dito pa sila sa Cebu ni Megan nakatira pero napahanga pa rin sila sa ganda ng isla. Itinigil ni Nike ang yacht ilang metro ang layo sa isla. Nakasuot silang lima ng rush guards dahil medyo mainit ang panahon. Pagtapos mag spray ng sunblock ay inihanda na nila ang kani kanyang snorkels.
"Walang lalayo guys dapat malapit lang tayo sa yacht." si Dion habang nauuna nang bumaba sa swim platform ng yacht
"Para namang first timer tayo nito cuz ah. Don't worry alam na alam na namin ang mga dapat at hindi dapat gawin." ani Macon
"Taga Cebu pud ni uy." si Megan bago tumalon
"Olivs, ahm.. Can we go together?" it's Nike
"Sure" at nagpatiuna na siyang tumalon. Maya maya pa ay tumalon din si Nike at sumunod sa kanya. Nilingon sila nina Megan, Macon at Dion at sumenyas ng 'ok' sign. Nag thumbs up din naman sila ni Nike kaya nagsimula na silang lumangoy. Nag e enjoy siyang panoorin ang iba't ibang kulay ng mga isda. May maliliit at may malalaki. Naggagandan rin ang mga corrals na nakikita nila sa ilalim.
While she's busy exploring the beauty deep underwater napansin niyang mas lalong dumidikit si Nike sa kanya. Hindi ito humuhiwalay sa kanya kahit sandali lang. Kung saan direksyon siya lumalangoy ay lagi itong nasa tabi niya. Nililingon niya ito paminsan minsan at sa paglingon niya ay napapansin niya ang kakisigan nito. Bakat na bakat ang six packs abs ng binata at kahit naka snorkel ito ay makikita ang kagwapohang taglay ng mokong. Sayang at hindi siya attracted dito. Abnormal na nga talaga siya. Sa tipo ng lalaki na nasa gilid niya bulag nalang ang hindi maglalaway sa angking kagwapohan at ka machohan nito. Oo nga pala, bulag at kapareha niyang abnormal.
Sa muli niyang paglingon dito ay nag 'peace' sign ito sa kanya.
'Huh?'
Nag 'ok' nalang siya dito. Tange rin eh noh..
What's that for? Peace para saan?
Inignora nalang niya ito hanggang sa makabalik sila sa yate.
Nasa platform na ang tatlo nang makaahon sila. Inalalayan siya ni Nike na mkasakay sa platform kaya para siyang na conscious. Nadagdagan pa ang awkward moment nila ng makita ang dalawa niyang kaibigan na nanunuksong tumingin sa kanila.
"That was amazing!" ani Megan
"Kahit balik balikan ko ang lugar na ito never talaga akong magsasawa." si Macon
"There's no place like home di ba?"
"Yea.. I agree" aniya
"Nagutom ako doon ah. Tara kain muna tayo bago pumunta ng Nalusuan Island."
Sa top deck na sila kumain dahil may bubong naman ang top deck ng yate. Hindi sila gaanong kumain dahil lulusong pa sila sa dagat maya maya lang. Hindi kasi komportable kung busog sila masyado at lalangoy na naman.
Sa buong durasyon ng Island hopping at snorkeling nila. Makikita sa mga mukha nila na masyado silang nag enjoy puwera nlang sa kanya. Hindi pa rin mawala sa sistema niya ang sakit sa impormasyong nalaman niya mula kay Dion. Nahiling niya na sana.. sana hindi nalang niya nalaman na hindi si Nike ang lalaking hinahanap niya. Na sana si Nike nalang ang lalaking iyon. Pero imposible rin naman dahil ibang mukha ang nakatatak na sa kanyang puso't isipan. Pero nangyari na ang nangyari at ang tanging magagawa nalang niya ngayon ay kalimutan na ang Johann na iyon at magsimula nang bagong umaga na hindi na umaasang makikita pa ito kahit kailan.