Chapter 3

1730 Words
PARA siyang idinuduyan sa alapaap kung kaya't ipinikit niyang muli ang mga mata. "Galit na galit sa iyo ang Papa mo ma'am Olivia." Sabi ng family driver nila na si Nilo. "Kanina pa naghihintay ang mga bisita ninyo mabuti na lang at mukhang mababait lalo na ang binatang kasama nila." Napaismid siya sa narinig sa driver nila. Kahit lasing na lasing na siya naririnig pa niya ang mga sinasabi nito. "Buksan mo ang mga bintana Nilo. Nahihilo na ako gusto kong lumanghap ng sariwang hangin." "Eh ma'am baka malasing kayo lalo nyan." "Wala akong pakialam!" Dali dali nitong binuksan ang mga bintana at kahit nakapikit pa rin siya isinandal niya ang ulo sa my gilid ng bintana. Para siyang masusuka kanina. Wala siyang pakialam kung makatulog siya sa sobrang kalasingan. Mas mabuti nga iyon ng hindi na muna niya makaharap ang mga magulang at ang sinasabing mga bisita ng mga ito. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. "Ano bang nangyayari dito sa anak mo Mariana!" nauulinagan niya ang boses ng Papa niya na galit na galit. "Nagtataka ka pa Leonardo alam mo naman kung ano ang pinoproblema niyang anak natin hindi ba?" naririnig niya ang mga magulang pero hindi niya magawang imulat ang mga mata. Pakiramdam niya anumang sandali ay mabubuwal at masusuka siya. May umaalalay sa kanya upang makatayo. Her beloved father of course. "Ang mahal kong Papa.." sabay hagikhik at pasuray suray na naglakad habang iginigiya siya ng kanyang Papa. "Nakakahiya sa mga bisita Olivia! Talagang inuubos mo ang pasensya ko. Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan! Ano na lang ang sasabihin ng matalik kong kaibigan." halatang pinipigalan lang ng Papa niya ang pagtaasan siya ng boses. Naramdaman niyang bigla silang tumigil ng Papa niya sa paglalakad. "Amigo, naku eh pasensya na talaga kayo ha. Masyado akong nahihiya sa inyo dito sa ginawa ng anak namin." Sinubukuan niyang tumayo ng tuwid pero bigla siyang natapilok. "Opps.." napatawa siya sa nangyari at sinubukang imulat ang mga mata. "I - I am so sorry.." she keeps on blinking dahil hindi niya masyadong maaninag ang mga kaharap niya. "Amigo, mas mabuti pa siguro iakyat mo na lang muna ang dalaga mo. Marami pa namang pagkakataon na makaharap ulit siya." "Mas mabuti pa nga Amigo, Aniela. Hijo, pgpasensyahan mo na itong dalaga namin ha. Hindi naman siya ganito talaga. Nabigla lang sa mga ipinahayag ko sa kanya kanina." boses ng ama niya. "No problem Tito. I understand kahit ako man ay nabigla rin sa mga nangyayari." Ani ng isang baritonong boses. She suddenly smirked. And someone tsked. "So pleased to finally meet you too." she could sensed amusement in his tone. Pinilit niyang tingnan ang lalaking nagsalita pero nanlalabo pa rin ang paningin niya. And why does she feel a tingling sensation upon hearing the voice of an unknown man? Di yata ay masyado na siyang nalunod sa espiritu ng alak. HALOS umabot ng isang linggo ang panenermon sa kanya ng mga magulang especially her father na walang araw na hindi siya pinapagalitan. Kuntodo hingi rin siya ng paumanhin sa mga ito. Late na ng ma realized niya na mali ang ginawa niya. Masyado siyang nagpadala sa bugso ng damdamin. Sana pinakiharapan nalang muna niya ng maayos ang bisita ng mga magulang. Nangako naman siya sa mga ito na hindi na mauulit ang nangyari at hindi na niya gagawin ang ginawa sa muli nilang pagkikita. Three months from now napagkasunduan ng mga magulang niya at ng mga kaibigan nito ang pagkikita nilang muli. Sisiguraduhin din niyang tatanggihan niya ng maayos ang pasyang pagpapakasal sa kanila ng mga magulang nila. Mas mabuti sigurong kausapin rin niya ng masinsinan ang lalaking iyon. MACTAN-CEBU INTERNATIONAL AIRPORT. Pareho silang excited ni Megan ng lumapag ang eroplanong sinsakyan nila. They can't wait to see their best friend Macon. Napagkasunduan nilang susunduin mismo sila ni Macon sa airport. It's been 3 years mula ng makita nila ito. Hindi na sila ulit nakauwi ng Cebu dahil sa masyadong busy na sa kanya kanyang buhay. Sa Manila na rin nakatira ang pamilya ni Megan two years after nilang lumipat ay sumunod din ang mga ito. Taga Manila ang Mama ni Megan kaya hindi nahirapan ang mga itong lumipat agad. Nagkataong naka destino na rin sa Manila ang Papa nito. "This is where we belong friend." si Megan na sandaling tumigil sa paglalakad at idinipa ang mga kamay. "Masyado kong na miss ang Cebu." Inilibot niya ang paningin sa paligid. Change is the only permanent thing in this world indeed. Marami nang ipinagbago ang Cebu. Marami na ring turista ang dumadayo dito kahit noon pa mang maliliit pa sila. But looking at the airport now parang mas dumarami pang lalo ang mga dayuhan sa ngayon. No wonder Mactan-Cebu International Airport is the second busiest international airport in the Philippines. Nagulat siya ng biglang nagtitili si Megan sa tabi niya. Nakita na pala nito si Macon. Maluwang siyang napangiti ng makita rin ang kaibigan. Sa video call nalang sila nag-uusap nito ng hindi na sila makapunta ng Cebu. Hindi rin naman lumuluwas ng Manila c Macon dahil ayaw nito doon. Sinalubong din niya ito ng yakap gaya ni Megan. She missed her so much. "How are you pretty one? Mas lalo kang gumanda ah." puna niya dito "Hindi lang ako ang gumanda. Ang gaganda na rin ninyo mga friends." "So panget talaga kami noon. Yeah alam na namin 'yun." natatawa siya sa sinabi ni Megan. "Alam mo ang sagot diyan Megan bebe. Anyways, excited rin sina Mama na makita kayo." Sabi ni Macon "Sa inyo muna kami tutuloy ni Megan ngayon. Bibisitahin ko rin si Lola Rosario alam kasi niyang pupunta ako ngayon dito sa Cebu baka magtampo." she misses her Lola Rosario kahit na palagi itong lumuluwas ng Manila kasama ang Auntie Maricel nila. "Sasama kami sa iyo friend gusto rin naming maka-usap si Lola. Matagal na kaming hindi nakapag-usap." "Yeah.. Me too. Minsan pinpasyalan ko siya pag pumupunta ako sa mall dinadalhan ko siya ng mga paborito niyang pagkain. Nakakalungkot nga lang minsan kasi pag nakikita niya ako palagi niyang sinasabi na kung bakit daw mas pinili niyong sa Manila manirahan." sabi ni Macon habang nagmamaneho Hindi niya masisisi ang Lola Rosario niya. Mas gusto kasi ng Papa niya na sa Manila na magtayo ng negosyo. Mas malaki kasi ang posibilidad na magtatagumpay ito doon base na rin sa klase ng negosyong pinapangarap nito. At hindi nga ito nagkamali. His father's business is booming. "Balak siyang kunin ni Papa at dalhin sa Manila kaso ayaw naman ni Lola. She loves Cebu very much." ani niya "Kumusta na kaya ang garden ni Lola Rosario." sabi ni Megan "Mas lalong gumanda friend." nakangiting sabi ni Macon. Napangiti na rin siya. My green house ang Lola niya at kadalasan doon sila nagtatambay noon na magkakaibigan. Nag-usap pa sila at nagkumustahan. Hindi niya namalayang nakarating na pala sila sa bahay nina Megan. Mas lalong lumaki at gumanda ang bahay nina Macon. May mga kapatid kasi si Macon na nakapag asawa ng mga foreigner bukod sa pinagawan sila ng malaking bahay binigyan din ng mga negosyo ang mga magulang ni Macon. Sinalubong sila ng Mama ni Macon. "Naku ang mga batang ito. Ang lalaki nyo na ah. Mas lalong kayong gumanda at hiyang na hiyang kayo sa Maynila." Niyakap niya rin ito ng mahigpit. "Kumusta kana Nanay. Gimingaw nakos imung luto." (Miss na miss ko na ang mga luto mo) "Ay sus.. Dugay na mo wa mungari. Gimingaw na sad mi sa inyo." (Matagal na rin kayong hindi pumarito. Nami miss na rin namin kayo) "Siya sige pumasok na muna tayo at nagugutom na ako. Doon na natin ipagpatuloy ang kwentuhan sa hapagkainan." sabi ni Megan at nagpatiuna nang naglakad papunta sa dining area. "Anyways, naalala mo ba yung sinsabi kong sorpresa?" ani Macon sa kanya nang kumakain na sila "Uhum.. What is it this time?" hindi siya gaanong interesado sa sasabihin nito masyado siyang engrossed sa kinakain. "Tomorrow we will have someone to meet." makahulugan siya nitong tiningnan "Who?" tanong ni Megan "Someone from your past Olivia." "Sabihin mo na nga kasi pa suspense pa." " Nike Jose Ocampo" Agad na nabitin ang gagawin sana niyang pagsubo. Sino daw? "My cousin Dion told me na nakauwi na daw dito sa Cebu si Nike Jose Ocampo and they will be having a party tomorrow sa bahay ng mga Ocampo." si Macon "Oh.. The Nike Ocampo from Olivia's past." nanunudyong ngumiti si Megan sa kanya Hindi niya alam ang gagawin. Halo halong emosyon ang nararamdaman niya sa kasalukuyan. 'Ito na ba yun Lord?' "Olivia.." "R-Really?" "I am not kidding." Macon intently looking at her "H-How? I-I mean.. W-when? Nauutal niyang tanong dito " Geez! I told you already hindi ka nakikinig Olivia." Sabi nitong natatawa na "Nandito na sa Cebu si Nike mo and may pa party sila bukas ng gabi." si Megan "Welcome party. Hindi ko lang alam kung kailan siya dumating dito sa Cebu." si Macon Doon palang nag sink in sa utak niya ang sinasabing sorpresa sa kanya ni Macon. At hindi niya mawari ang totoong nararamdaman. At last, dumating na rin ang araw na pinakahihintay niya. Anong gagawin niya oras na makaharap na niya ang binata? 'Binata?' "I - is he.. s - single?" kinakabahan niyang tanong Kay Macon "As far as I know.. Yea. He's still single Sabi ng pinsan ko." kinindatan siya nito "Nag-usap kami ni Megan the night na nag lasing ka sa kanila so yun agad ang tinanong ko kay Dion." " I have no idea na ganoon pala ang epekto ng in love anoh? Or talaga sigurong masyado lang OA ang isa diyan." sabi ni Megan "Palibhasa hindi mo pa naramdaman ang ma inlove kaya hindi ka maka relate." natatawang saad ni Macon "Oo kayo na. Kayo na ang mga sawimpalad na umiibig sa mga taong hindi naman umiibig sa inyo." "It's better to experience one sided love than no experience at all." "Ang ganda ko kasi kaya iyong mga lalaki ang mga umiibig sakin." binuntutan pa nito ng halakhak Excited siya na kinakabahan na ewan. Iniisip niya kung ano ang gagawin at sasabihin bukas sa paghaharap nila ng lalaki. Maalala pa kaya siya nito? Anong gagawin niya kung hindi na? Marami pang tanong ang bumabagabag sa kanya pero iisa lang ang inaasam niya. 'Sana man lang maalala siya nito.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD