"What are you doing?" bigla akong napaigtad nang marinig ko ang malamig na boses na nang gagaling sa aking likod, pakiramdam ko'y bigla akong kinain ng kaba ,kahit hindi ko man lingunin alam kong si Zyro iyon nakatayo sa aking likoran kaya dahan dahan akong lumingon dito. "Z-Zyro a-ano kasi" nakagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil wala akong makitang palusot,ano nga ba ang dapat kong idahilan na nacurious lang ako? o umiral ang pagiging pakialamera ko. Hindi ito nagsalita parang hinihintay lamang nito ang anomang sasabihin ko, wala itong imosyon nakatingin sa akin habang nakapamulsa, kaya pinagmamasdan ko rin ang itsura nito bakit pakiramdam ko'y mas lalong gumaganda ang anyo ni zyro, ang kaunting balbas nito sa mukha mas lalong nagpaakit dito, hindi ako tagahanga ng may bigote sa m

