Quinn wakes up twenty minutes earlier from the usual time, she do her usual stretching routine before going downstairs. Ngunit nang makababa ay wala siyang naabutan na tao, dumeretso siya sa kusina ngunit wala rin si Kai, na palagi niyang naaabutan duon.
Where's that guy?
Nang makauwi sila kagabi ay hindi niya na ito nakita, nabanggit lang ni Emy na humabol ito sa basketball practice nila para sa isang exhibition game na gaganapin mamayang gabi.
Sandali siyang naupo sa sofa at nag isip-isip bago mapagdesisyunan na lumabas na lang muna ng bahay. Muli niya munang pinagmasdang ang sarili, nakapantulog pa naman siya kaya hindi naman siguro magagalit si Emy at hindi naman din siya lalayo.
Nang mabuksan ang maliit na gate ay sinubukan niyang tanawin ito sa malapit pero hindi niya ito nakita. Napadako ang tingin niya sa isang tindahan kung saan may ilang mga ginang na tingin niya’y edad forty pataas ang nakaupo at nag-uusap. Lumingon sa kanya ang isa at kumaway ito, nag-aalangan man ay ngumiti siya ng bahagya bilang pagtugon. Lumapit na rin siya sa pwesto ng mga ito, may naalala siyang binanggit ni Kai nang una nilang madaanan ang mga ito, na kung gusto niya raw malaman ang latest news sa lugar nila ay ang mga ito ang tanungin niya dahil alam nilang lahat ng nangyayari sa buong barangay.
Malalaking ngiti naman ang sinalubong ng mga ito ng makalapit siya.
Kanya-kanya silang bati at pagpapakilala sa kanya.
"Oh iha, goodmorning, saan ang punta?" tanong ni Aling Letlet
“Kay ganda talaga ng batang ito nuh!” dagdag ni Aling Vergie, na sinang-ayunan ng mga kasama niya.
"Ahh—salamat po." alangan niyang sagot hindi niya na binanggit na hinahanap niya si Kai dahil baka kung ano ang isipin ng mga ito sa kanilang dalawa.
Bakit nga ba niya hinahanap ito...
"Ganun ba. Nag-almusal ka na ba? May mga tinda kong almusal dito, ano ang gusto mo? Pagsasandok kita." pag-aya naman sa kanya ni Aling Vergie at pagkatapos ay isa-isang pinakita sa kanya ang mga tinda nitong almusal.
Hindi na siya ganung pamilyar sa mga ito pero naaalala niya pa ang iilan na niluto sa kanya ng kanyang Mommy nuong bata siya, partikular ang pansit at ang kulay brown na may halong nilutong bigas na nakalimutan niya na ang tawag.
Lalo tuloy siyang nakaramdam ng pagkalam ng sikmura. Wala rin kasing naiwan na lutong ulam ng tignan niya sa kusina kanina.
Itinuro niya na lang ang kulay brown na iyon, nilagyan pa ito ng gatas ni Aling Virgie bago ibinalot kaya parang mas lalong sumarap sa paningin niya.
May isang babae siyang nakasabay na bumibili may buhat-buhat itong cute na baby boy na tingin niya’y ilang buwan pa lang ang gulang. Kasabay naman nito ay ang matatalim na tingin nila Aling Virgie at nang makaalis ay,
"Yun na ba yun Mare? Yung anak ni Isay."
"Sabi nila mayaman ang tatay nun pero bakit hanggang ngayon di pa rin natin nakikita."
"Kaya nga, sayang yung batang yun, maaga nabuntis."
Natahimik na lang siya sa mga narinig pakiramdam niya ay naiintindihan niya na ang sinabi nuon ni Kai tungkol sa mga ito, pinag-isip pa siya nito gayung pwede niya namang sabihin ng direkta sa kanya.
"Hindi ba nakapagluto si Kai, iha?" tanong ni Aling Virgie nang iabot sa kanya ang ibinalot nito.
Pagtango na lang ang isinagot niya.
"Kailan kaya uuwi si Manang Beth, magaling na kaya yung apo niya?" singit ni Aling Letlet, if she remember it correctly, Beth ang pangalan ng nag-aalaga kay Aria pero kinailangan nitong biglaang umalis ilang araw bago ang pagdating niya.
Sana nga ay makabalik na ito para naman hindi kada umaga ay ang ngisi nung Kai ang makikita niya.
And speaking of that Kai, ay parang may sa multo ito na bigla nalang lumitaw sa harapan niya, nasa likod nito ang barkada niyang sige ang kaway sa kanya. Ang aga naman magkumpulan ng mga ito sa isip-isip niya.
Hindi niya pinansin ang tingin ng binata.
"Oh Kai, saan ka na naman nagpupunta at bigla mung iniwanan itong magandang bisita ninyo. Hindi ka pa rin daw nakaluto..." may narinig naman siyang kantyawan mula sa mga tropa nito.
Wait! Wala siyang binabanggit na hindi pa ito nakaluto! Pakiramdam niya tuloy ay biglang uminit ang pisngi niya, matatalim din ang tingin ng binata at dagdag pa ang kantyawan mula sa mga tropa nito.
"Bumili lang ho ng pandesal sa kanto para pang almusal. Akala ko tanghali pa gigising yung prinsesa..." matatalim ang tingin sa kanya ng binata.
Mukhang kailangan niya nga atang umiwas sa mga ito kung gusto niyang maging payapa ang pagstay niya sa lugar na ito.
"Bayad na ho ba yung binili niya?" Agad siyang napatingin din sa hawak-hawak. Hindi niya pa nga pala ito nababayaran.
"Okay na yan Kai, libre ko na para kay Quinn." sagot ni Aling Virgie kaya napangiting pilit siya rito.
"Sa susunod po singilin ninyo ah, baka umulit pa." utos ni Kai dahilan para kumunot ang kilay ni Quinn...
"Kayo bang dalawa ay hindi pa rin nagkakasundo?"
Sabay silang napalingon sa tanong ni Aling Letlet, paano nilang nalaman na hindi sila magkasundo ng kumag na ‘to eh ngayon lang siya lumabas ulit ng bahay. Ang lakas ng pandinig naman ng mga 'to...
"Alam mo Ma." tinapik ni Igno ang balikat ni Aling Virgie, "Ganito yan nagtatampo lang itong tropa namin kasi kahapon nagshopping daw sila pero dahil basketball court lang ang tinatambayan nitong tropa ko ay nainip at nainis paano ba naman tatlong oras daw silang paikot-ikot sa mall habang naghahanap ng mabibiling damit itong si Quinn."
*****
"Hey! Won't you really answer me? How come thirty minutes inside the mall became three hours?" Ilang beses niya ng sinusubukan tanungin itong si Kai pero wala itong sinasagot at patuloy lang siyang hindi pinapansin. Dere-deretso lang itong naglakad papasok ng bahay matapos ang sinabi ni Igno, iniwanan lang din nito ang barkada sa tindahan ni Aling Virgie. Naiinis siya rito, she timed it, alam niyang halos tatlumpung minuto lang ang itinagal nila sa mall kasama na dun ang ilang minutong pagbili niya ng donuts at pagparking pero ngayon malalaman niya na tatlong oras ang ikinnuwento nito sa mga kaibigan niya.
Naiinis siya sa pagsisinungaling nito, siya na nga ang inisip nito dahil nakita niya na parang iritable ito kaya kahit gusto pa sana niyang maglibot, magpunta sa bookstore at magtingin ng mga cameras ay hindi niya na ginawa tapos ganito lang ang maririnig niyang kwento. Hindi niya lang ito magawang lapitan ng sobra kahit gustong gusto niya ng sapukin ito dahil baka maulit yung nangyaring pagtsansing nito kahapon.
"Hey idiot!" patuloy niyang pagpapansin, nakaupo siya at nakapatong ang kamay sa mesa, nasa kabilang dulo naman si Kai na busy sa pagpapalaman ng tinapay, hindi siya titigil hangga't hindi siya nito sinasagot.
"Okay stop! I'm sorry...”
“Kalahating oras nga lang yun pero para sa’kin parang tatlong oras na kong nandun... Paano ninyo natatagalan sa ganung kaboring na lugar? Huwag mo na kong isasama ulit kung duon lang ulit ang punta, di bale nang mapagalitan ni Ate..." paliwanag pa nito.
Quinn left speechless... Ganun ba talaga ka impatient itong lalaking 'to? Lalo lang sumasakit ang ulo niya sa walang kwentang paliwanag nito. Iniwanan niya ito sa kusina at padabog na umakyat na lang ng kwarto.
*****
"Kuya bakit maaga mo kami pinapunta? Asan po si Ate Quinn?” tanong ni Micah kay Kai pagdating nila sa bahay kasama niya ang kambal na si Ezra. Maaga silang pinapunta nito dahil magpapaturo daw ulit sila at para na rin mahatiran nila ng almusal si Quinn, sigurado kasing galit iyon sa kanya at nagkukulong ngayon sa kwarto.
"Bago kayo magpaturo ay pakihatid na muna ito kay Quinn sa kwarto niya." nagtatakang nilingon siya ng dalawa.
"Mahabang paliwanag, pagbaba ninyo na lang ikukwento ko, ihatid ninyo na muna ito." patuloy ng binata.
"Kuya inaway mo na naman si Ate?" kunot noo na tanong ni Micah samantalang si Ezra ay tamang salampak lang sa sofa habang nagcecellphone.
"Konting di pagkakaintindihan lang..." tipid nitong sagot pero halata sa mukha ni Micah na hindi naniniwala, nakikita niya tuloy si Quinn dito kay Micah, pareho kasi sila, lahat ata ng babae ganito, ang hirap paliwanagan.
Ngumisi si Micah,"Huwag kang mag-alala kuya, ako bahala, pabababain ulit namin si Ate." ngumisi pa ito na tila may plinaplano, "Tara kambal samahan mo ko puntahan natin si Ate." patuloy niya at hinila si Ezra na walang nagawa at sumama sa kanya.
Mabuti na lang at narito ang kambal para mautusan niya dahil kung hindi ay baka biglaan na talaga itong umalis na lang. Mula ng dumating ito ay puro simangot at pagsusungit ang pinapakita sa kanya, alam niyang hindi naging maganda ang unang pagkikita nila but he tried na magkaayos sila, he tried to cook for her at sabayan ito sa almusal gaya na lang ng plano niya kanina pero hindi niya inaasahan na maaga itong gigising at maaabutan niya na nasa tindahan na ni Aling Letlet. Nagkamali pa siya ng ikwento sa madadaldal niyang barkada ang nangyari sa pinuntahan nila kahapon kaya ng malaman nito iyon ay umusok na naman ang ilong sa galit sa kanya.
*****
I was about to call the guy I met yesterday and talk about a favor na hinihingi niya sa'kin nang marinig ko ang marahan na pagkatok sa pinto ng kwarto at pagtawag sa pangalan ko.
I'm sure it was Micah's voice, that cute little voice of her.
"Hi Ate! Andito po ulit ako maghahatid ng almusal! Narinig ko po kasi may nang-away na naman sa inyo hihi" bungad ni Micah at kasama ang kambal na si Ezra who's busy playing games in his phone.
Sumilay ang ngiti sa labi ng dalaga ng makita ang mga ito na para bang automatikong gumagalaw tuwing makikita niya ang kambal. Kinuha niya ang almusal na dala-dala nila at ipinatong sa mesa, pinapasok niya rin muna ang dalawa para may makausap siya at kanina pa siyang nababagot sa pagkakahiga.
May ngiti sa labi naman nilang tinanggap ang alok ni Quinn. Si Ezra na busy sa pagcecellphone ay napatigil at agad na pinuntahan ang globo na nakapatong sa isang maliit na upuan. Si Micah na naupo naman sa kama at pinapalo-palo ito ng marahan na tila relax na relax. She’s starting to wonder why it seems they miss this room a lot. Madalas kaya silang magpunta dito nung wala pa siya.
"Ate galit ka parin kay kuya Kai?" biglaang tanong sa kanya ni Micah.
Oo, yun ang gusto niyang isagot pero nangibabaw ang kagustuhan niya na huwag na lang magbanggit ng tungkol sa binata.
Tumango siya kaya akala niya ay titigil na ito pero, "Mabait yun si kuya Kai ate, masipag at maaasahan." She saw Ezra nods bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kambal nito, "mapang-asar nga lang din po," napatawa sila at ngayon siya naman ang sumang-ayon sa kanila, "pero kung makikita ninyo po, hindi niya yun ginagawa para galitin kayo o asarin ginagawa niya yun para magpapansin lang."
Hindi niya maintindihan ang huling parte ng mga sinabi nito kaya hinayaan niya na lang at pilit na ngumiti.
"May boyfriend ka ba Ate?" usisa pa ulit ni Micah.
She never had one. She's an independent young woman, she don't need a guy to be happy.
"None... But, I don't need one if that's your next question..." she confidently replied.
"Pero nagkaboyfriend ka na ate?"
Why she’s having this feeling that she’s in a hot seat by a teenage girl.
Before Micah asks anything again ay pinigilan na siya ni Quinn, she's just fourteen but the way she speaks feels like she's knows a lot more than her age.
"Si kuya Kai single din di'ba kambal?" she turned to Ezra na sumang-ayon sa sinabi nito, "Bagay nga kayo ni kuya Kai ate, tapos gusto ka pa niya." Ezra continued and he saw him giggles.
"Tingin mo din kambal?" Micah blissfully approaches Ezra and they both raised their eyebrows a few times and made a weird grin at their lips while looking at Quinn.
Quinn, for the second time of the day left speechless, hindi niya alam kung paanong tutugon sa pinagsasabi ng kambal na ito lalo na sa sinabi ni Ezra that Kai likes her.
No, that can't happen... That's obviously a joke!
"Nakita mo na 'to ate?" hawak-hawak ni Ezra ang globo na nakapatong sa isang maliit na mesa at dahan-dahan itong iniikot. "Dito mo po malalaman na crush ka po ni kuya Kai hihi" patuloy ni Ezra at napahagikhik pa ang dalawa.
Matapos nun ay nagpaalam na ang kambal, nag-unahan pa ito sa pagbaba, naiwan siyang mag-isa sa kwarto. Nilapitan niya ang globo na tinutukoy ng mga ito, pinagmasdan at inikot din ng marahan pero wala siyang makitang anumang koneksyon mula sa mga sinabi ng mga ito, except that there's some dots marks in some countries.
Naisip niya na lang na baka pinagtitripan lang siya ng mga ito, at ito ay utos na naman ni Kai sa kanila. That is something he can do, pangungumbinse niya sa sarili.