"Nagawan mo na ba ng paraan Quinn? Anong plano? Kailan ko ulit siya makakasama? Saan kami magkikita?" pasigaw na bungad sa kanya ng pinsan. Nasa isang coffee shop si Quinn para muling makipagkita dito, ayaw niya pa sana dahil wala naman siyang maiuupdate sa pabor na hinihingi nito dahil na rin sa dami ng nangyari nitong nakaraang linggo, pero nagpumilit ang pinsan at makailang beses na tinatawagan siya kaya para tumahimik ito ay pumayag na siyang makipagkita. "Can you please lower your voice!" daing niya dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao sa lakas ng boses nito, "I just sit a few seconds ago!" inis niya pang dagdag, kararating niya lang at ito agad ang ibubungad nito, na parang ang dating ay inuutusan na siya when in fact ay pumayag lang siyang tulungan ito sa hi

