James POV
Walang pasok. Tch. Ano kayang magawa ngayon?
Sino namang kakatok dito sa kwarto ko? Dito kasi ako sa mansyon. Dito ako natulog. Natamad nako umuwi sa condo ko.
Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan kung sino yung kumakatok.
"Patrick! Good afternooooonnn!"
Masyadong energetic ang bubwit na'to ngayon. Napatingin ako sa wrist watch ko. Mag-one na pala ng hapon. Napuyat kasi ako kagabi. "Oh bakit? Ano kailangan mo?" Alam ko na yang mga ganyang ngiti ng bubwit na yan.
"Let's go to mall! Please? I want to make bili a lot of clothes kasi. Reid give me money kanina. He's so mabait ngayon because Yumi is here. Hoho!"
Demonyitang bata. Inabuso ang pagiging mabait ni Bro. Tama naman eh. Mabait talaga yon pag andito si Yumi.
Kasi yun nga diba kakagaling lang ni Yumi sa Japan? Ang dahilan nun, kasi nag-away sila. Si Bro pinairal ang galit at pride kaya ayun nainis si Yumi at pumuntang Japan. Sarap pagbuhulin ng mag-fiance na yon.
Dating-dati kasi, nagkahiwalay na din sila. Umalis papuntang Japan si Yumi dahil ayun, na-break yung arrange marriage nila. Sobrang miserable si Bro non.
Kaya nga parang na-trauma na din si Bro, eh ayun nga nag-away sila di napigilan ang pride, iniwan na naman sya basta ni Yumi pabalik ng Japan para ipa-realize kay Bro yung mali nya. Tch. Ang komplikado ng relasyon nila. Ayoko ng ganyan.
Buti nga ngayon na umuwi na si Yumi. Loko din yung babae na yon. Pinagtatakot talaga nya kay Bro, babalik syang Japan.
"Ayoko. Natatamad ako." Sabi ko. Pero hindi talaga ako natatamad. Haha. Aasarin ko lang 'tong si bubwit.
"You're so GRRRR! Sige, you don't want to make sama to me? I will spread to school that you are nakabuntis na then you're not making panagot that girl. You want that?"
"Naka-inom kaba ng gamot mo bubwit?" Tanong ko.
"What gamot?"
"Sa sapak sa utak."
"Arrrgh! You're so nakakainis talaga! Sige na kasi Patrick. Make sama to mall na. Pretty please?"
Para namang matitiis ko 'tong bubwit na'to. At para namang titigilan ako nyan. "Oo na." At least makapag-bonding din kaming magkapatid.
"Emeged! Thank you Kuya! I will make ligo na and everything. You too!"
Akalain mo ngang tinawag akong Kuya. Tch. Ayun nagtatakbo na. Excited masyado. Makaligo na nga din.
--
Mandy POV
Miss na miss ko na si Kyle. Gusto ko syang makita. Talunan na ba talaga ako ng Chelsea na yon?
Hindi eh. Para sakin lang si Kyle. Sakin lang sya.
Kanina pako nakadapa lang sa kama ko kakaisip kay Kyle. Feeling ko nga mababaliw nako.
Aish.
Bumangon ako. Bat diko nalang aliwin sarili ko? Kesa magmukmok ako dito. As if naman kasi makita ko si Kyle. Eh parang linta kung makadikit si Chelsea don. Psh.
Tama. Makapag-mall na nga lang. Mag-shop all you can ako. Hmp!
Makaligo na.
--
Sa mall..
Maraming mabibilhang botique ng mga damit dito at lahat pupuntahan ko para makapili naman ako ng magagandang damit.
Medyo marami din tao ngayon dito sa mall. Itong mall na'to nga pala malapit lang sa SWU.
Napatigil ako dito sa Zara. Pipili ako ng damit. Pumasok nako.
Lalapit na sana ako sa iang rack ng naka-hanger na mga damit nang may mahagip ang mata ko.
Bakit kailangan kong makita ang lalaking hindi ko gugustuhing makita?
Tatalikod na sana ako..
"Mandy-monyita!"
Busted. Nakita ako. Humarap ako. Tinaasan ko sya ng kilay. "Bakit bakla?"
Nagulat ako ng biglang may susugod na cute na babaeng mukhang highschool student.
"What did you say? You call my brother, bakla?" Sabi ng cute na babae.
Brother? Means, kapatid sya ni James?
Magsasalita pa ako pero..
"You want me to make tanggal your retokadong ilong?"
"Anong sabi mo? Retokadang ilong? What the hell are you talking about?"
"It looks like fake kaya. Like errr! You don't have the right to make sabi that my brother is bakla. Like duh! I'm gonna sabunot you talaga."
Anong klaseng salita meron ang kapatid ni James na 'to?
"I don't care. Gusto mo sabunutan din kita?" Hamon ko. Napatingin ako kay James.
Nakangiti pa ang mokong habang pinapanood kami. Gustung-gusto pa nyang nag-aaway kami? My God!
"You're feeler that you're maganda ba? I'm telling you, you're not even maganda! Your face is like an old hag."
Ginagalit ako ng batang 'to. "At ikaw akala mo maganda ka din? Mukha kang barbie na minurder!"
"Emeged. Barbie that make murder? And who's the murderer? You? Kung sabagay, you really like a killer in a movie. The one who's duguan, who's like a witch.."
Mabobobo ako sa babaeng 'to. Anong klaseng nilalang ba 'tong kapatid ni James?
"Wala akong pakialam sa sinasabi mong bruhildang bata." Sabi ko.
"Me? Bruhildang bata? How about you? Bruhildang matanda? You know what? Don't dare to call my brother bakla, or else I will tell him to r**e you."
Nasabi nya yun? r**e? Anong klaseng bata ba talaga yan? Should I say, bata ba talaga 'tong kaharap ko?
"Hahahahaha." Si James makatawa.
"Hoy bakla wag kang tatawa-tawa dyan." Sabi ko.
"I told you not to call him bakla! I will punch you boobs you want?"
Masisiraan ako ng ulo sa batang 'to. "Then do it! Kakalbuhin talaga kitang bata ka!"
"Oh! If you can, then do it! I'm eager to tapyas you pwet talaga."
Ano daw? Unbelievable! "Arrrghhh! James suwayin mo 'tong kapatid mo!" Grabe. Kakaiba 'to. Diko akalaing may ganitong bata sa panahon ngayon.
"Why should I do that?"
"Now you're asking favor to my brother? So GRRRR ka old hag!"
"Sa ganda kong 'to, tatawagin mokong old hag?"
She laugh. "What did you say? Do you really know what is maganda? It's hundred percent not you. You're not maganda kaya! I don't like your eye shadow, I don't like your lipstick color, I don't like you blush on, it was like, so kapal you know! Not even bagay to you."
Pinulaan nya make up ko? Arrgh! Naiinis na talaga ako sa batang yan. Kanina pa nya ako nilalait!
"You witch!" Sabi ko.
"You b***h!" Sagot nya.
"Batang walang ganda!"
"Matandang walang ganda!"
"Ang panget ng fashion style mo!"
"Pang-matanda ang fashin style mo. It's like 70's old hag!"
Nanggigigil na talaga ako. "Stop calling me old hag you little witch!"
"I'll call you old hag whenever I want. I don't care about you feelings. Like errr! I have the right to speak kaya. It's my mouth that speaks, not yours."
Mga katwiran ng batang 'to. "Nakakabobo na ang salita mo ha! Dika ba nag-aaral? Ha?"
"Like err! I'm an honor student at Shin-Woo University Highschool department. A grade of 99 in math, science, english. A grade of 100 in filipino, p.e, etcetera. And my lowest grade is 98. You want me to summarize all my achievements?"
Langyang bata 'to. Anong pakialam ko sa grade nya? "Pakialam ko sa grade or achievements mo?"
"How about you? Do you have that kind of grade? Or I bet, you're making landi landi lang to school."
"Wag moko ginagalit witch!"
"Emeged. I'm so natatakot na. You is making galit na. Oh no.."
Nakakaloko na talaga 'to promise. Makakasabunot nako.
"Aalis nako! May araw ka din sakin! Ikaw James, arrrghhh!"
Aalis nako. Ayoko na makipag-usap sa batang isip matanda na yan na nakakabobo magsalita.
"Wait Mandy.."
Dug, dug..
Dug, dug..
Bat bigla akong kinabahan nung tinawag ako ni James sa pangalan ko?
Sheeet. What does it mean?
Lumingon ako. "Why?"
"Bago ka umalis, ipapakilala kita ng maayos sa kapatid ko."
He's smiling at me. Bakit iba pakiramdam ko? Hala. "Fine."
"Fancy meet Mandy. Mandy meet Fancy."
Nagtinginan lang kami ng witch na'to.
"By the way. Ipapakilala ko ulit kayo sa isa't isa."
Huh? Kakapakilala lang ah?
Tumingin sakin si James. "Devil, meet the little devil."
Little devil? WTF!