James POV Nakagaling na kami sa batangas. Ang saya sobra. Dahil doon kami nagka-aminan ni Mandy ng nararamdaman namin sa isa't isa. Pinayagan na rin nya akong manligaw ako sa kanya. Ayos 'no? Nanliligaw palang ako pero nakarami nako ng kiss. Hanep na ang buhay! Haha. Bzzzt.. Oh, sino naman ang pupunta dito sa condo ko ng ganito kaaga? Tch. Tumayo na'ko para pagbuksan kung sinuman yun. Nakasimangot akong binuksan ang pinto. "Uh, hi.." "Hindi bagay sa'yo ang ganyan. Mas bagay sa'yo yung mataray. Bakit pala andito ka Mandy? Na-miss mo agad ka-gwapuhan ko? Edi sasagutin mo na'ko nyan? Tapos magpakasa--" "Shut up." Na-shut-up pa nga. Masyado na ba akong madaldal? Di naman diba? Tch. Pumasok na sya dito sa condo ko. Sinara ko ang pinto at sinundan sya sa may living room. Naupo kami dit

