Mandy POV "You want me to prove that I love you?" Medyo kinabahan ako sa pagkakatingin niya sa'kin. Napalunok ako. "Marry me." Marry me.. Marry me.. Marry me.. Oh my---- *TOK TOK* "MANDY! Okay kalang ba dyan?" Sh*t. Napamulat ako. Ang bilis ng hininga ko. Nananaginip lang ako? Omg. Nakatulog pala ako habang nakahiga dito sa bathtub. Pagtingin ko sa wall clock dito sa loob ng bathroom. Almost one hour na pala akong nandito. "O-Okay lang ako. Lalabas na din ako!" Sigaw ko kay James. Napahawak ako sa bandang dibdib ko. Sh*t. Grabe yung napanaginipan ko. Akala ko totoo talaga. Hindi pala. Pero pa'no pala kung totoo 'yun? Anong isasagot ko? Anong gagawin ko? Wala akong idea sa maaari kong i-react. Hay Mandy, wake up! Masyado ng lumalawak ang imagination ko. Tumayo na'ko mula sa b

