CHAPTER SIXTY HINDI NAMAN BAGO SA DALAWANG SI ANGEL AT LEIGH ang ganoong lugar dahil mahilig din naman ito sa mga ganitong lugar lalo na si Angel na ang pamilya nito ay mayroon din hacienda na matatagpuan sa kanilang Probinsya. “Ang ganda dito, Leigh. Hindi ko alam na ganito pala kayaman pamilya ng kinakapatid mo,” napahanga nasambit ni Angel. “Yeah, actually this is my first here. Hindi naman kasi ako madalas pumunta sa hacienda ni Ninong Ethan. Dati rati noong mga bata pa kami ng kapatid ko ay nakapunta na siguro kami dito pero hindi ko lang matandaan. Hindi ko nga rin matandaan si Maxie noon e,” saad naman niya rito. “Pareho rin kasi kayong bunso kaya medyo iba talaga yung nakagisnan niyong environment,” natatawa niyang saad. “Ikaw rin naman di ba? Bunso ka rin naman.” “Bunsong b

