CHAPTER EIGHTY SIX ALAS-SAIS NG UMAGA NAGISING ANG BAGONG KASAL. Nasa kwarto ni Leigh natulog. Madalas naman nakakatulog doon si Maxie kaya hindi na yun bago sa kanya. Sa kwarto din yun nabuo ang kanilang baby na nasa sinapupunan ni Leigh ngayon. Naunang bumangon si Maxie at dinampian ng halik ang asawa at tinungo ang banyo upang maligo. Agad siyang nagpalit ng damit at ginising ang asawa. “Hey, my loves. Wake up,” aniyang marahang kinuyog at pinaghahalikan ang asawa. Dahan-dahan inimulat ni Leigh ang kanyang mata at napangiti ng masilayan ang gwapong mukha ng asawang fresh na fresh “Good morning, my loves. Get up and take a shower now. Paalis na soon ang parants mo and sabi pa naman nila na sabay tayong kumain before tayo pupunta ng bahay,” saad niya, “Good morning,” aniyang nakanguso

