Kaagad siyang hinila ni Kenjie patayo upang sabay silang makaalis sa lugar, subalit dala ng matinding karamdaman, hindi agad siya nakakilos. Sa kasamaang palad ay naabutan siya ni Jovena. Nagawa nitong sabunutan siya at kaladkarin palabas sa halamanan. Nakita ni Kenjie na nasasaktan siya habang nakahawak sa kamay ng babae at pilit tinatanggal ang daliri nitong nakahila sa kaniyang buhok. Lalo pa silang nahintakutan nang makitang hawak ni Jovena ang butter knife at akmang sasaksakin nito ang kaniyang kanang mata. Walang pagdadalawang-isip na nanlaban ang binatilyo upang siya ay makatakas. Hinawakan nito ang kamay ni Jovena na may hawak na patalim at pilit na kinukuha iyon sa kamay ng kalaban. Tinulungan niya si Kenjie, pinukpok niya ng kamao ang mga kamay ni Jovena na nakasabunot sa kani

