Chapter 4 : At Home

922 Words
(*Trigger Warning) Pagkauwi ni Kenjie sa tahanan, ang nadatnan niya sa sala ay ang kaniyang ina na may kasiping na lalaki. Saglit siyang napatigil sa pagpasok at napanganga ngunit wala siyang sinabi. Iniwas niya ang paningin at mabilis na isinara ang pinto. Nagbingi-bingihan na lamang siya sa mga halinghing ng mga ito at dire-diretsong naglakad nang tahimik patungo sa hagdan. Ni hindi siya lumingon, siya pa ang nahiya sa dalawang matanda na wala nang nararamdamang hiya sa sarili. "T-Teka may bata!" Nakita siya ng lalaki na dumaan kaya tumigil ito sa paggalaw sa ibabaw ng babae. "Hayaan mo 'yan! Malapit na ko..." Kinabig nito ang leeg ng lalaki kaya muli itong napatingin sa babae. Muling ipinasok nito ang kargada at ipinagpatuloy nila ang ginagawa na para bang hindi nakita ang bata. Naramdaman ni Kenjie ang pagtaas ng balahibo sa katawan dahil sa pandidiri. Namumutla ang kaniyang buong mukha na nagmadaling umakyat ng hagdan. Nang makapasok sa kwarto ay ibinaba lamang niya ang bagpack sa tabi. Napakagat siya sa labi dahil sa inis at galit na nararamdaman. Nais niyang magwala, sumigaw, magrebelde at tumakas sa bahay ngunit hindi niya magawa. Sex is sacred. Tinuro sa kanila ng guro niya iyon. Gagawin mo lamang ito sa taong tunay mong mahal. Sapagkat sa pagbibigay ng katawan ay ibinibigay mo rin ang parte ng kaluluwa mo sa taong iyon. Wika ni Maam Dalisay, kapag ibinigay mo ito sa kung sino-sino lamang, mahahati rin ang kaluluwa mo sa kanila. Kapag naglaon, mararamdaman mo na lamang na wala ka nang kaluluwa. At ang taong walang kaluluwa ay wala na ring pagpapahalaga sa sarili. Nais niyang maniwala sa mga tinuro ng guro. Ngunit binura ng libog at pang-aabuso ang kapuriang iyon. Wala nang natira sa kaniya. Wala na rin siyang kaluluwa dahil ninakaw iyon ng kaniyang ina. Napakislot siya nang marinig na may kumatok sa pinto. Nanigas siya sa pagkakatayo dahil sa takot dahil baka ito na naman ang kaniyang ina at naisipan na naman siyang saktan. "Kenjie, may niluto ako sa kusina. Kumain ka muna bago ka matulog." Narinig niyang boses iyon ng lalaki. Mabilis itong nagbihis nang matapos makipagtalik. Tapos na pala sila at kanina pa pala siya nakatunganga roon. "Natutulog na ang nanay mo sa ibaba. Bakit ngayon ka lang umuwi? Siguradong paggising niya ay magagalit na naman iyon sa 'yo." Hindi siya tumugon at hindi niya rin binuksan ang pinto. Sa halip pinakiramdaman niya ang pagkilos ng lalaki mula sa labas. Narinig niyang nagsindi ito ng lighter. At kahit sarado ang pinto, naamoy niya ang usok ng sigarilyo. Nagbuga ito ng puting usok sa hangin at isinuksok ang isang kamay sa bulsa. "Sabihin mo na kung anong kailangan mo bago ako umuwi. Alam mong may pakialam ako sa 'yo." Naikuyom niya ang mga palad. Gusto niyang manuntok. Sinungaling ka Mang Linton. Hindi siya naniniwala kahit pa si Mang Linton ang tanging lalaking dinala ng kaniyang ina sa bahay na nagmalasakit nang kaunti. Bukod sa hindi siya nito ginalaw, ay ito lamang ang tanging kasintahan ng ina na naawa sa kaniya. Natatandaan pa niya ang mga dating kasamahan ng kaniyang ina. Kapag sinabi ng babae na pwede siyang galawin, papayag ang mga lalaki at susugurin siya sa kwarto. Ngunit si Mang Linton ay hindi. Marahil ay dahil pamilyado ang manong. May asawa ito ngunit lihim na niloloko. May dalawa rin silang anak na pinag-aaral sa hayskul. "Kung talagang may pakialam ka sa akin. Bakit hindi mo ko ipinagtanggol noon?" Hindi na niya napigilan ang sarili na sabihin. Natatandaan niya nang magalit sa kaniya ang ina dahil nasunog niya ang sinaing. Isinubsob siya ng babae sa lababo, pumutok ang labi niya at dumugo ang ilong. Nakita iyon ni Mang Linton na nakaupo sa dining table pero walang sinabi o ginawa ang lalaki. Nakatingin lamang ito. Nakatingin na naaawa. Napabuntong-hininga si Linton. "Anong gusto mong gawin ko? Malalaman din ng asawa ko na nagpunta ako rito kapag sinumbong ko si Jovena sa pulis." Hindi naman iyon ang hinihiling niya. Gusto lamang niya na matuto itong magsalita laban sa kaniyang ina. Sana ay inawat nito ang babae noong binubugbog siya. "Makipaghiwalay ka na kay Mama! Kapag hindi mo iyan ginawa, isusumbong kita kay Aling Melita," wika niya na ikinabigla ng lalaking kausap sa labas. "Alam mo naman na pera lang ang habol niya sa 'yo." "Hindi mo naiintindihan, bata. May pangangailangan ako na hindi kayang ibigay ng asawa ko. Maiintindihan mo rin paglaki mo." Hindi. Hindi ko iyan maiintindihan. Nais niya sumagot pero itinikom na niya ang bibig. Paano nga ba niya maiintindihan sa paglaki niya? Siguradong sa hinaharap, hindi siya magkakaroon ng normal na sekswal na relasyon sa kaniyang mapapangasawa. Maaaring lumaki siyang adik sa s*x o takot makipag-s*x. "Kenjie." Tinawag nito ang pangalan niya na para bang nag-alala sa kaniyang hindi pag-imik. "Natutulog ka na ba?" Wala pa rin siyang tugon. Napabuntong-hininga ito nang hindi siya sumagot. Bumaba na ito sa hagdan at tuloy-tuloy na lumabas sa bahay. Nang marinig ang yapak nito ay nagpadausdos si Kenjie sa pinto hanggang mapaupo sa sahig. Wala na talagang pag-asa. Ang pinakamasakit na bahagi, kahit alam ng iilan ang tunay na nangyayari, walang nagtangkang tumulong sa kaniya. Nagtakip ng tainga at mata ang mga ito kahit harap-harapan nilang narinig o nakita. Muli siyang napakislot dahil sa gulat. Narinig niyang may sunod-sunod na kumatok sa pinto na tila bagang nagmamadali o nagdadabog. Sa puntong ito, mas malakas at makapangyarihan ang boses na tumawag sa kaniya. "Kenjie, narinig ko lahat ng sinabi mo kay Linton! Buksan mo 'to ngayon din!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD