“PAKIULIT mo nga iyong sinabi mo, Angelique.” “Ang alin?” “Iyong sinabi mo kanina tungkol kay MJ,” paalala ni Lian. Iyong luhang nalaglag mula sa mga mata niya ay hindi na nasundan dahil sa sinabi ni Angelique. “Naisip ko lang naman na baka iyang asawa mo rin ang may pakana ng lahat. Kunwaring ipinakidnap ka niya. Tapos naghanap siya ng ibang babae at pinapalitan ng mukha mo at iyon ang ginawa niyang asawa. Ikaw naman iniba rin ang mukha mo para hindi ka na makabalik sa buhay niya. Ang gandang plano, hindi ba?” Marahas na umiling si Lian. “Hindi totoo iyan, Angelique! Hindi gagawin iyan ni MJ! Mahal niya ako at mabuting tao siya. Hindi niya kayang gawin iyang sinasabi mo.” Tinaasan siya ng kilay ni Angelique. “Sigurado ka? Gaano mo kakilala iyang asawa mo?” “Sigurado ako! Bakit naman

