“ILANG floors mayroon ang bahay mo?” usisa ni Lian habang naglalakad sila ni MJ pabalik ng bahay. “Lian, sinabi ko na sa iyo ito kanina pa. Hindi ka ba nakikinig. Hindi ko ito bahay. Bahay natin ito. Tatlong palapag ang bahay na ito,” mahinahong sabi ni MJ. “Ah, okay, bahay natin. Hindi pa kasi nagsi-sink sa utak ko iyong sinasabi mo. Ang hirap kasing paniwalaan na ang MJ na nakilala ko noon ay isa ng CEO ng malaking kompanya at ngayon kaya na ring magpatayo ng ganito kagarbong bahay.” “So, ang baba pa rin ang tingin mo sa akin ngayon?” Napangiwi si Lian. “Hindi sa gano’n. Hindi lang talaga ako makapaniwala na magiging CEO ka. Ang nasa isip ko kasi papasukin mo ang mundo ng pulitika. Ang lakas ng karisma mo sa tao. Ang balita ko nga noon member ka na ng student council mula pa noong un

