“SA WAKAS, dumating din!” Pumalakpak si Chris nang makita nito si MJ na pumasok sa restaurant. Napailing na lang si MJ nang umupo sa tabi ni Joshua. “Ngayon ka lang na-late, ah?” nakangiting sita nito sa kanya. “Basa pa iyang buhok mo, bro. Bagong ligo ka, ano? Late ka bang nagising?” usisa naman ni Jak. “Ang tanong, bakit ka ba na-late ng gising. Pinuyat ka na naman ba ng babae?” nakangising tanong ni Andrei. “Hey! Late na nga iyong tao, ginigisa ny’o pa? Um-order na nga tayo ng pagkain, kanina pa ako nagugutom,” ani Enzo saka ito tumawag ng waiter. Paglapit ng waiter, nagkanya-kanya na sila ng order. Nang makaalis ang waiter, nakatingin na naman kay MJ ang mga kasama niya. “Walang halong biro, bro. Curious lang ako, ha? Hindi ka nali-late sa usapan. Pero bakit ka na-late ngayon?

