Chapter 33 - The Love of His Life

2422 Words

NABAYARAN na ni MJ ang kanilang bill. Naibalik na rin sa kanya ang credit card na ginamit niyang pambayad pero wala pa rin ang asawa niya. Napatingn siya sa suot na relo. Halos kalahating oras na ang lumipas mula nang umalis ito. Five minutes pa at susunduin na niya ito kapag hindi pa bumalik. Lumipas ang limang minuto ngunit wala pa rin si Lian kaya tumayo na si MJ at dumiretso sa comfort room. Patingin-tingin lang siya sa labas. Hindi niya magawang lumapit sa ladies’ room dahil sunod-sunod ang mga babaeng lumalabas at pumapasok. Nang hindi na siya nakatiis, inilabas niya ang cellphone at tinawagan ang asawa. Nagri-ring ang cellphone nito ngunit hindi naman ito sumasagot. Sinubukan niya uling tawagan pero hindi pa rin ito sumasagot. Sa pangatlong ring ay hindi na niya ito matawagan. O

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD