DALAWANG linggo pa na nag-training si Lian sa opisina ni MJ bago siya nito pinakawalan. Kaya nang sumunod na araw, inihahatid muna siya nito bago pumasok sa opisina. Pagdating ng alas-sais ng gabi sinusundo siya nito at sabay silang umuuwi. Ganoon ang naging routine nila araw-araw. Samantalang ang sleeping arrangement nila ay kakaiba rin. Magkasama na silang natutulog sa malapad na kama ng master bedroom. Iyon nga lang nasa magkabilang dulo sila. Tig-isa rin sila ng comforter kaya hindi rin sila magtatabi bukod pa sa maluwang ang kama. Hindi malaman ni Lian kung ano ang gustong palabasin ni MJ sa istilo ng pagtulog nila. Hindi niya mawari kung matatawa siya o maiinis sa ginagawa nila. “Tayo lang yata ang mag-asawa na ganito, ah,” puna ni Lian ng gabing iyon. Nasa kama na sila pareho

