Chapter 16

4738 Words
Pag katapos bayaran ni Florian ang lahat ng laruan na pinamili niya ay lumabas na sila sa toy store. Dahil labis naaliw si Florian sa bata dinagdagan niya pa ang laruan na pinamili niya para rito. “Hey, young man where is your mother or your guardian?” Tanong ni Florian sa bata habang nag lalakad. Si Sixto naman ay naka sunod lang sa kanila. “Nasa arcade po si tito Sixto.” Sagot ng bata. “Ok ibabalik na kita sa kanya.” Wika ni Florian. Tumigil sa pag lalakad ang bata kaya huminto rin si Florian. Hawak ni Florian ang kaliwang kamay ni Calev habang ang isang kamay niya ay bitbit ang paper bag na nag lalaman ng mga laruang pinamili niya. “May problema ba? Bakit ka tumigil sa pag lalakad?” Tanong ni Florian sa bata. “Ayoko po muna bumalik sa arcade,” sambit ni Calev. “Why? Kailangan mo na bumalik sa tito mo baka hinahanap kana niya. At isa pa may pupuntahan pa ako.” “Pero ayaw ko nga po, gusto ko, ahmm,, teka ano nga ba gusto ko?” Sambit ng bata at ilang segundo nag isip ang bata at ngumiti. “Gusto ko po kumain nagugutom na po kasi ako. Pwede mo po ba ako ilibre?” Saad ni Calev at ngumiti. Napakamot ng batok si Florian at pinag katitigan ang bata. “Walanghiya binilihan na nga kita ng laruan, balak mo pang mag palibre ng pagkain. Matindi ka rin.” Usal ni Florian. “Ayaw mo po ba?” Sumimangot at ngumuso si Calev. Bigla tuloy naalala ni Florian si Sadia. Ganitong-ganito ang hitsura ni Sadia kapag naka simangot. “Fine, last na ito pag katapos bumalik kana sa tito mo.” Anang ni Florian. Tumango ang bata at bumungisngis. Nag tungo sila sa isang restaurant lahat ng itinuro ni Calev sa menu ay in-order ni Florian. “Hindi ka rin gutom ano?” Turan ni Florian. Nang dumating ang pagkain ay nilantakan na ni Calev ang mga ito. Si Florian ay nakatitig lang sa bata. Habang pinag mamasdan niya ang bata ay hindi mawala sa kanyang isip ang mukha ni Sadia. “What is your mother name?” Tanong ni Florian. Dahil puno ng pagkain ang bibig ni Calev ay hindi ito masyado makapag salita. “S-sasia poh,” turan ng bata hindi niya masyado mabigkas ang pangalan ng kanyang ina. “Sasia?” Patanong na ulit ni Florian. Umiling si Calev at inabot ang basong nag lalaman ng juice at uminom. “Sa--” “Calev,” boses ni Sixto. Hindi na natapos ng bata ang kanyang sasabihin ng tawagin siya ni Sixto. “Tito Sixto,” "Let's go uuwi na tayo, tumawag na ang mama mo pinapauwi niya na tayo." "But i haven't finished eating yet. Uubusin ko po muna ito tapos uuwi na tayo." Anang ng bata. Habang nakatitig si Florian kay Sixto bahagyang napa kunot ang kanyang noo. "Pag pasensiyahan mo na malakas talaga kumain iyang pamangkin ko. Mag kano ang nagastos mo at babayaran ko." Sad ni Sixto. "No need, libre ko na sa kanya yan." Sagot ni Florian. "Hay,, ang sarap ng pagkain nabusog ako." Wika ni Sixto ng matapos kumain. Himashimas nito ang kanyang busog na tiyan. "So let's go Calev." Yaya ni Sixto sa bata. "Teka lang po tito Sixto." Nanaog si Calev sa silya at lumapit kay Florian. Biglang niyakap ni Calev si Florian at pinatakan ng halik sa pisngi nito. Labis naman ang pag kabigla ni Florian dahil sa ginawa ng batang lalaki. "Para saan yung kiss?" Tanong ni Florian sa bata. "Para po sa pagiging mabait mo sa akin. Bayad ko rin po iyon sa mga laruan na pinamili mo sa akin at pag libre mo ng pagkain." Bibong wika ni Calev. "Sana po mag kita pa ulit tayo para makapag laro po tayong dalawa. Atsaka para makilala mo ang magandang mama ko." Dagdag pa ni Calev. "Mag paalam kana sa kanya Calev aalis na tayo." "Ba-bye po," Tipid na ngumiti si Florian sa bata. "Thank you brothe- in-law." Anang ni Sixto at ngumisi bago hinila papalayo si Calev. "Wait, what--?" Hindi paman natapos ni Florian ang sasabihin nakalayo na sila Sixto. "Why did he call me brother-in-law?" Anang niya sa kanyang isipan. Pag dating nila Sixto at Calev sa mansion pinag yabang ni Calev sa kanyang ina ang mga laruan pinamili sa kanya ni Florian. "What! Si Florian?!" Bulalas ni Sadia. Buti nalang ay nasa loob sila ng silid at walang ibang nakarinig sa malakas na boses niya. "Relax ate Sadie wala akong sinabi na kahit ano sa kanya. Hinayaan ko lang sila mag ka bonding mag ama. Karapatan ni kuya Florian makasama ang anak niya, kaya wag mo ipag kait." “Hindi ko pinag kakait si Calev kay Florian. Alam mo naman ang sitwasiyon ko Sixto, ayaw ko lang malayo sa akin ang anak ko. Paano kung malaman ni Florian na may anak kaming dalawa, siguradong hindi yun papayag na hindi kami makuha. At kapag nangyari yun magagalit si papa haharangan niya si Florian ilalayo niya sa akin si Calev.” Puno ng pangamba ang boses ni Sadia. “Ate Sadia kung puro takot ang paiiralin mo diyan sa puso mo hindi ka talaga magiging masaya. Pakiusap matutong kang maging malakakas. Ipag laban mo si kuya Florian kay Daddy, ipag laban mo ang pag mamahalan niyong dalawa. Kasi sa tingin ko si kuya Florian lahat kayang gawin para sa'yo, kahit siguro buhay niya kaya niyang itaya maipag laban ka lang niya.” Napayuko si Sadia dahil sa sinabi ni Sixto. Kinagabihan hindi makatulog si Florian hindi mawala sa kanyang isipan ang mukha ni Calev. Isa pang nag papagulo sa kanyang isipan si Sadia. Hindi pa ito tumatawag sa kanya simula ng huli nilang pag kikita. “Kamusta kana mahal ko? Bakit hindi ka tumatawag manlang.” Wika ni Florian. Hindi mapakali si Sadia sa kanyang silid kaya nag tungo siya sa kuwarto ni Sixto. Ilang beses kumatok si Sadia sa pinto ni Sixto ilang minuto ang lumipas bago buksan ito ni Sixto. Bumungad kay Sadia ang pawisang katawan ng kapatid humahangos din ito. Walang suot pang itaas na damit si Sixto kaya naman tumampad sa kay Sadia ang may kalakihang katawan ni Sixto. Dise-otso anyos palang si Sixto pero maganda na ang katawan nito. Maganda ang pangangatawan ni Sixto aakalain mong nasa edad bente pataas na ito dala na rin siguro dahil nag gi-gym ang binata. Namewang si Sadia at hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa si Sixto. “Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit parang pagod na pagod ka yata.” Mapanuring tanong ni Sadia. Lumikot ang mga mata ni Sixto at hindi makatingin ng deterso kay Sadia. “Sixto?” Untag ni Sadia sa kapatid. “Ahmn, wala ate nag exercise lang.” Sagot ni Sixto. May narinig si Sadia na mahinang kalabog mula sa loob ng kuwarto ni Sixto. Kaya naman agad niyang tinulak si Sixto at pumasok sa loob ng silid. Nanlaki ang mata ni Sadia ng may makitang babae sa loob, naka balot ng kumot ang buong katawan ng babae. Bumaling si Sadia kay Sixto at pinandilatan ang nakababatang kapatid. “Sixto nag dadala ka ng babae dito sa kuwarto mo?” Hindi makapaniwalang saad ni Sadia. "Ate, please lower your voice. Baka marinig ka ni Dad." Anas ni Sixto at sinirado ang pinto ng kuwarto. “Who is she?” "Si Kate classmate ko." Sagot ni Sixto. “Classmate? Hindi mo girlfriend ?” “No,” Napatanga si Sadia ngayon niya lang nalaman na may tinatago palang kalokohan ang kapatid. "A-anong akala niyo sa ginagawa niyo isang laro? Gosh,, Sixto hindi laruan ang babae, na kapag gusto mong pag laruan gagamitin mo. Kapag sawa kana babaliwalain mo lang na parang isang lumang gamit." “Ate,, huwag mo na ako pangaralan alam ko ang ginagawa ko maingat naman ako. At isa pa hindi ko siya pinag lalaruan ginusto niya rin ito." Napailing si Sadia ano pa nga ba aasahan niya. Lalaki si Sixto at talagang may pag ka babaero ito. At isa pa magandang lalaki si Sixto kahit sinong babae ay mag hahabol dito. “Fine, bahala kayo sa gusto niyong gawin malalaki na kayo. Alam niyo naman siguro ang tama at mali. Pahiramin mo na ngalang ako ng cellphone mo. Kinuha kasi kanina ni papa ang cellphone ko.” Wika ni Sadia. Inabot naman kaagad ni Sixto ang cellphone nito kay Sadia. Nag dial ng number si Sadia at tinawagan ito. “Yes, who's this ?” Sa boses palang ng lalaki sa kabilang linya ay lumakas ang t***k ng puso ni Sadia. Ang boses ng lalaki ay halatang kakagaling lang sa pag tulog. “Florian,” bigkas ni Sadia sa pangalan ng lalaki. Ilang segundo walang nag salita sa kabilang linya, namayani ang katahimikan. “Sadia, baby buti at tumawag kana. Damn i missed you.” Usal ni Florian. “Pasensya kana ngayon lang ako tumawag, sunduin mo ako ngayon dito sa mansion.” Pag katapos mag usap ni Sadia at Florian ay kinausap ni Sadia si Sixto. “Pwede bang ikaw muna ang mag bantay kay Calev ngayong gabi?” “Walang problema ate, basta sa ikaliligaya mo.” “Thank you Sixto.” Sa likod ng mansion dumaan si Sadia ang problema ay kailangan niya pang umakyat sa pader. Dito din dumadaan minsan ang mga babaeng pinapapunta ni Sixto, upang paligayahin siya. Gamit ang isang aluminum ladder ay umakyat si Sadia. Pasampa na si Sadia sa pader ng biglang--. “Ahem,,,” Agad napalingon sa baba si Sadia kung sino ang lalaking naroon. “K--kuya Leo,” mahinang bigkas ni Sadia. Hindi niya alam na naririto pala sa mansion ang kanyang kuya Leo. Anong ginagawa nito dito, bakit naririto ito. Dahan-dahang bumaba si Sadia sa ladder. Nag cross arm si Leo habang nakataas ang isang kilay. “And where are you going young lady?” “Ahmmn,,” hindi na nakapag salita si Sadia at napayuko nalang ito. “Balak mo na naman ba tumakas? At saan ka pupunta?” Tanong ni Leo. “Tell me Sadia nakikipag kita kaba muli sa Florian na iyon?” “Kuya please,,, hayaan mo na akong makita ko si Florian. Mahal na mahal ko siya. Pakiusap huwag mo akong pigilan.” Tumulo ang luha ni Sadia habang mag sasalita. Nakarinig ng ugong ng makina ng sasakyan si Leo ganon din si Sadia. Alam niyang si Florian na iyon. “Go, bago pa mag bago ang isip ko.” Turan ni Leo. Mababakasan ng kasayahan ang mukha ng dalaga. Totoo ba itong narinig niya hindi tumutol ang kanyang kuya. Bagkus at pinapayagan pa siya nito. Patakbo siyang lumapit kay Leo at yumakap. “Thank you kuya Leo.” Marahang hinaplos ni Leo ang buhok ni Sadia at pinatakan ng pinong halik ang tuktok ng ulo nito. “Gusto kong makita kang maging masaya bunsoy. But make sure, na tamang lalaki ang pinag lalaban mo. Andito ako para maging kakampi mo mahal na mahal kita bunso.” Wika ni Leo. “Sige na puntahan mo na siya baka nag hihintay na siya sa'yo.” Bumitaw si Sadia kay Leo at ngumiti bago tumalikod. “Enjoy bunsoy, doon sa bandang dulo may maliit na gate roon, pwede kang dumaan doon. ” Pahabol ni Leo. Patakbong nag tungo si Sadia sa maliit ng gate nag mamadali niya itong binuksan. Pag kalabas niya ay natanaw niya kaagad ang kulay asul McLaren sports car ni Florian. Naka sandig ang likod ng lalaki sa pinto ng sasakyan at ang mga kamay nito ay naka suksok sa bulsa ng maong na pants nito. Naka white v-neck t-shirt lang si Florian simple lang ang suot nitong damit. Naka yuko ang lalaki kaya hindi niya napansin ang pag lapit ni Sadia. Mula sa liwanag ng buwan ay kumikinang ang maliit na hikaw ni Florian sa tainga nito. Kahit naka side view ay napaka gwapo ng lalaki. “Florian,” Tawag niya sa lalaki. Dahan-dahang nag angat ng ulo si Florian at tumingin kay Sadia. Lumakas ang t***k ng puso ni Sadia ng mag tama ang kanilang mga paningin. Ang tiyan ni Sadia na parang hinahalukay dahil sa kakaibang titig ni Florian. Iba talaga ang epekto ng mga titig ni Florian sa kanya na pakiramdam niya ay matutunaw siya. Napako ang mata ni Florian sa mga paa ni Sadia. “Hindi ba talaga uso sa'yo ang mag suot ng tsenelas mahal ko.” Wika ni Florian at nag lakad papalapit kay Sadia. Napangiwi naman ang babae dahil sa pag mamadali niya kanina ay hindi na siya nakapag suot ng tsenelas. Ayos lang naman dahil sanay naman na siya mag paa. Kahit noon paman ay hindi na talaga sanay ang babae mag suot ng sapin sa paa. “Nakalimutan ko, nag mamadali na kasi ako.” Turan ni Sadia. “It's ok mahal ko, maganda ka parin naman kahit wala kang suot na tsenelas.” “Let'go,” hinawakan ni Florian ang isang kamay ni Sadia at inakay ang babae patungo sa kotse. “Saan mo gusto pumunta mahal ko ?” “Kahit saan basta ikaw ang kasama ko Florian. Kahit saan ka naman mag punta sasama at sasama parin ako sa'yo.” Napangiti si Florian sa narinig, buti nalang ay madilim sa loob ng sasakyan. Kaya hindi kita ang pamumula ng leeg at tainga ni Florian. Nakakabakla man pakingan pero kinikilig si Florian. In-start na ni Florian ang engine ng sasakyan at mabilis na pinaharurot ito. Huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking gate. Sobrang taas nito kapantay nito ang taas ng matayog na pader na nag sisilbing bakod. “Nasaan tayo? Anong lugar ito Florian?” Tanong ni Sadia sa lalaki. “I want to show you what kind of life I have. And what are my businesses.” Anang ni Florian. Bumusina ang lalaki agad naman bumukas ang malaking gate. Dahan-dahan pumasok ang kotse ni Florian sa loob. Tumampad kay Sadia ang sobrang daming tauhan sa loob. Lahat ay armado bawat isa sakanila ay may dalang matataas na kalibre ng baril. Ilang beses napa lunok si Sadia at napatingin kay Florian. Totoo kaya ang sinabi ng kanyang ama? Tumigil ang sasakyan hindi na hinintay pa ni Sadia na pag buksan siya ng pinto ni Florian. Agad naman naramdaman ni Florian ang pagiging malamig ni Sadia. “Magandang gabi boss napadalaw ka yata.” Wika ng isang pamilyar na boses. Walang iba kundi si Dante. Bumaling si Sadia sa lalaki at simpleng napangiti. “Kuya Dante," masiglang wika ni Sadia. “Sadia? Ikaw ba yan? Wow mas lalo kang gumanda.” Saad ni Dante. “Kamusta kana kuya Dante? Si ate Layla kamusta na siya?” “Ayon nag asawa na ng kano, ako ito mukhang tatandang binata. Minalas sa love life e.” anang ni Dante. Pag katapos mag kamustahan ni Sadia at Dante ay niyaya na ni Florian si Sadia papasok sa loob. Dinala ni Florian si Sadia sa isang kuwarto. Pag pasok nila sa pinto tumampad kay Sadia ang maliliit na sachet ng puting powder na naka lagay pa sa briefcase. May isang lalaki rin ang naka gapos sa isang silya naka tali ang mga kamay at paa nito. Naka piring ang lalaki, pulos dugo natin ang mukha nito na halatang binugbog. “Florian, ano ibig sabihin nito?” Kinakabahan na wika ni Sadia. “Ito ang buhay ko Sadia, isa ito sa mga negosyo namin, ng pamilya ko.” Namawis ang mag kabilang kamay ni Sadia. “Alam ko pag katapos nitong mga nalaman mo ay kamumuhian mo ako Sadia. Handa na ako para doon, pero isa lang hihilingin ko sa'yo. Huwag mong ipag kait sa akin na mahalin ka. Dahil ang pag mamahal ko sa'yo ay totoo at walang halong kasinungalingan. Ang mga iponapakita ko sa'yo ay totoo.” Malungkot na turan ni Florian. Nanatiling tahimik si Sadia walang salitang gustong lumabas sa bibig niya. “Kung anuman ang mga nalaman mo mula sa papa mo na tungkol sa akin. Lahat ng mga sinabi niya sa'yo ay totoo. Isa akong kriminal Sadia pumapatay ako ng tao, ang negosyong ito ako ang namamalakad nito.” Ilang beses umiling si Sadia at tumitig kay Florian. “Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo o, sa mga sinabi ni papa. Ang paniniwalaan ko ay yung mga nakikita ng mga mata ko, at ng nararamdama ko. Alam ko mabuti kang tao, hindi ka masama nararamdaman ko iyon Florian. Nararamdaman iyon ng puso ko Florian.” Naluluhang wika ni Sadia. Hindi maiwasan ni Florian ang mabigla, dahil sa mga sinabi ni Sadia. Bakit ganito, sa halip na matakot ang babae sa kanya at kamuhian siya. Bakit parang walang pakialam ang babae sa mga nalaman nito tungkol sa kanya. “Kahit patayin ko ang lalaking ito sa harapan mo hindi ka parin ba matatakot sa akin Sadia? Mamahalin mo pa kaya ako kapag pinatay ko ang lalaking ito?” Lumapit si Sadia sa lalaki at hinaplos ang pisngi ni Florian. “Alam kong hindi mo kayang gawin ang bagay na iyan. Mabuting tao ka Florian hindi ka kriminal.” Wika ng babae. “Kaya kong pumatay Sadia, panoorin mo ito.” Hinugot ni Florian ang baril na nakasuksok sa likod ng pantalon niya at tinutok sa lalaki. Tinutok niya ito sa lalaki at walang habas na binaril sa ulo. Napasigaw si Sadia sa sobrang gulat. Nanginginig ang dalawang kamay ni Sadia ng makita ang pag agos ng dugo mula sa noo ng lalaki. “Now tell me Sadia, do you still love me?” Dahan-dahan napaatras ang babae at tumalikod at tumakbo palabas ng kuwarto. Naninikip ang dibdib ni Sadia napasandal siya sa dingding at umiyak ng umiyak. Nang hihina ang kanyang mag kabilang tuhod. Si Florian ay naiwan mag-isa humigpit ang pag kakahawak niya sa kanyang baril. Inaasahan niya na ito na ganun ang magiging rekasiyon ng dalaga. Dahil sa putok ng baril na narinig niya kanina doon sa kuwartong pinag mulan niya. Ngayon lang luminaw sa kanyang isipan ang nangyari sa beach resort ni Florian doon sa palawan. Ang mga lalaking muntik ng bumaboy sa kanya noon ay pinatay ni Florian. Hindi man niya nakita sa akto pero, lahat ng mga lalaking iyon ay naka bulagta na at wala ng mga buhay. Ngayon naiintindihan niya na ang kanyang ama kung bakit pilit siyang inilalayo nito sa mga Deogracia. Sa mata ng ibang tao masasama at mga kriminal ang mga Deogracia. Pero hindi iyon basihan para husgahan ang mga Deogracia lalo na si Florian, dahil lang nakapatay ito. Yung mga lalaking gustong bumaboy sa kanya noon napatay ito ni Florian dahil masasama ang mga ito. Matagal niyang nakasama si Florian noon at ang pamilya nito. Niminsan ay hindi siya pinakitaan ng masama ng mga ito. “Sadia,” boses ni Dante. “Kuya Dante, bakit? Bakit nagagawang pumatay ni Florian ng tao?” “Bakit hindi ka bumalik doon at sakanya mo itanong yan.” wika ni Dante. “Natatakot ako," “Natatakot ka? Saan ka natatakot kay boss Florian? O, sa mga maririnig mo mula sa kanya? Ito lang ang masasabi ko sa'yo Sadia. Mababait ang mga Deogracia, oo pumupatay sila pero ang mga pinapatay nila yung mga taong hindi na pwedeng mabuhay sa mundong ito. Sa tagal ko ng nag tatrabaho sa kanila, kilala ko na ang mga ugali ng mga Deogracia. Mukha lang silang malalakas pero,,, may kahinaan din sila Sadia.” Saad ni Dante. “May batas tayong pinapairal, bakit hindi nila sa batas ibigay ang hatol. Bakit sila mismo ang pumapatay? May mga pulis na pwedeng gumawa noon.” “Hindi ganoon kadali Sadia, minsan ang batas din ang pomoprotekta sa mga taong iyon. Hindi ko sa nilalahat pero ang batas ngayon ay nabibili na ng pera. Hindi biro ang kalaban mayayaman at may mga proteksiyon sa taas ang mga taong kalaban ng mga Deogracia.” “Bumalik ka kay Florian huwag mong hahayaan mawala ang pag mamahal mo, dahil lang sa mga nakita mo ngayon.” Dagdag ni Dante. Nag lakad na ang lalaki papalayo. Si Sadia naman ay napatingin sa dulo ng pasilyo kung nasaan ang pintong kaninang pinanggalingan niya. Kaya niya bang harapin si Florian? Humakbang ang paa ni Sadia hindi niya namalayan pabalik na pala siya sa silid kung nasaan si Florian. Pag pasok niya sa loob nadatnan niya si Florian na nakayuko at naka salampak sa sahig habang hawak ang baril. Nag lakad siya papalapit sa lalaki at lumuhod sa harapan ni Florian. “Fkorian,” tumingala ang lalaki. Basa ang pilikmata ng lalaki halatang umiyak ito. “You're back,” masayang turan ni Florian pero muling lumungkot ang mukha ng lalaki. “Bakit ka pa bumalik dito dapat umalis kana.” Wika ni Florian. “Bakit naman ako aalis, mahal kita Florian. Wala akong pakialam kung anoman ang nakaraan mo. Wala akong pakialam kung ano ang negosyo ng pamilya mo. Ang mahalaga lang naman sa akin ang makasama ka habang buhay, ang alagaan ka at mahalin.” Labis ang kasayahang nararamdaman ni Florian. Hindi nga siya nag kamali sa babaeng pinili at minahal. “Pero masama akong tao Sadia masama ang imahe ng pamilya namin. Bakit mo ako mamahalin at ipag lalaban sa pamilya mo kung ganito ako. Wala akong maipag mamalaki sa'yo Sadia, isa akong masamang tao, hindi na iyon mawawala sa pag katao ko. Habang buhay kong dadalhin ang mabibigat na kasalanan ko.” Inikot ni Sadia ang paningin sa loob ng silid may nakita siyang isang malaking salamin na naka dikit sa dingding ng kuwarto. Tumitig siya kay Florian at sabay tinuro ang salamin. Pinatayo niya ang lalaki at sabay silang dalawa lumapit sa harapan ng salamin. “Nakikita mo ba ang sarili mo Florian. Hindi ko man alam kung bakit mo ginagawa ang bagay na ito pero alam ko na mabuti ang intinsiyon mo. Pag masdan mo ng maigi ang iyong repleksiyon sa salamin. Yan ba, iyan bang taong iyan ang tinatawag mong masama. Na walang ginawa kundi mag mahal at gumawa ng mabuti sa kapwa. Lahat tayo Florian may repleksiyon ng kasalanan, lahat tayo nakakagawa ng kamalian sa buhay natin. Walang perpekto sa mundong ito, kaya huwag mong tatawaging masama ang sarili mo. Kasi ibang ang nakikita ng mga mata ko, ibang nararamdaman ng puso ko. Mabuting tao ka Florian. Ang importante lang naman ay marunong tayong magsisi sa mga kasalanan na nagawa natin. At marunong tayong tumanggap ng pag kakamali.” “I love you Sadia, thank you for coming into my life.” Mahigpit na niyakap ni Florian ang babae. “Napaka swerte ko at ikaw ang babaeng kasama ko ngayon.” “Mahal na mahal din kita Florian. Hindi mag babago ang pag tingin ko sa'yo, dahil sa pagiging tapat mo lalo pa kitang minahal.” Nasa rooftop ng gusali ngayon sila Sadia at Florian at mag kayakap habang pinapanood ang mga bituin sa langit. “Ang gaganda ng mga bituin sa langit no,” nakangiting wika ni Sadia. “Yeah, ang ganda ang ganda.” Sambit ni Florian. Pero ang mata nito ay nakatuon sa mukha ni Sadia. Bumaling si Sadia kay Florian biglang nakaramdam ng pag kailang ang babae. “Bakit ba ganito makatitig ang lalaking ito, makalaglag panty.” Anang ni Sadia sa kanyang isipan. “Hindi ka naman sa bituin nakatitig e,” sambit ni Sadia at tinakpan ng kanyang dalawang palad ang mga mata ni Florian. “Hey, bakit mo ba tinatakpan ang mga mata ko hindi ko tuloy makita ang magandang tanawin.” Natatawang wika ni Florian. Hinuli ng lalaki ang dalawang kamay ni Sadia. Nag katitigan ang dalawa, pero unang umiwas ng tingin si Sadia. Hindi niya talaga kayang makipag titigan sa mapupungay na mata ng lakaki. “Hey,,, look at me baby.” pangungulit ni Florian sa babae. “Ayoko nga nakakatunaw ka tumitig e, pwede ba tanggalin mo nalang yang mga mata mo.” Turan ni Sadia. “Aba,, iyan ang hindi pwede baka mamaya may ibang lumandi pa sa'yo, hindi ko pa makita. Ako lang ang pwedeng lumandi sa'yo.” Bigkas ni Florian at mabilis na hinalikam si Sadia sa labi smack lang naman pero nabigla si Sadia hindi siya ready. “Ang landi mo talaga.” sambit ni Sadia at sabay tapik sa braso ni Florian. “Sa'yo lang naman ako malandi.” Dagdag ni Florian. Napatingin si Florian sa wrist watch niya. “It's already 1:00 am in the morning gusto mo nabang umuwi sainyo?” Umiling si Sadia. “Gusto kong sulitin ang oras na mag kasama tayo. Pwede mo ba akong dalhin sa mansion mo, gusto kong uminom at mag saya kasama ka.” “Are you sure? Mukhang nahihiligan mo ng uminom ng alak.” Wika ni Florian. “C'mon pagbigyan mo na ako Florian minsan lang naman, at isa pa ikaw naman ang kasama ko.” Nakangusong saad ni Sadia at nag pa cute pa.” “Fine.” Mabilis ang naging byahe ng dalawa patungo sa mansion ni Florian. “Pag karating nila sa mansion ay wala silang sinayang na oras. Nag inom ang dalawa nag pa music pa ang dalawa. Buti nalang ay linggo ngayon wala ang katulong ni Florian. Kaya solo nila ang buong mansion. Nasa minnie bar sila ngayon dito sa underground ng mansion ni Florian. Naririto rin naka puwesto ang billiards at ibang pinag kakalibangan ng lalaki. Medyo tipsy na si Sadia marami na kasi ang nainom nito. Maliban kay Florian na hindi pa lasing control niya kasi ang pag inom. Hindi niya mapigilan ang babae na huwag uminom ng marami. Kapag sinasaway niya ito ay nag mamaktol na parang bata. Hindi parin talaga nawawala ang pagiging isip bata ni Sadia naroon parin ang pagiging inosente nito. At dahil lasing na si Sadia ay nawawala na ito sa kanyang sarili. Ang kaninang kumakanta lang ngayon ay sinasabayan na ng pag sayaw. Dahil medyo hapit sa katawan ni Sadia ang dress na suot nito ay hindi maiwasan ni Florian mapatitig sa katawan ng babae. Lalong pa itong nagiging kaakit-akit sa kanyang paningin dahil sumasayaw ito at ang sexy nitong gumiling. “Taint me,,, tease me..” Pag sabay ni Sadia sa lyrics ng kanta. Si Florian ay nakatitig lang sa babae at pinag mamasdan ito. Talagang napa kulit talaga ng babae sa tuwing lasing ito. Bumaling si Sadia kay Florian at nag lakad papalapit sa lalaki kung saan ito naka upo. Napakunot ang noo ni Florian kakaiba kasi ang mga ngiti ni Sadia sabayan ng pag ngisi nito. Namumungay na ang mga mata ni Sadia. Nanigas ang buong katawan ni Florian ng hawakan bigla ni Sadia ang nasa pagitan ng mga hita nita. Bigla tuloy nag init ang buong pakiramdam niya. “I would like to play with you, i want you to inside me.” Malamyos na sabi ni Sadia at bahagyang inilapit ang labi sa labi ni Florian. Inilapit ni Sadia ang kanyang labi sa tainga ni Florian at hinalikhalikan ito. “S--sadia l--lasing kana, mag pahinga kana matulog na tayo.” Nag kakanda-utal-utal si Florian sa pananalita. “Tinatangihan mo ba ako, Ahmnn,,? I want you Florian. Please pag bigyan mo na ako.” Nag tagis ang bagang ni Florian matatangihan niya ba ang babaeng ito. At isa pa miss na miss niya na ito. Namiss niya na itong makasiping sa kama. Noong nakaraang lasing kasi ito ay sumuka ito kaya naman hinubaran niya ito ng saplot. Pero hindi niya ito ginalaw dahil lasing ito. “Please,, i'm wet baby,,,” malanding usal ni Sadia. Nabigla si Florian sa sinabi ni Sadia. Unti-unting binababa ni Sadia ang manipis na strap ng dress na suot niya. At tuluyang hinubad ito bumagsak ang dress sa marmol na sahig. Ang tanging natirang saplot ni Sadia ay ang strapless bra at panty. “C'mon i'm waiting,” usal ni Sadia at sabay kagat ng pang ibabang labi nito. “Sh**t hindi ko na kaya pang pigilan ito.” Anas ni Florian. Agad tumayo si Florian at lumapit kay Sadia. Kinabig niya sa baywang ang babae at siniil ng nag aalab na halik. Tinugunan naman ito ng babae mahigpit na napakapit si Sadia sa batok ni Florian. “Ummn,,,” ungol ng lalaki. “Damn i missed you Sadia!” Usal ni Florian ng humiwalay sa labi ni Sadia at muling siniil ng halik ang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD