CHAPTER THREE -  True love’s kiss

1990 Words
Jacintha “Anong date? ‘Di pa nga ako pumapayag,” angal ko at naglakad papunta sa kabilang direksyon. Kinuha ko ang ice box mula kay Didang. “Dadalhin ba ito sa resort?” “Oo. Huli iyan na lobster ni Tatay. Dumating kanina lang. Request daw ng guest.” “Aba! Mukhang yayamanin ang bisita sa resort.” Isang mangingisda ang tatay ni Didang. Panganay siya apat na magkakapatid kaya kailangan din niyang maagang magtrabaho para matulungan ang pamilya.  May sampung minuto pa ang kailangang lakarin papunta sa La Playa Resort, ang pinakabagong resort sa bayan. Doon din naman ang direksyon ng punta namin dahil may mga nakaabang na tricycle namaghahatid sa amin sa bayan at nang makaangkat ng mga paninda. Panutsa, bukayo, at espasol ang madalas naming itinda. Minsan naman ay buko pie pag kaya pa naming magbitbit. Sinasamantala namin ang dagsa ng turista sa lugar. Salamat sa social media at mga nagsu-shooting na pelikula at teleserye, parami nang parami ang namamasyal sa lugar namin.  “Bakit nga ba ‘di mo i-date si Kirby?” tanong ng kaibigan  Nakaawang ang labi ko nang lingunin si Didang. “Tinatanong mo pa talaga kung bakit ayoko siyang i-date?” “Alam ko na may pagka-lampa siya noong bata pa pero naka-get over naman siya doon. Saka guwapo si Kirby. ‘Di nga niya pinapansin ibang may crush sa kanya dahil sa iyo. May kaya naman siya. Pinakamaganda naman ang bahay niya sa purok natin. Nasa abroad ang tatay. Mukhang boto sa iyo ang nanay niya at susuportahan ka ni Kirby. Pa-relax-relax ka na lang kapag iyon ang boyfriend mo. ‘Di mo na kailangang magtinda-tinda at magmakaawa sa mga turista habang bilad sa init ng araw para lang magkapera.” “Didang, baka nakakalimutan mo na pinagpaguran iyon ng magulang niya at si Kirby nakaasa pa rin sa kanila. Ano ba ang aasahan mo kay Kirby? Tamad mag-aral, puro computer games ang hilig at inaabot pa ng madaling-araw sa mga barkada. Hindi ganyan ang buhay na gusto ko. Kapag nawala ang kayamanan ng magulang niya, paano na siya? Ako ang magtatrabaho para sa kanya. Ano’ng kaibahan no’n sa buhay ko ngayon? Parang ‘di rin ako makakaahon sa hirap.” “Ang layo ng narating ng isip mo. Nando’n ka na agad sa ikaw ang magtatrabho para sa kanya. Advance ka mag-isip. Mga bata pa naman tayo. Baka magbago pa iyan. Siyempre ine-enjoy pa niya ang pagiging teenager niya.” “Nakupo! Hindi ko na hihintayin na magbago siya. Tapos ia-adjust ko pa ang sarili ko para pasayahin siya at mga kaibigan niya. Okay na ako na pinoproblema ko saan ako kukuha ng pera. Mas masakit sa ulo na sunud-sunuran ako sa kanya at siya naman utu-uto sa mga tropa niya.”  Napakamot na lang sa ulo si Didang. “Ewan ko lang. Pwede naman akong maging sunud-sunuran sa boyfriend ko na mas angat basta magaan ang buhay ko at may pera. Ikaw lang ata ang narinig ko na okay lang mahirapan na magtrabaho at inuuna ang pride. Poor na nga tayo.” “Iba pa rin kapag sarili mong pinaghirapan. Masaya ako na unti-unti kong natutupad ang mga pangarap ko dahil sa sarili kong pagsisikap.” Ayokong matulad sa nanay ko. Nagka-boyfriend ng mayaman at tinrato itong parang prinsesa. Nakakapag-date ito sa mamahaling restaurant at resort. Nakakasama ito sa mga party na dinadaluhan pa ng mga artista at sikat na tao pero iniwan din siya ng tatay ko. Naiwang nganga at brokenhearted. Walang fairy tale. Umuwing luhaan si Cinderella. “Basta ako kapag may mayamang turista na napadpad dito at magkagusto sa akin, ‘di ko na pakakawalan. Gusto ko nang makaahon sa hirap.” Nakatingala ito at parang nangangarap habang naglalakad sa harap ko. Nagulat na lang ako nang bigla itong mapasigaw at muntik mangudngod. “Ay, tikbalang na panot! Ano ba naman itong haharang-harang…” Nanlaki ang mata ko nang ilawan ng flashlight ang direksyon ni Didang at na kita ang isang katawang nakahilata sa buhanginan. “Hala ka, Didang! Tao ang natisod mo!” sabi ko sa kaibigan habang nanlalaki ang mata.  “T-Tao? T-Tao? T-Tao ba iyan?” tanong nito at dahan-dahang lumingon sa likuran nito habang nakatukod ang isang kamay sa buhangin.  Isang tili na naman ang kumawala sa bibig nito na halos ikatulig ko. Mabuti na lang at malayo kami sa bahayan dahil private area na ng resort ang bahaging iyon at walang katabing mga bahay, kung hindi, baka nagising na nito ang buong baranggay.  Sa kabila ng tili ni Didang, ‘di pa rin natinag ang nakahandusay na katawan. “Cintha, hindi na siya gumagalaw. Patay na yata. A-Ako ba ang pumatay?” At nagpapalahaw nito. “Wala po akong kasalanan! Inosente ako!” “Sira! Patay na agad, natisod mo lang? Tigil-tigilan mo nga kanonood ng teleserye. OA mo.”  Hindi ko naman masisisi si Didang. Normal na sa kaibigan ang mag-panic sa mga simpleng bagay. Konting gurlis nga lang sa balat iniiyakan na niya. ‘Di ko naman siya masisisi kung matakot. Paano nga naman kung may masamang nangyari sa natisod nito at dito pa maisisi?   Lumuhod ako at inilawan ang tao para mapagmasdang mabuti. Lalaki ito, matangkad at may kahabaan ang buhok na hanggang balikat halos.. Nang ilawan ko ang mukha nito, saglit akong natigagal dahil maamo iyon.  Mistulang puso ang hugis ng mukha nito. May arko ang kilay nito na karaniwan ay pambabae. Matangos ang ilong nito habang manipis naman ang labi nito at pouty. Mapusyaw ang balat nito at mukhang makinis. Parang anak-mayaman. Animo’y natutulog ito na anghel. Pwede ko ngang pagkamalan na babae kung hindi lang sa Adam’s apple nito. Sa palagay ko ay ‘di ito nalalayo ng edad sa amin. Nakasuot ito ng denim na jacket at khaki shorts.  Sayang naman kung sumama agad sa liwanag. Ipinilig ko ang ulo. Nahahawa na ako sa kapraningan ni Didang.  Itinapat ko ang daliri sa ilong ng lalaki para pakiramdaman kung humihinga pa ito pero tinabig ni Didang ang kamay ko. “Huwag mong hawakan. Baka ikaw ang mapagbintangang pumatay.” Tumayo ito. “Tumawag na lang tayo ng SOCO saka si Gus Abelgas. Crime scene na ito.” “Kumalma ka nga diyan. Titingnan ko pa kung humihinga. Hawakan mo itong flashlight.” At inabot ako ang flashlight dito.  Lumapit ito sa akin at nanginginig na kinuha ang flashlight. Parang naririnig pa nga niya ito na nagdadasal. Pumikit pa ito nang itinutok ang flashlight sa amin ng lalaki. Takot ito sa patay at ‘di man lang tumitingin sa kabaong pag dumadalaw kami sa burol. “Sabihin mo sa akin kapag buhay, ha?” “Oo,” sagot ko naman at itinapat ang kamay sa ilong at bibig ng lalaki. May mainit na hangin naman doon. Humihinga pa ito. Kailangan po pa ring makatiyak na okay ito dahil natisod ito ni Didang kanina. Tinapik ko ang braso ng lalaki. “Sir, gising na po kayo.” Malay ko ba kung malala pala ang tama nito. Hindi pa rin natinag ang lalaki. “Buhay ba siya?” tanong ni Didang at idinilat ang isang mata. “Oo pero ayaw naman gumising.” Inilapit ko ang mukha dito at naamoy ko na amoy alak ito. “Nakupo! Lasing ata. Kaya siguro kung saan na lang abutan ng tulog.” Suminghap ang kaibigan nang mapagmasdan ang lalaki. Natutop nito ang bibig saka nagpapadyak at wari’y kinikilig. “Ang gwapo naman nito. Parang anghel na bumaba sa lupa. Pwede ko bang i-mouth to mouth para magising?” “Huwag ka ngang mapagsamantala diyan. Aga-aga gusto nang humarot. Gusto mo ng mouth to mouth pero kanina nagpapatawag ka ng SOCO at Gus Abelgas. Saka ‘di niya kailangan ng mouth to mouth iyan. Buhay naman.” Kung may diperensya man ang lalaki, hindi artificial resuscitation ang kailangan nito. Wari ko kailangan nito ng mainit-init na kapeng barako para matauhan.  “Sige. True love’s kiss na lang,” anang si Didang at pinahaba ang nguso.  Inilapit nito ang mukha sa lalaki at akmang hahalikan ito pero itinulak niya palayo bago pa mahalikan ang lalaki. "Magtigil ka nga. Baka maipa-baranggay ka pa. Nakakahiya!" “Chance ko na sana. Siya na ang hinihiling ko sa langit para sa akin." Pinagsalikop nito ang mga palad. "Bisita siguro sa resort.” “Bakit ba hindi siya tiningnan man lang ng mga security. Pambihira! Iinom-inom tapos hinahayaan nilang kung saan-saan gumala. E kung malunod iyan?”  Bagama’t bahagi pa rin ng resort bilang private beach, may sampung minuto pa ang lalakarin. Ni walang mat man lang ang lalaki na dala at doon na lang humilata sa beach. Saka kahit pa sabihin na private resort iyon, maari pa rin makapasok ang mga estranghero sa lugar. Mababait naman ang mga tao sa lugar namin pero ‘di ko lang alam kung may maligaw na masasamang loob. Katulad ni Didang na may masamang balak. Umungol ang lalaki. “So noisy. I still want to sleep.” Tinapik niya ang lalaki sa balikat. “Excuse me, Sir. Gising na po kayo. May masakit ba sa iyo?” “Hmmm…” anang lalaki at bumiling lang ng higa. “My side hurts.” Hinaplos nito ang tagiliran. Doon siguro ito tinamaan kanina. Dumilat ito at tumingin kay Didang. “W-Who are you?” At pilit nitong idinilat ang mata. “What do you want from me?” Napaurong ang kaibigan. “Ay, Englisher!" Nahihiya itong kumaway. "H-Hi. I…" "Sabihin mo natapakan mo siya kasi hahara-hara siya sa dadaanan mo," sabi ko naman. Bumuka ang bibig ni Didang. "I-I'm… ahhh… I'm sareeeeh! My friend will talk to you. She is the best Englisher in our class." “Bakit ako?” tanong ko at napaturo sa sarili.  “Kaya mo na iyan, friend. Nandito lang ako para maghawak ng flashlight at suportahan ka. Pakisabi na lang ‘di ko sinasadya na natapakan ko siya. Nakabakasyon na English ko,” nakangising sabi ni Didang at nag-peace sign.  Nilakihan niya ng mata ang kaibigan. Kasalanan nito kung bakit nasaktan ang lalaki tapos ako ang mano-nosebleed. Wala akong magagawa kundi maging interpreter ni Pogi. “I’m sorry. My friend accidentally stepped on you. It’s dark here and she didn’t notice you. Do you stay at the resort? Why are you sleeping by the beach?” “I…” Tumingin ang lalaki sa direksyon ko at naningkit ang mga mata habang tinititigan ako. ‘Di naglaon ay namungay ang mga mata nito at ngumiti. “I’m hoping to see you again, Dara. I asked the stars to bring you back. I’m happy that you're here. They granted my wish.”  “Dara?” Luminga ako sa paligid at hinanap kung may nakikita ito na ‘di ko nakikita. Sinong Dara?  Inangat niya ang kamay para haplusin ang mukha ko. “You are Dara.” Inilayo ko ang mukha at pinigilan ang kamay ng lalaki. “Oy! Oy! No touching!”  Subalit wala itong naintindihan dahil hinila niya kinabig niya ang kamay na hawak ko dahilan para masubsob ako. Akmang babangon ako pero niyakap niya ako. “Please don’t leave me, Dara. Life is hell without you.” Nanigas ang katawan ko dahil hindi ko iyon inaasahan. Ngayon lang may yumakap sa akin na lalaki at isang estranghero pa. “Sir, bitawan mo ako.” Sinubukan kong kumawala at alisin ang pagkakapulupot nito lalo lang humigpit ang pagkakayakap sa akin. “Dara,” usal nito. “Dara.”  “Sino bang Dara? Sandara Park? Hindi ako ‘yon.” Hindi naman ako mukhang Koreanang K-pop artist. Ang layo naman ng itsura namin kutis pa lang. Sinubukang tampalin ng malayang kamay ko ang braso nito kahit magkandapili-pilipit. “Sir, pakawalan n’yo na ako.” “No!” Paano ba ako makakawala dito? Naalala ko si Didang.  Nang tumingala ako, nakahalukipkip lang ang kaibigan ko, nakabusangot at masama ang tingin sa akin. “Grabe siya! Nag-e-enjoy ka ata diyan.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD