Cintha Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis na sa wakas si Timothy nang hindi ibinubuko ang presensiya ko kay Madam Eleonor. “Ate, pwede na ba tayong umalis?” tanong ni Jonard. “Hindi pa pwede. Baka nandiyan pa sila,” usal ko at sumilip kung nasaan na si Timothy. Nakita ko na kausap niya sina Eloisa at Madam Eleonor. Mukhang kinukumbinsi niya ang huli na umalis na. “Maya-maya na tayo umalis. Mga five minutes.” "Ate, sino ba 'yon?" tanong ni Jonard. "Best friend ng kapatid ko. Inaanak ng may-ari ng resort,” sagot ko naman. “Baka mamaya ituro pa niya na nandito tayo. Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan iyon?” tanong ni Tiya Mira na diskumpiyado ang anyo. “Mabait po siya, Tiya. Saka kung ibubuko po niya tayo kay Madam Eleonor, sana sinabi na niya agad na nandito po tayo,” paliwanag

