CINTHA Naumid ako at hindi alam ang isasagot kay Timothy. Hindi ko inaasahan na kusa siyang hihingi ng tawad sa akin. Gusto ko na nga lang palampasin at huwag ipaalam sa binata dahil hindi ko rin alam ang dapat sabihin. Kaso paladesisyon si Didang at sinabi na pala sa binata ang nangyari. Binigyan ko ng matiim na tingin si Didang. Wala man lang itong pasintabi sa akin na sasabihin niya ang nangyari kay Timothy. Pero nginitian lang ako ng bruha at nag-peace sign. "Nag-sorry kasi ako sa kanya dahil natisod ko siya at nakwento ko na rin tuloy na niyakap ka niya at tinawag na Dara.” “A-Ano… huwag mong isipin na gusto ko ‘yon kaya ‘di ako makawala,” defensive ko agad na sabi. “Para ka kasing octopus…” “Of course, I will never think that it is something that you will enjoy. I didn’t mean to

