Cintha Dara. Sino na naman si Dara? Nagpalinga-linga ako sa paligid para malaman kung sino si Dara at bakit basta na lang napapasok sa usapan. Kanina pa ‘yang Dara na iyan. Parang langaw na kung saan-saan ako sinusundan. Masyado naman sikat. Kami lang naman ang magkausap ni Maldita doon. Ako lang ang sinigawan niya. Kaya sino ba si Dara na tinutukoy ni Madam? Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Madam. “Dara, anak! Are you okay? Hindi ka ba natakot na nasigawan ni Eloise?” “M-Madam, s-sandali lang po!” angal ko at tinapik ang balikat ng babae. Hindi niya ako pinansin at lalong humigpit ang yakap sa akin. Sinubukang kumawala pero ‘di ko magawa. Dara na naman? Pangalawang beses na sa araw na ito na may yumakap sa aking estranghero at tinawag akong Dara. Napaka-weird ng araw na ito

