“NO! That's not true!” Hindi maiwasan ni Mekylla ang mapasigaw sa kanyang narinig. Pakiramdam niya ay may pumipiga sa puso niya at napakasakit niyon. Her heart has already been hurt too much. She doesn't want another heartache to keep her heart from being fully burnt. But after what she heard parang tinapunan siya ng isang dosenang bomba. Narinig niya ang hikbi ni Tita Tella niya. Nang tingnan siya nito ay puno ng luha ang mga mata nito. “Sana nga ay hindi totoo ang lahat ng ito. Kahit ako ay ayaw paniwalaan ang lahat.” Umiling-iling siya hanggang sa mapahikbi siya. Hindi siya naniniwala. Anak siya ng magulang niya. Sila ang totoo niyang magulang. “Viona and Miguel have a daughter pero namatay ito dahil sa malubhang sakit. Nasa Isla Berde pa kami no'n nang mangyari iyon. Malaki ang n

