“FLOWER, wake up!” Isang pagyugyog sa balikat ni Mekylla ang nagpagising sa kanya. Inaantok na nagmulat siya ng mata. Napasimangot ng tumambad sa kanya ang mukha ni Hieven na nakangiti na sa kanya. Kay aga-aga naninira nang tulog ng iba. Itinaas niya ang kamay sa mukha nito at itinulak ito papalayo. “Hon, huwag mo akong istorbuhin. Inaantok pa ako eh.” Nagtalukbong siya ng kumot pagkatapos ipikit ang mga mata. “Magsisimba tayo 'di ba?” “Hmm mamaya na— Ano? Bakit ngayon mo lang ako ginising? Waah!” Mabilis siyang tumayo mula sa kanyang kama at tumakbo patungo sa kanyang closet. Dumampot siya nang isang kulay itim na dress at panloob niya. Dumeretso siya sa banyo saka ginawa ang morning routine niya. “Kanina pa kita ginigising pero tulog mantika ka.” “Hmp! Umuwi na ba ang mga baliw

