NANG gumabi na lalo ay naisipan na nilang umuwi. Ang mga lalaking kaibigan naman nila ay nanatili doon upang sumayaw. May disco nga daw eh. “Anong oras ang fireworks?” tanong ni Jelai na nangangalamuta na dahil sa antok. Nakaalalay ang boyfriend nito sa kanya. “Brelln said mga mamayang eleven daw eh.” Si Ellaine ang sumagot. “Brelln na naman.” Rinig ni Mekylla ang bulong na iyon ni Jedrix dahil magkatabi lang sila. “May sinasabi ka ba?” Ellaine asked with her masungit voice. “Wala.” Kumapit siya sa braso ni Hieven. Tumunghay naman ito sa kanya at nginitian siya. Humilig siya sa balikat nito. Mukhang pipikit na ang mga mata niya. Inaantok na talaga siya. Mukhang hindi na niya mahihimatay ang fireworks. “Antok na ako, Hon,” mahinang wika niya. Tumigil ito sa paglalakad kaya tumigil

