HINDI alam ni Mekylla kung anong gagawin niya sa araw na iyon. Wala naman siyang pasok para doon ibuhos lahat ng kanyang atensiyon. She's trying to move on. She do everything para lang na makalimutan ang binata. Isang buwan na ba ang nakakalipas ng umalis ito? Isang buwan na din siyang nagpapanggap na okay sa harap ng lahat. Ayaw niyang mag-alala pa ang mga ito sa kanya. Pero isang buwan na din niyang kinikimkim ang lahat ng sakit. Gabi-gabi, dinadalaw siya ng mga alala nila ni Hieven. Every time she remembered him ay nawawalan siya ng lakas, nawawalan siya ng pag-asa, paran nabasag lahat ng masasayang alaala niya kasama ito. "Hindi mo pa rin ginagalaw ang pagkain mo?" Pumasok si Ellaine sa kwarto kung saan siya natutulog. Nasa bahay siya nito. Two weeks lang ay napagdesisyunan nina

