PAGKATAPOS kumain nilang tatlo ay dinala ni Mekylla ang mga pinagkainan sa kusina saka siya naghabilin kay Hieven na bantayan muna si Shenay dahil pupuntahan niya ang anim sa kubo. “Just make it fast. Bumalik ka kaagad," he said. Wala siyang magawa kundi ang tumango dito. Hindi niya alam kung bakit gano'n na lamang ang mga pinagsasabi ni Hieven. Hindi na lamang siya umangal pa dito dahil paniguradong hindi ito magpapatalo. Kahit na kahapon pa lamang silang nagkakilala ay parang kilala na niya ito agad. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon na lamang kadali sa kanyang mapasunod nito. “Tapos na ba kayo?” tanong niya agad pagkapasok sa loob ng kubo. Napailing siya ng makitang hawak pa din ng mga ito sa kani-kanilang plato. Mabuti na lang talaga at marami ang kanyang ni

