DAYS turn to WEEK. Isang linggo nang nananatili si Hieven sa bahay ni Mekylla. Sa loob ng isang linggo na iyon ay wala pa ding maalala ang binata. Kahit anong pilit nito ay nabibigo lamang ito ngunit hindi nawawalan ng pag-asa si Hieven na makaalala. "Can I come?" seryosong tanong nito sa kanya ng makitang nag-aayos siya. Napatingin naman siya dito. Nakita niyang nakatitig ito sa kanya habang nagsusuklay. Nagkatitigan pa sila sa salamin. Umiling siya nang mapagtanto ang sinabi nito. Bahagya pa siyang ngumuso dito. "Hindi pwede." "Why?" Lumapit ito sa kanya kaya hindi niya maiwasang kabahan ng slight. Kinuha nito ang suklay mula sa kamay niya at ito ang nagsuklay sa kanya. Hindi niya inaasahan. Ilang araw na itong ganito sa kanya. Nagugulat na lang siya sa biglaang kilos nito. Hind

