SAMANTALA... sagap-buga ng hangin ang ginawa ni Emil upang pahupain ang nararamdamang inis. Sa halip na magpakita ng galit, naisip niyang lansihin at utuin ang dalagang isip bata. "Yuhooo Rita, nasaan ka na?! Wala kang kasama d'yan, a. 'Di ka ba natatakot? Huwag kang masyadong lalayo kase ... may mumu d'yan. Naku, baka nasa tabi mo na ang mumu. Baka nasa likod mo. Hayan na siya, kukunin ka na... kakainin ka naaaa!" pananakot niya habang sa loob ng utak ay patuloy na naglilimayon ang kalaswaan. "Ako na lang ang papapak sa'yo kaysa sa hayup na mumu na 'yan." "Huh!" aniya sabay paling ng mukha nang maramdamang may tumakbo sa bandang loob ng apartment. Muling kumawala sa kanyang mga labi ang tusong ngiti. "Orayt! Epektib ang pananakot mo, Emil. Ituloy mo na, at galingan mo pa. Ihanda mo na r

