HABANG NAGLALAKAD papasok sa loob ng paaralan ay halos murahin ni Sarhento Wenceslao ang sarili. Sa pangalawang pagkakataon ay natakasan na naman siya ng dalagang sa kabila ng lahat ay hindi pa rin niya magawang ituring na kalaban ng batas; kung bakit nais pa rin niyang may magawang tulong para ito ay mailigtas sa tiyak na madilim na kahahantungan. Bahagya niyang ipinilig ang ulo sa pagbabakasakaling maiwaglit ang tila panghihinayang na nakita sana ang dalagang hindi niya itinatangging pinananabikan. Muli nilang nilampasan ang mga gwardiyang nagtataka at nagtatanong hindi man magsalita. Wala na silang oras upang magpaliwanag. Masamang tingin ang ipinanghatid ng dalawang gwardiya sa mag-partner na papunta sa opisina ng principal. Hindi matapos ang panghuhula nila sa kung ano ang dahilan

