GAYA NG sinabi ng kanilang Hepe, sinimulan na nga ng magka-partner ang dapat ay noon pa nasimulan. Lahat ng impormasyong nakalap ng binata hinggil sa magkapatid na suspek ay pinagsama-sama nila at muling pinag-aralan. "Tawagan mo na si Kabo Magat, partner. Kailangan na siya dito. Kikilos na tayo sa lalong madaling panahon." "Okey, Sir." . Nang dumating ang pulis probinsiyang hinihintay, agad nilang pinag-usapan ang mga dapat gawin. Gulat na gulat ang Kabo nang malamang suspek din sa pagpatay ang kapatid ng gurong tinutugis. Ito man ay sandaling naguluhan sa nalaman. Bagaman hindi idinitalye ng binatang opisyal ang tungkol sa bagay na iyon, lumaki ang pag-asa nitong mahuhuli na rin sa wakas ang gurong matagal nang pinaghahanap. Dahil may hawak na itong warrant of arrest, pinagplanuhan

