CHAPTER 40 - Pakiusap ni Wenceslao

1436 Words

Pakiusap ni Wenceslao SA BAHAY NI Sarhento Wenceslao... "Ano?! Ulitin mo nga ang sinasabi mo, partner. Dalawang boteng beer pa lang ang naiinom ko pero parang nalasing agad ako. Palyado na ang tenga ko, namimingi na," gulat na gulat na tanong ni Kabo Duarte. Pagkatapos ng duty ay inaya siya ng kaibigang opisyal para makainuman. Agad naman siyang sumama. Kabisado na niya ang sarhentong kapartner. Sigurado siyang may gumugulo sa isip nito, at kapag may problema ay kailangan muna ang tulong ng alak para makapagsalita. Ang akala niya ay nakabuntis nga ito at magpapatulong sa kanya ng dapat gawin. Kaya laking gulat niya nang ipinagtapat nito ang tunay na dahilan, ang tungkol sa natagpuang suspek na hindi ipinaalam sa opisina. "Pasensiya ka na, partner. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD