REBECCA Ramos na mas kilala ng mga kapitbahay bilang Bexie. Tatlumpu't anim na taong gulang, dating entertainer sa Japan. Hindi kasal ngunit may kinakasamang nagngangalang Brian dela Cruz na dating miyembro ng isang banda na nakasama ng biktima sa pinapasukang club. Kasama nila sa bahay ang anak ng lalaki na si John Sid dela Cruz, sampung taong gulang. Nagtamo siya ng malalim na hiwa sa lalamunan na agad niyang ikinamatay. Tinatayang nasa pagitan ng alas tres hanggang alas singko ng madaling araw pinatay ang biktima dahil mainit-init pa ang katawan at sariwa pa ang dugo ng abutan namin siya. Ayon sa babaeng tagapagwalis na unang nakakita sa bangkay, nagwawalis na raw siya sa Ibaba mga pasado alas-singko nang mapansing nay nakasakay sa tricycle na nakaparada sa gilid ng daan. Ang akala raw

