-------- Sana masabi ko sa ‘yo ang lahat, Ipaalam kung ano ang nararapat… Pero paano ko ‘yon gagawin, Kung wala akong lakas ng loob na aminin? -------- Napatingin si Gladys sa may pintuan nang bumukas ito. Nasa loob siya ng pentsuite ni Liam at hinihintay ito. “Sorry kung mag-isa kang pumunta kahapon.” Agad na bungad sa kanya ni Liam nang makita siyang nakaupo sa couch. “I understand. Inayos ko na lahat.” Nakangiti niyang tugon. Nakaramdam siya ng awa dahil mukhang pagod na pagod ang kaibigan. Wala pa yata itong tulog mula nang iabiso ng mga bodyguards ni Laiza na nawawala ito. They were off to somewhere that time. Agad itong umalis at pinakiusapan siyang pumunta na lang muna mag-isa sa nakaplano nilang puntahan. She saw how mad and worried he was. Nag-alala talaga siya. He look

