(pov sandy)
"Ang tagal mo naman!" Sandy reklamo ni Maryel sa kanya,
"Sorry na libang kasi ako?! sa mga anghel at sa mga santo dito sa loob ng simbahan. sagot niya rito kapag kasi sinabi niya na nakita niya at na kausap Ang binatang Governor ay tuksohin naman siya ng mga ito ka nang Alibay na lamang siya na nalibang siya kakatingin pero totoo naman na nalibang siya. sa ganda nitong loob ng simbahan.
kapag kasi binangit at sinabi niya nakita ang binatang Governor tuksohin at kulitin naman Siya, kaya lihim na lamang siya humingi ng tawad sa panginoon dahil ng sinungaling siya sa mga ito.
"Oi bakla! tabi tayo wika niya kay Ivan naku Sandy masikip na rito kaya hindi kana pwede sa tabi namin sagot ni Ivan sa akin. kaya makiupo ka na lang sa unahan oh dagdag na turo pa nito na kinanguso pa ng bibig nito para ituro ang sinasabi nitong unahan na upuan.
Anong wala na? "Ehh Ang luwag pa nga d'yan sa pwesto ninyo kaya pwede pa ko makaupo, d'yan sa tabi mo. saad ko naman.
"Oh ayan wala na masikip na!" Wika nito sa akin na kina laki ng akin mata sa ginawa nito nilagyan lang naman nito ng bag ang dapat na mauupoan ko. haist napaka ano mo talaga. bakla ka.
kung wala lang sila sa loob ng simbahan Baka. Masambunotan niya Ang kaibigan, inirapan na lamang niya ito. saka tumingin sa may unahan ng kung med'yo maluwag pa ang upuan at apat lamang ang nakaupo roon.
Dalawang matanda isang Babae at lalaki mukhang mag asawa siguro nasa 70 plus na ang edad ng dalawa matanda. tapos ang katabi ng mga ito ay parang mga anak rin nila na huhulaan niya ay parang mag asawa na sa 50 plus naman siguro ang edad ng mga ito.
Wala siyang magawa kundi mag tanong sa mga na kaupo sa unahan. ng simbahan kung pwede siya makiupo sa mga ito, sa nakikita pa naman niya sa mga ito ay may sinasabi sa lipunan ang mga taong ito. basi pa lang sa mga kasuotan ng mga ito ay masasabi na niyang mayaman o may sinasabi sa lipunan. kung sa antas pa lang ng pananamit ng mga ito ay nakakaangat sa buhay, pero mukha naman mabait, ang mga ito nakikita ko sa dalawang matanda. ka tabi ng matandang babae ang lalaki katabi naman ng Asawa ng lalaki ang babae. kahit nasa 50 plus na ang dalawa mababakas pa rin ang taglay na kagwapuhan at kagandahan ng mga ito.
"Ahh ehh Excuse me!" po mga ma'am, sir napatingin sa kanya ang mga ito.
" Yes hija?! sagot na'ng ginang na kalapit noon lalaking med'yo may pag ka seryoso ang mukha,
Ang dalawang matanda naman ay nakatingin lang sa kanya, lihim siyang napalunok, sa mga tingin palang ng mga ito. waring kilala siya.at saka bakit parang kinakabahan. siya bulong niya sa kanyang sarili.
"Ahh tanong ko lang po?! Sana kung pwede po ako makiupo rito, tinuro niya sa may upoan na bakante maluwag sa katabi ng ginang.
Kung okie Lang po sa inyo na ka ngiti wika niya sa mga ito.
Luminga muna ang ginang na para bang may hinahanap ito pag katapos ay tumingin ulit sa akin. bago tumingin sa mga kasama na waring humihingi ng pag sang ayon. na kung papayag ba ang mga ito ang dalawang matanda at tumango lamang ngunit ang katabing lalaki ay seryoso lamang nakatingin sa kanya. ngunit na pansin niyang siniko ng ginang ang katabi nito. kaya na pa tangu na lamang. sige hija kasya pa naman tayo kahit umopo pa ang anak namin at kaibigan niya wika ng ginang sa kanya. at dumadami na rin ang mga tao rito sa loob ng simbahan. mahihirapan kana makaupo sa ibang. saad pa ng ginang sa kanya.
"Ahh maraming salamat po!" sa inyo balik na pasalamat niya sa mga ito. tumango lamang ang mga ito sa kanya.
" Nang makaupo, siya sa katabi ng ginang. ay tinanong agad nito ang pangalan niya.
" Hija! Ano ang pangalan mo tanong nito sa kanya.
AKO po si Sandy Lorenzo po ma'am wika niya rito.
"Ohh kita ni Sandy sa mata nito ang gulat pero. nawala rin bigla at lalo yata sumaya ang ginang. ng malaman nito ang pangalan niya.
"Naku! wag mo na ako tawagin ma'am, tita na Lang ang itawag mo sa akin. saad pa nito Ako nga pala si Margaret des Conde at ito naman Ang akin asawa Brando des Conde at sina Bernadette des Conde , Alejandro des Conde ang mga magulang. namin pag pakilala sa kanya ng ginang. ngumiti Siya sa mga ito.
"Teka po des Conde Po ba ang surname ninyo. bigla niyang na banggit sa mga ito.na pa kunot naman ang noo ng ginang sa kanya",
" Oo hija bakit? tanong nang ginang sa kanya.
Ahh ehh ka Anu-ano ninyo po si Bryan nahihiyang tanong niya rito. na patingin ang asawa nito sa kanya.
"A..na!!!,, Hindi natuloy ang sasabihin nang ginang sa kanya nang napatingin ito sa kanyang tabi.
Ramdam rin niyang may tumabi sa kanya at hindi siya maaring mag kamali sa pa bango palang nito alam na niya kung sino at idagdag pa ang bilis ng pintig ng puso niya kaya kahit hindi pa siya tumingin rito ay alam niya kung sino Ang katabi niya.
kaya pag lingon niya rito ay hindi nga siya nang kamali ang governor ang tumabi sa kanya kita niyang my gulat sa mga Mata nito pero saglit lamang at ngumiti sa kanya.Ang governor nag napakatamis na halos umaabot ang ngiti. nito sa tainga.
"Nang katitigan kami na parang, kami Lang ang tao. sa paligid at wala kami nariring kundi ang mga t***k ng puso namin na habang nakatingin sa mata nito lalo nag wawala ang akin puso, para gusto na lumabas, nito at nariring niya ang mga anghel na nang aawitan,, sa amin paligid.
Anghel wika niya sa isipan.
"Kapag tumibok ang puso, wala Ka nang magagawa kundi sundin Ito..
"Kapag tumibok ang puso lagot Ka na segoradong huli Ka,,"
"Sharam daram sharam daram.."
Naririning niyang awitin,, na nang pabalik ng kayang ulirat,at napakunot ang noo. niyang na patingin siya sa mga kaibigan. Akala niya anghel. ang kumakanta mga hudyo pala ang kumakanta bulong niya sa kanyang sarili sorry talaga lord wika pa niya makasalanan po ako today.
Oi sandy pwede ka naman tumulala d'yan pero wag naman tulo laway na kakahiya kay gov ohh, At wag masyado titingan baka matunaw na si Gov!! mapang asar na wika ni Maryel at Ivan. sa kanya.
at Sabay pang tumawa ang mga ito.
"Oi si Sandy mukhang kinamatesan na Ang mukha mo pulang Pula ohh pang Aalaska pa Nina Gladys. sa kanya.
Sinamaan niya ng tingin ang mga kaibigan niya.
Kung wala lang siguro kami sa loob ng simbahan baka. Mga pinag uunondog na niya ang mga ulo nito na asar na talaga siya. ngunit tinawanan lang siya ng mga kaibigan.
" Hijo andiyan ka na pala, wika nang ina ni Bryan,
Saka bakit ang tagal mo anak. tanong pa ng ginang sa Governor na katabi niya.
At mag kakilala pala kayo tanong pa ni Maam Margaret. sa anak.
"Opo ma" nang kita na po kami ni Sandy no'onng isang araw, sagot nito sa ina.
Saka nag kita ho kami ni Mayor montel kaya medyo na tagalan ako.dagdag na sagot pa nito sa Ina.
kapag nga sinuswerte ka ang naging katabi mo pa sa upuan mga magulang ng Binatang governor.wika niya sa isipan.
Mag sa salita pa sana ang ina nito nang mag salita na ang mangunguna sa Misa.
"Mag sisimula na po ang misa mag si Tayo po tayung lahat dining nila. Panimula at nang sisimula na nga ang misa!!
Nakita niyang nang lalakad na ang mga sakirstan at ang iba pang kasama ang huli ay ang Pari na mag mimisa. para sa araw na yun.
Nang patuloy Lamang hangan sa nang banggit ang taga pag salita ng misa.umopo sila at nakinig sa unang pag basa,,
Pero ang pasaway niyang mga kaibigan ay nariring niyang ng hagikgikan kaya lumingon Siya sa mga ito.
Kita niya ang mga ngiti nang mga Ito tapos si jhane ,at Gladys ay pinang dikit pa ang parehas na hintuturo para maging dalawa at parang mga tangi na kinikilig habang nakatingin, sa kanila.
Lord patawad po talaga sa mga kalukohan nang akin mga kaibigan piping dasal niya!!
"Tumingin na Lang siya sa unahan at nakinig sa sermon ng pari!! Pero ang pakiramdam na may nakatingin sa kanya at sumolyap siya sa katabi hindi nga siya nag kamali ito ang nakatingin sa kanya,
Anakkk,, makinig Ka muna sa Pari wag kay Sandy ang tingin narining niyang wika ng ina ni Bryan. shuta talaga nakakahiya nakita pa ng ina nito nakatingin ang anak niya. lord marami na talaga ako kasalanan ngayon araw dahil sa lalaking ito.
Kaya nga naman "Bro!! matunaw na yan, halos hindi kana kumokurap, d'yan sigunda Naman ng lalaking katabi nito. sinilip niya ito at nakita niyang gwapo ito pero mas lamang at iba talaga ang dating ng katabi niya sa kanya,
Bago matapos ang sermon ng Pari ay nang tanong Ito sa akin,
"Pwede mo ba ko Samahan?! na mag alay. Sa harapan ng Pari. Wika nito sa akin na na kangiti.
"Ahh ba,,kit,,,!! Yun Lang ang lumabas sa kanyang bibig. dahil hawak na nito ang kamay niya at inalalayan na siyang tumayo
Namalayan na lang niya ay hawak na nito ang kamay niya at nag lalakad patungo sa pintuan ng simbahan kung saan nakapila para sa pag aalay para sa misa.
"Dude" napatingin si sandy sa lalaki na nakapila rin na my hawak na alak at subre!!
"Gwapo din ito at nakasuot din ng barong Tagalog,
"Who is that girl" turo nito sa akin at tumingin "Kay Bryan, na nakangiti,
"Sweetie" tawag nito sa akin!"
Ako naman ay nagulat na tawagin akong Sweetie, baliw yata ang lalaking ito bakit ako nito tinatawag na sweetie hindi naman kami. ani ko sa akin isipan.
lintik naman oh hindi pa nga nang liligaw may pag tawag na ng ganon, bulong ko sa akin sarili, pero mukhang matalas yata ang pang dinig ng Governor na ito. kasi narinig pa ako at bumolong rin sa akin! "Sorry sweetie!" hindi ako marunong mang ligaw, at hindi rin alam kung paano mang ligaw pero kung gusto mo. na pag-aaralan naman mamaya umpisahan ko na at isapa marinig ko may bad world na lumabas sa iyong bibig i kiss you. b
bigla naman niyang tinikom ang mga labi, sa sinabi nito at na mula ang kanyang pisngi.
Wow mukha yata may nakita ka na dude," singit naman ulit ng lalaki sa kanila.
Sweetie ito nga pala si Mayor Eriksson montel ang Mayor ng lucena pag papakilala nito lalaki.
"Dude! si Sandy Lorenzo Girlfriend ko sabi pa ng binata sa kaibigan. na kina laki ng mata ko "Ano raw girlfriend wika ng isipan ko.
"Ohh talaga gulat nito kailan ka pa ng ka girlfriend non isang Araw lang mag kasama tayo. wala ka naman ikinuwento sa amin.hmmh ng lilihim kana Gov wika ng lalaki.
bago ako binalingan ng tingin nito at batiin "Hi! bati nito kakamayan sana siya ng mayor kaso humarang si Bryan,
Dude mag lakad kana ng hintay na si father wika ni Bryan na my seryoso boses,
Napaka possessive natatawang wika ng binata. nag umpisa na mag lakad ang mga mag aalay para sa misa.
Pero napatingin sa paligid. si Sandy nakita niyang lahat nang tao ay nakatingin sa kanila.
Hangan makarating sila sa Pari at inaabot ang alay nilang sobre at isang basket na prutas na buhat ni Bryan ng isang kamay kasi ang isang kamay hawak nito habang nag lalakad sila sa unahan.
Habang papalapit sila marami silang nariring na bulongan!!!
SA mga tao sino Kaya kasama ni gov
Baka girlfriend
Baka Yan na ang magiging asawa ni gov my balita balita mag asawa na si gov!!
Mga bulongan na nariring naman nila.
Hangan makablik sila sa upuan at hindi na nga nito binitawan ang kamay niya!!
"Huro jusko lord nang Simba Lang naman ko,
bakit parang mag Kaka boyfriend pa yata ko wala sa oras Sabi niya sa kanyang isipan.