Napabitaw si Sir Terrence sa paghawak ng beywang ko. Dahil sa nakita kong expression sa mukha ni Lawrence. Halata sa itsura niya na wala pa rin siyang pahinga at gulong-gulo ang buhok. Kaagad siyang lumapit sa akin at buong higpit akong niyakap. “I thought I lost you….” Sambit niya sa pagod na tinig. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Natagpuan ko ang aking sarili na yumakap na rin sa kanya. Nasa ganung eksena kami nang magbukas ulit ang pintuan. Kaya napahiwalay kami ng yakap. “Gabriella, Terrence! Apo!” Umiiyak na sambit ni Lola Clara. Nakasunod din sa likuran niya si Sir Flavio at Ma’am Maricar. Kaagad na lumapit si Lola Clara sa amin at nilapitan si Sir Terrence. “Mabuti naman at gising ka na ulit. Gusto mo ba talagang maaga akong mamatay ng hindi man lang nagkakaroon ng a

