Hindi makapaniwala si Gabriela na nasa harapan na siya ng pintuan ng chapel. Ang chapel kung saan unang nagkakila ang kanyang Inay at Itay at doon din ikinasal. Hindi ma-ampat ang kanyang luha nang makompirma niyang silang dalawa nga ang ikakasal ngayong araw muntik pa niyang mabugbug si Terrence dahil hindi man lang sinabi sa kanya ang lahat ng plano niya. Katwiran nito sa kanya ay wala namang surprises na ipinapaalam. Hindi din niya alam na may plano palang ito dahil wala naman siyang nakikitang kakaiba dito noong nasa condo pa sila ang alam lang niya pagkatapos ng landian nila ay nasa library na ito ng ilang oras at ayaw magpaabala dahil busy daw siya. Pagbaba niya ng chopper kanina ay kompletong pamilya kaibigan ang sumalubong sa kanya. Present din ang buong pamilya ni Terrence. Wala

