Hindi ako manhid para hindi maapektuhan sa sinasabi ni Lawrence. At hindi rin ako manhid para hindi maramdaman ang totoong nararamdaman niya para sa akin. Masaya ako, kasi kahit simpleng babae lang ako at walang kayang ipagmalaki kundi ang kagandahan ko ay may taong handa at kayang magmahal sa akin ng totoo. Sino ba naman ako para hindi mahulog sa kanya? Sino ba naman ako para tangihan siya? Mag-iinarte pa ba ako? Bakit hindi ko subukan na mahalin siya ng buo? Kagaya ng pinapakita niya sa akin? Bakit hindi ko na lang suklian ang lahat ng ginagawa niya para sa akin? Sigurado akong magiging masaya kami kapag siya ang napili ng puso kong makasama habang buhay. Dahil mas mahal niya ako at gaya ng sinabi niya hinding-hindi niya ako sasaktan. Pagkarating namin sa harapan ng mansyon ay nauna na

