Naging laman ng balita ang pagbagsak ng chopper na sinakyan ni Lawrence. Habang papunta ang chopper na sinasakyan nito para sa business conference at sa annibersayo ng foundation na dapat ay si Lola ang pupunta ay siya ang pinapunta nito. Human error ang naging dahilan ng pagbagsak ng chopper. Kasamang nasawi ni Lawrence ang anim na katao na sakay din ng chopper. At sumabog pa ito nang bumulusok sa bundok kaya namatay ang lahat ng sakay nito. Nakuha ang lahat ng sunog na bangkay at hindi na makilala. Ilang araw na akong hindi makausap at wala sa sarili. Inilagak sa mansyon ang labi ni Lawrence. Para na rin mapaglamayan ng mga hacienderong sumailalim sa pamamalakad niya. Naging mabuti ito sa lahat ng tauhan niya. Naging mabuti itong anak at naging mabuting girlfriend ang mas masakit sa l

