- Sammy - “Gagó ka beh! Wala kang kwentang kaibigan. Hindi ka man lang nakisama, edi sana hindi nagalit si Rex sa atin. " galit na galit na sigaw ni Menggay sa kabilang linya. “Mas gagó ka! Huwag mo na akong tatawagan, ikaw na nga itong scammer nandadamay ka pa. Makarma ka sana! Kawawa anak mo sayo bruha ka!" mabilis kong pinatay ang tawag ng bruhang si Menggay. Sabay blinock ko siya. Tangina ka. Hindi lang ako nakaganti dahil buntis kang malandi ka. Nagpupuyos ako sa galit. Ramdam ko pa rin ang pamamaga ng pisngi ko dahil sa malakas na pagkasampal niya sa pisngi ko. Hindi agad ako nakailag dahil nabigla ako sa ginawa nito. “Sammy!" Nagmamadali sa pagtakbo si Xavier habang may hawak na malamig na bote ng softdrinks. Narito kami sa loob ng convenience store at nakaupo dahil ito l

