-Sammy- Magdamag akong hindi makatulog dahil sa nalaman ko. Tahimik na ang kabilang kwarto kung saan ang Inay ko ay nagpapahinga at ang Itay ko na may malubhang karamdaman. Sumakit na naman puso ko. Hanggang ngayon ay hindi maabsorb ng utak ko ang lahat ng nalaman ko. Ayaw ng Itay magpaadmit kahit iyon na ang sinasabi ng kaniyang doctor, ang gusto ng Itay ay sa bahay lang magpahinga dahil nakakakilos pa naman siya at kaya pang gumalaw. May katigasan ang ulo ng Itay ko kaya walang magawa ang doktor sa kaniya. Napapunas na lang ako ng luha. Matagal na pala ang sakit niyang iyon kahit hindi pa umuuwing bicol ang Itay ko. Ang simpleng asthma na dumapo sa kaniya na buong akala ko ay normal lang, pero hindi. Lung cancer na pala. Kahit pala may sakit ito ay nagpapagamot pa ito sa isang alb

